Chapter Twenty One

245 5 2
                                    

ANICA POV

5 Month later...

Nakatingin lang ako sa screen ng laptop ko habang umiinom ng kape. Ang sarap titigan ng mga mata nyang walang lungkot at galit, Eto yung axel na minahal ko yung axel na nagustuhan ko pero dahil sa taong nasa likod ng pagpatay kay mr.fuentabella nasira kung ano ang meron samin.

"Again?" Agad kong binaba ang hawak kong kape ng biglang dumating si rieca na may dala-dalang cheesecake.

"Hindi ka man lang nagsabi sakin na darating ka" Nakasimangot na sabi ko dito atsaka kinuha ang cheesecake na hawak nya.

"Months have passed pero hindi man lang nabawasan ang pagmamahal mo sakanya" Sabi nito saka kumuha ng plato.

"Months have passed and im still hurting but happy at the same time" Nakangiting sabi ko dito "Atleast ngayon nakikita ko na syang nakakangiti" Agad naman nitong binagsak ang plato sa harap ko. "Walang wala ang 5 months sa pag iintay mo kay sean" Ngising sabi ko dito.

"Nakakatanga talaga ang pagmamahal" Iling iling na sabi nito at hiniwa na ang cheesecake na dala nya.

"Isipin mo nalang kung pano nagpakatanga si vanessa kay travis" Iiling-iling narin na sabi ko. "Mas naging tanga si Ashley kay Xander" Nakangiwing sabi ni rieca na ikinatawa ko. "Pero in the end nakuha parin nila ang ending na gusto nila" Agad naman akong ngumiti, Lahat sila nakuha na ang ending na gusto maliban sakin.

"Pinaka maganda na ata ang love story nyo ni sean kung ikukumpara samin" Natatawa tawang sabi ko parin. "And mine is the worst" Agad akong napatingin sa lalakeng nasa screen ng laptop ko.

"Tumawag pala sakin si Jc pinapakamusta ka" Pagiiba ng usapang sabi nito na ikinakunot ng noo ko.

"Kakatawag nya lang sakin kanina ah?" Natatawang sagot ko dito kaya agad itong sumimangot. "That jerk" Irap nito saka sumubo ng cheesecake.

FLASHBACK

"Hey" Nagising ako ng makaramdam ng mahihinang tapik mula kay Jc. Halos hindi ko pa maidilat ang mga mata ko dahil sa pag iyak kanina.

"Andito na tayo" Mahinang sabi lang nito at bumaba na ng sasakyan, Ano pa nga bang aasahan ko sa taong to? eh lagi namang ganyan yan aalis tapos biglang darating.

"Dyan ka nalang?" May halong inis na sabi nito na ikinagulat ko dahil nasa gilid na pala ito at hinihintay akong bumaba ng sasakyan. Agad na akong kumilos at bumaba ngunit sa pag kilos ko agad na kumirot ang braso ko.

"Sh*t" Rinig kong mura nito at hindi namalayang buhat buhat na pala ako nito papasok sa bahay.

Hindi naman na ako nagsalita dahil baka mamaya maihipan nanaman ito ng masamang hangin, Sa ngayon si Jc lang ang naging kakampi ko. Dahan dahan akong ibinaba nito sa sofa at muling umalis.

Dahan dahan akong tumayo para hawiin ang mga kurtina ngunit agad na may nagsalita mula sa likod ko.

"Call me weird but I love darkness" Walang emosyon na sabi nito kaya naman bumalik nalang ako sa kinauupuan ko kanina ng tahimik, Hindi nagtagal ay naramdaman kong hinahawakan nito ang mukha ko kaya napalayo ako dito. anong ginagawa nya?

"Tsk" inis na sabi nito at agad na dinampian ng bulak na may alcohol ang pisnge ko dahilan para mapangiwi ako sa hapdi na naramdaman ko.

"Kung wala ako don patay kana" Sabi nito na tuloy parin sa ginagawa, Mukhang nasugatan ako ng mga bubog na tumalsik kanina. Agad naman nalipat ang tingin ko sa gilid ng ulo nito na may bakas pa ng tuyong dugo, Dahan dahan ko itong hinawakan.

Secretly Loving HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon