Chapter Seventeen

188 4 1
                                    

SEAN POV

At dahil hindi namin maawat si axel mas minabuti muna namin na dalhin sya dito sa bahay, Agad ko rin naman pinapunta muna sila rieca kila travis dahil ayokong masaksihan nila kung gaano kademonyo magalit si axel.

Napataob nya lahat ng umawat sakanya sa hospital bago namin sya madala dito.

"650k para sa hospital" Biglang basag ni travis sa katahimikan habang umiiling-iling atsaka tumayo para kumuha nanaman ng panibagong alak.

"Tindi mo manira axel" Bulong naman ni xander na namro-mroblema din hindi dahil sa babayaran kundi dahil hindi na namin alam ang gagawin sa nangungulila naming kaibigan.

Agad naman dumating ang private investigator ng pamilya nila axel, kaya agad agad na umayos ng upo si axel kahit naparami na ito ng inom.

"Wala ng stock ng alak samahan moko" Agad naman na aya ni travis kay xander dahilan para agad na umalis ang dalawa.

"The main suspect is your wife axel" Biglang sabi ng investigator nila na ikinalaki ng mata ko tama ba narinig ko. Ano daw? si anica?

Agad akong tumingin kay axel pero wala itong ka rea-reaksiyon seryoso lang itong nakikinig kaya naman pinagpatuloy na nito.

"Hindi pa naiimbistigahan ng mabuti pero base yan sa mga nakakita. ang asawa ninyo ang kauna-unahang pwedeng maging suspect,Ang sabi ng kasambahay na dumating doon ang asawa nyo na may kasamang hardinero at narinig nya na nagtatalo ang tatay nyo at ang asawa nyo hanggang sa may narinig na silang ingay na parang may nabasag. nanginginig na tumatakbo daw ang asawa nyo paalis at nakita ng kasambahay na may mga dugo ito sa kamay at pagkatapos non inakyat nila sa opisina ang ng tatay nyo para I-check ngunit natagpuan itong sinaksak gamit ang basag na vase,Nakita rin syang tumatakbo palabas ng village nakita rin sya ng guard na sumakay sa lalakeng sinabi nitong hardinero" Hindi ako makapaniwala sa narinig ko, Pero isa lang din ang nasa isip ko hindi magagawa ni anica ang mga bagay na yon.

Agad kong nakita ang pagkuyom ng kamao ni axel atsaka agad na tumayo at umalis.

"Sigurado ba kayo dyan?" Paninigurado ko, Agad naman nitong inabot sakin ang folder na naglalaman ng statements ng mga nakakita.

----------------------------------------

ANICA POV

Paikot ikot ako ngayon sa sala habang hindi parin makapaniwala sa narinig ko, Hindi pa rin mag sink in sa utak ko yung mga narinig ko.

paanong? Agad akong napasabunot sa sarili ko ng maalala ang sitwasyon ni mr.fuentabella kanina kung paano ito mahirapan sa pag hinga.Paano kung dahil sakin kung bakit nangyare yon?

Agad naman akong napatigil sa pag iisip ng marinig kong may nag doorbell agad-agad akong pumunta para buksan ang pinto ng bumungad sakin si rieca na hingal na hingal.

"Sumama ka sakin" Nagmamadaling sabi neto sabay hawak sa kamay ko na ikinagulat ko.

"San tayo pupunta?" Takang tanong ko dito ngunit isang malungkot na tingin lang ang isinukli nito.

"Pinapasundo ka sakin ni sean" Matagal bago ito makasagot ngunit mas lalo akong nagtaka sa sinabi nito, Bakit naman ako pinapasundo ni sean?

"H-hindi ko pwedeng iwan si axel, L-Lalo na at sa ganitong s-sitwasyon" Hirap pero nagawa ko paring sabihin.

"Anica, Hindi mo kailangan may stay kay axel" malungkot na sabi nito atsaka na ako hinila palabas.

"B-Bakit?" Malungkot na tanong ko dito. Gusto kong mag stay, Kailangan nya ako ngayon.

Secretly Loving HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon