Chapter Sixteen

231 4 1
                                    

ANICA POV

Nanginginig parin ako ng makarating ako sa bahay agad akong dumiretso sa kwarto ko at hinanap ang box kung saan andon yung mga pictures namin dati ni evan,inilagay ko don ang envelope na puro dugo ko pa.

Agad akong huminga ng malalim atsaka nilinis ang sarili ko sa cr atsaka ginamot ang sugat ko.

Agad naman akong nagtungo sa kusina para ipagluto ng pagkain si axel, balak ko narin sabihin sakanya ngayon ang nararamdaman ko para sakanya, Baka sakaling sa paraan nato mapigilan ko ang balak ni mr.fuentabella na ipakasal si axel kay cheska.

Gusto kong mapatunayan na totoo ang nararamdaman ko para sa anak nila at mali ang ibinibintang nila na kasabwat ako sa pagnanakaw sa kompanya nila.

Nang matapos ako sa pagluluto nag labas ako ng wine at inayos na ang lahat sa lamesa,Hindi naman nagtagal narinig ko na ang sasakyan ni axel kaya dali-dali ko itong sinalubong.

Naabutan ko syang kakapasok lang sa pinto habang hinuhubad ang coat nya, Agad naman akong lumapit para tulungan sya na ikinagulat nya.

"Kaya ko naman" Sabi lang nito pero hindi ako nagpatinag, tinulungan ko din syang tanggalin ang neck tie nya, Agad nitong napansin ang kamay ko na may sugat.

"Napano yan?" Takang tanong nito atsaka hinawakan yung kamay ko ng maingat para tignan.

"W-wala to nakabasag lang ako ng plato" Dahilan ko atsaka iniwas ang kamay ko ngunit hinawakan nya lang ulit ito.

"Hindi ka kasi nag iingat" Sabi nito atsaka naglakad papunta sa kusina habang hawak parin ang kamay ko.

Agad naman syang napatingin sakin ng makarating kami sa kusina. "Anong meron?" Takang tanong nito sakin atsaka tumingin sa lamesa.

"Kumain nalang muna tayo" Sabi ko sakanya bago umupo sa upuan, Agad naman syang sumunod sakin. Nilagyan ko sya ng pagkain sa plato nya at nagsimula na kaming kumain.

Tahimik lang kaming kumakain walang nagsasalita na kahit isa sa amin,kaya naman ako na ang gumawa ng paraan para mabasag ang katahimikan binuksan ko ang wine at nilagyan ang baso namin.

"May sasabihin sana ako sayo" Nahihiyang sabi ko atsaka inabot sakanya ang baso na may wine, Agad naman syang tumingin sakin.

"Ano yon?" Seryosong sabi nito saka muling sumubo.

"Is it possible na mahalin moko?" Pagkasabi ko non medyo yumuko ako dahil hindi ko sya kayang tignan sa mata. Eto ang unang nagtanong ako ng ganto sa lalake. Hindi pa ako nag confess sa kahit na kanino.

"Anica?" tawag nito sakin bago ko naramdaman na hinawakan nya yung baba ko para pagtapatin ang tingin naming dalawa. Nakita ko naman ang lungkot sa mga mata nya.

Agad din akong nalungkot dahil mukhang alam ko na kung san patungo to. Alam ko naman sa sarili ko na hindi ko matutumbasan si vanessa sa puso nya.

"Do you lov-" Hindi ko na sya hinayaan pang tapusin agad na akong tumango bilang sagot.

I love him more than he knows, I wasn't planning on loving him, but im happy that I did. he's the reason why I get over to someone and move on.

"Alam mo naman siguro" Sabi nito atsaka tinanggal ang kamay nya sa baba ko "Hindi madaling kalimutan si van" Patuloy nito at nanatili lang din naman akong tahimik. "But I'll try to love you back" agad naman nagkaroon ng pag asa sa puso ko ng marinig yon.

"let's go a trip?" Aya ko sakanya.

"Trip? Saan?" Tanong naman nito habang pinagpapatuloy ang pagkain.

"Japan? Korea?" Ayokong sa pilipinas dahil alam ko na hanggat andito kami may pag asang malaman nya ang gustong sabihin ng kanyang ama.

"May mga inaasikaso pa ak-" Hindi ko na sya pinatapos pa.

"Please? Just for a week" Agad naman itong ngumiti at tumango dahilan para mapatayo ako at mayakap sya. "Thank you" Bulong ko.

Agad naman na naming tinapos ang pagkain, at napag desisyunan na mag movie marathon. habang nanunuod kami nakapatong ang ulo ko sa balikat nya habang ang ulo nya naman ay nakasandal sa ulo ko.

"Let's Play?" Biglang aya ko sakanya na ikinakunot ng noo nya. "We're watching" Maikling sagot nito at ibinalik ang tingin sa screen ng TV dahilan para alisin ko yung ulo ko sa balikat nya at ngumuso.

"Fine" Sagot nito atsaka humarap sakin.

"Let's Talk gamit ang lyrics ng mga kanta" Pagkasabi ko non agad naman akong nagsimula.

"All I want is to fly with you,All I want is to fall with you,So just give me all of you" Ulit ko sa line na kinanta ko sakanya nung nakaraan, Tahimik lang naman syang nakatingin sakin.Bumuka na yung bibig nya ng biglang mag ring ang phone nya na nasa kusina.

"Ako na, Magisip ka muna" Sabi ko sakanya at agad na pumunta sa kusina kung saan nakapatong ang phone nya sa lamesa agad naman akong kinabahan sa pangalan na nakarehistro sa cellphone nya.

Dad Calling...

'Wag muna ngayon' paulit ulit na sabi ko sa utak ko baka sakaling marinig ng dad ni axel, Agad kong dinecline ang tawag ng dad nya, Ngunit muli lang itong tumawag.

"Sinong tumawag?" Tanong sakin ni axel na nasa likod ko na pala at kumukuha ng tubig.

"W-wala" Kinakabahan ko paring sagot dito. agad nanamang nag ring yung cellphone nya kaya napatingin sya dito at umakma syang kukunin ito pero iniwas ko dahilan para kumunot ang noo nya.

"What's wrong?" Seryosong tanong nito na nakakunot parin ang noo, Hindi ako sumagot hanggang sa inagaw nya na ang cellphone sa kamay ko at agad na sinagot ang tawag.

"I don't wan-" Hindi nya na natapos dapat sasabihin ng bigla itong manlumo.

"Im on my way" Pagkatapos non ay agad syang tumakbo paakyat ng kwarto nya, Hindi nya naman napatay ang tawag kaya agad ko itong kinuha at nilapit sa tenga ko.

"Sorry Mrs.Fuentabella but Mr.Fuentabella cant make it." Agad akong nakarinig ng iyak kasabay ng panginginig ng buong katawan ko. Narinig ko ng humarurot ang sasakyan ni axel mula sa labas.

AXEL POV

"Anong wala na?! babayaran ko kayo! kahit magkano! million? FVCK" Galit na galit kong sigaw sa mga doctor na nasa harapan ko.

"Axel tama na" Awat sakin ng tatlo kong kaibigan dahil gusto ko ng pag susuntukin ang doctor sa harapan ko.

"Ano?! tatanga nalang kayo! mga wala kayong kwenta!" Sigaw ko parin ngunit kahit isa sa kanila ay walang kumikibo at kumikilos.

Agad naman akong nanlambot ng ilabas na nila ang katawan ng tatay ko na nakataklob ng kumot na puti.

"Get up!" Sigaw ko saka sinipa ang pinaglalagyan neto.

"GET UP!" Muling sigaw ko pero sa pagkakataon na to may kasama ng luha.

"Axel" Muling awat sakin ni travis pero tinulak ko lang to.

"DAD!" Muling sigaw ko kasabay ng pagyakap ko sa bangkay nito.

"Who did this?!" Galit na sigaw ko.

I will find you and I'll kill you!

Secretly Loving HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon