Chapter Twenty Eight

202 5 5
                                    

ANICA POV

Hirap na hirap ako sa pagdilat dahil sa namamagang mga mata at isama pa ang mabigat na pakiramdam, agad na bumungad sakin ang tahimik na paligid.

Walang bakas ng presensya ni axel kahit saan. Unang tinignan ko ay ang sarili ko, agad naman bumungad sakin ang suot kong pantulog ko. Tama nga ako panaginip lang ang lahat.

Agad na sana akong babangon ng makaramdam ako ng hilo, Tinatrangkaso pa ko. pinilit kong tumayo at maligo hindi narin naman ako nag babad dahil ayoko narin mag tagal sa lugar nato, Kailangan ko ng umalis dito dahil tapos na ang pag papanggap ko bilang asawa nya.

Konti lang naman ang mga gamit ko kaya naman mabilis din akong natapos sa pag aayos. Pinilit kong ngumiti saka tumingin sa paligid, eto na ang huling araw na makakasama ko si axel sa iisang bubong.

Muntik na akong mapatalon sa gulat ng marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto agad na bumungad sakin si axel na walang emosyon.

Saglit lang naman ako nitong tinignan at nalipat na rin ang mga tingin nya sa mga bag ko na nakasalansan na. Agad na akong nag iwas ng tingin dito saka isa-isang kinuha ang mga gamit ko at hindi na nag abala pang magpaalam dito.

Dahan-Dahan kong pinihit ang pinto umaasang pipigilan ako nito. Umaasa akong sasabihin nya na wag ko syang iwan at mahal nya ako tulad ng nasa panaginip ko ngunit hindi iyon ang lumabas mula sakanya.

"Make sure na wala kang maiiwan na kahit ano" Tanging bigkas lang nito.

Tahimik akong lumabas sa kwartong iyon kasabay ng pagtulo ng luha ko. Dahan dahan lang ako sa paglalakad hindi dahil sa sama ng pakiramdam ko kundi sa umaasa akong may axel na hahabol sakin at pipigilan ako.

Pero mukhang wala.....

At talagang walaaa....

Nanghihina akong pinindot ang botton ng elevator at halos mapakapit pa ako dahil para akong tutumba sa bigat ng pakiramdam ko, Dahil siguro ito sa dami ng nainom ko kagabi.

Hindi pa dumadating  ang elevator agad ng nanlambot ang tuhod ko dahilan ng pag bagsak ko.

"Fvck" Mahinang mura ko at pinilit na maka tayo pero hindi ko kaya, ramdam ko na ang init na lumalabas sa ilong ko.

Bwe-bwelo palang sana ako para kumuha ng lakas ng biglang may humawak sa braso ko at tinulungan akong tumayo.

At hindi ako pwedeng magkamali...

Amoy palang si axel to.

"Kaya ko" Mahinang sambit ko atsaka tinanggal ang pagkakahawak nya dahilan para bumagsak ulit ako.

"Tss" Rinig kong tsked nito bago ako makaramdam na may bumuhat na sakin.

Hindi na ako nakapag salita hanggang sa maramdaman ko nalang na nasa loob na ulit kami ng room namin, dahan dahan ako nitong inilapag sa upuan atsaka umalis.

Ano to? Anong ibig sabihin nito? pinipigilan nya na ba ako?

Pero mukhang narinig nito ang tanong sa utak ko.

"Extended tayo dito ng 2 weeks dahil may bagyo walang mga yateng susundo. Kagabi pa malakas ang ulan" tanging sabi nito.

"Di kita pinipigilan umalis kung gusto mo makipag sagupaan sa bagyo GO" Pagkasabi nya non agad nya akong hinagisan ng gamot.

Akma na itong aalis ng magsalita ako.

"Salamat" Bulong ko kasabay ng pag yuko.

"Kung may mahahanap kang malilipatan, umalis kana" Simpleng sabi nito atsaka tuluyan ng umalis.

Secretly Loving HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon