Chapter Three

554 21 1
                                    

Axel POV

Fvck! Agad akong napahawak sa ulo ko ng makaramdam ako ng sakit mula dito,Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at agad bumungad saakin si anica na mahimbing na natutulog sa upuan habang may hawak na damit teka?! Damit ko yun ah? Agad naman akong napatingin sa katawan ko at napansing iba na pala ang suot kong pang-itaas.nakita ko din sa tabi na may maliit na planggana na may lamang tubig at bimpo.

Dahan-dahan akong umupo sa pinaghihigaan kong sofa bago tumayo at dahan-dahang lumapit sa mahimbing na natutulog na si anica nakita ko kung paano nito ipinagkasya ang sarili sa maliit na sofa may mga iilang buhok na nakaharang sa mukha nito dahilan para agad kong hawiin ang mga ito sa kanyang mukha.

"Sorry anica" Bulong ko sa kawalan bago siya buhatin para ilipat sa sofa na pinagtulugan ko kanina, nang maihiga ko na siya at malagyan ng kumot agad akong lumabas para magpahangin at para na din mawala ang hang over ko.

Pagkalabas na pagkalabas ko agad na sumalubong saakin ang malakas na hangin na siyang dahilan para mapapikit ako at damahin ang simoy ng hangin.

"Axel?" Agad akong napadilat ng mata ng marinig ko ang pamilyar na tinig na iyon.

"V-Vanessa?" Agad nanlaki ang mata ko ng makita ko siyang nakatayo sa harapan ko ngayon.

Totoo ba to? O nananaginip nanaman ako?

"A-anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko dito.

"Naglalakad-lakad lang gusto kasi ni baby magpahangin e" Nakangiting sabi nito at duon ko lang napansin ang buhat buhat nitong baby.

"Nasaan si tra-" hindi ko na natapos ang dapat na itatanong ko nang may marinig akong sigaw mula sa malayo.

"Van!" Agad naman napunta ang atensiyon namin ni vanessa sa lalakeng tumatakbo palapit sa kinaroroonan naming dalawa.

"Kanina pa kita hinahanap" Naka-kunot noong sabi ng asawa nitong si travis nang makalapit na ito saamin.

"Oh? Axel nasaan yung asawa mo?" Biglang tanong nito saakin nang mapansing wala akong kasama.

"Natutulog pa,Napuyat ata." Sagot ko dito dahilan para mapangisi ito.

"Pinuyat mo ata e" tatawa-tawang sabi nito.

"Osya! Mauna na kami pupuntahan pa namin yung panganay namin kila rieca" Sabi nito at agad nang naglakad kasama ang asawa at anak mula naman sa malayo nakatingin ako sa kanila kitang kita ko kung paano sila maglambingan at kitang kita ko din kung gaano kasaya si Vanessa kasama ang asawa.

Minsan hindi ko mapigilang hindi mainggit sa kaibigan kong si travis...
Dahil yung babaeng mahal na mahal ko, ngayon mahal na mahal nya na at mahal na mahal din sya.

nang tuluyan na silang mawala sa paningin ko napag-pasyahan ko nang bumalik sa bahay.

Pagkapasok na pagkapasok ko palang isang nakakagutom na amoy ang sumalubong saakin.

"Oh? Nandiyan kana pala pinagtimpla na kita nang kape,Inumin mo nayan habang mainit pa tatapusin ko lang tong niluluto ko malapit nato." Sabi nito habang ang tingin ay nasa niluluto, Umupo naman ako sa upuan atsaka kinuha ang kape.

"Anica hindi mo naman kailangan gawin to" Sabi ko habang nakatalikod ito sakin.

"Ayos lang axel" Sagot naman nito bago lumapit sakin na may dalang mainit na soup.

"Wag ka mag alala anica matatapos din to" Isang ngiti lang naman ang ibinigay nito saakin.

"Sige na ubusin mo na yan may pasok kapa" Agad ko naman nang itinuon ang atensiyon ko sa pagkain at baka mamaya ma-late pa ako sa trabaho.

Anica POV

"ANICA!" Agad akong napalingon nang may tumawag sa pangalan ko mula sa likuran.

"Oh? Xander anong ginagawa mo dito? Hindi ka ba pumasok? " Takang tanong ko dito.

"May gaganaping party ang lahat ng CEO nang malalaking kompanya dito kaya naman pinag-hahandaan namin nila sean" sagot nito.

"Si axel ba nasaan?" Tanong nito atsaka luminga-linga na mukhang hinahanap si axel.

"Pumasok sya" Sagot ko naman agad naman nanlaki ang mga mata nito.

"Ano?! Pumasok?! Eh kakakasal nyo lang kahapon ah? Hindi ba dapat magkasama kayo ngayon?" Kunot noong tanong nito na para bang hindi makapaniwala.

"Ayos lang naman xander,Sakin parin naman sya uuwi e" pabiro kong sabi.

"Loko ka talaga anica, Gusto mo bang sumama samin mag ayos? Nandun sila ashley" Anyaya nito saakin at dahil wala din naman akong gagawin sumama na ako at ng makarating kami dito may mga upuan at lamesa nang nakahanda dito at busy ang lahat sa pag aayos.

"ANICA!" Rinig ko naman sigaw ni ashley mula sa hindi kalayuan.

"Makasigaw naman ashley" Bulong ko dito ng makalapit na ito sakin.

"Namiss lang kita, kamusta naman ang bagong kasal? Napagod kaba kagabi?" Ngiting-ngiti na sabi nito.

"Oo sobra" Sobrang napagod ako sa mga nangyare....

"Magaling ba?" Ngiting tanong nito.

"Sakin nalang yun" Ngising sabi ko dito atsaka tumungo sa isang tabi para tumulong sa pag gawa ng kung ano-anong flower design.

"Pupunta kaba mamaya?" Tanong nito saakin atsaka tumulong nadin sakin.

"Kung aayain ako ni axel" Plain na sagot ko dito.

"Syempre aayain ka non.atsaka magpapakilala na yon kay eduard" Natigilan naman ako sa huli niyang sinabi.

"S-Si Eduard?" Kinakabahang tanong ko.

"Oo yung pinsan mo, isa sya sa mga darating mamaya" Agad kong nabitawan ang hawak kong mga bulaklak.

"NO! HINDI PWEDE!" Malakas na sigaw ko dahilan para lahat ng tao dun ay mapatingin samin.

"Anong problema?" Agad agad naman na tanong ni xander.

"W-wala, mauuna na ako" Sagot ko bago agad na tumalikod sa kanila at naglakad ng mabilis.

Hindi pwede...

Hindi pwedeng malaman ni eduard na kasal na ako.

Hindi....

(IM BACK! ^.^)

Secretly Loving HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon