Chapter Twenty Six

270 10 1
                                    

ANICA POV

Andito ako ngayon sa labas ng room namin, nakatitig lamang ako sa pintuan at hindi alam ang gagawin.

Hinigpitan ko lang  ang hawak ko sa key card na kinuha ko kanina sa baba at pumikit ng mariin. Paano kung sa pag pasok ko sa pintong ito makita ko si axel na kasama si cheska?

Agad akong umiling-iling at muling tinitigan ang pintong nasa harapan ko, Agad kong hinawakan ang magkabilang pisngi ko at tinapik tapik pa ito ng mahina.

Nakailang buntong hininga pa ako bago napag desisyunan na gamitin na ang key card at dahan-dahang binuksan ang pinto.

Sumalubong sakin lamig na mula sa aircon ng kwarto at ang amoy ng alak saka mahinang kanta na nagmumula sa kung saan.

Alaala (MM Madrigal)

parang kahapon lang
magkasama lang
magkayakap sa ulan

Dahan dahan akong naglakad at bumungad sakin ang sobrang daming lata ng beer sa kusina habang si axel na umiinom, kitang kita ko sa mata nito ang lungkot.

Sino nga bang hindi malu-lungkot sa nangyare? Nang dahil sakin pati pagkakaibigan nila nasira.

tanda kopa noong
unang nagkita
ang yong mga mata
at ako'y na bigla

Agad kong kinuha ang basurahan na malapit sakin saka lumapit sakanya at inumpisahang kunin ang mga latang walang laman.

nung lumapit
ay kumapit
parang isang panaginip
ayokong magising

Hindi naman ako nito pinansin at tuloy tuloy lang sa pag inom ng alak, Agad ko ng nilagay ang basurahan sa isang tabi at tumungo sa fridge para kumuha ng maiinom ngunit nanlaki ang mata ko ng sa pagbukas ko walang kahit na ano kundi puro alak.

ngunit nasan kana
ako ay mahal mo paba

"Ganyan ka ba talaga kamiserable?" Bulong ko, mukhang hindi nya naman ako narinig kaya mas minabuti ko nalang na kumuha ng tatlong can na beer saka umupo sa katapat nya at sinimulang buksan ang unang can ng beer.

parang kahapon lang
magkasama lang
magkayakap sa ulan
parang kahapon lang
magkasama lang
wala na ang lahat

Agad kong ininom ang isang can, ini-straight ko. Wala akong pake kung malasing ako, basta ang alam ko lang ay gusto kong mag inom para mawala yung bigat sa dibdib ko. Hindi kasi ako hinayaan ni Jc na uminom ng marami kanina kaya ngayon ko susulitin.

at naalala
nung tayo pang dalawa
palaging masaya
walang problema

"Bakit andito kapa?" Agad akong napatingin kay axel ng magsalita ito, pero hindi ko sya pinansin at agad na ulit na binuksan ang pangalawang can ng beer, at tulad kanina ininom ko ulit ito sa isang lagukan lang.

naiisip
yakap mo't halik
sana'y
bumalik

Nang mainom ko na ang pangalawang can ng beer agad akong napadighay, Bubuksan ko na sana ulit ang pangatlong can ng beer ng agawin ito ni axel at ibato sa kung saan.

ngunit nasan kana
ako ay mahal mo paba

"Bakit andito kapa?" Agad ko naman syang hinarap pero hindi ako nagsalita.

Secretly Loving HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon