Chapter Twenty Five

252 6 4
                                    

ANICA POV

"Congrats" Tanging iyon lang ang paulit-ulit na naririnig namin sa paligid habang kaharap si axel at cheska.

Hindi ko alam kung paano nagagawa ni axel na humarap sakin pagkatapos ng pag a-announce nito tungkol sa engagement nilang dalawa.

"Congrats" Halos napatingin naman kaming lahat ng biglang magsalita si JC na nasa tabi ko. Bakas ang galit sa mukha ni sean at xander pero mas pinili nalang ng dalawa na manahimik muna as a respect nalang sa mga nakapaligid. Habang si rieca naman ay ganon din.

"Salamat" Nakangiting sabi ni axel kay jc saka tumingin sa dalawang kaibigan. "Di nyo ko babatiin?" Taas kilay na tanong nito sa dalawa ngunit tumayo lang si xander at umalis, Napailing nalang si sean habang sinusundan ng tingin ang kaibigang umalis.

Agad na bumulong si cheska kay axel, Nakita namin ang ilang pagtango nito bago hinalikan sa labi ang babae.

Nanatili lang akong tahimik kahit nasasaktan na, Gusto ko mang iiwas yung tingin ko pero diko magawa.

Pagkatapos non agad ng umalis at nagpaalam samin ang babae, Pagka-alis na pagka-alis ni cheska saka naman ang dating muli ni xander na may hawak na alak.

"Wala ba kayong sasabihin?" Umayos ng upo ni axel saka humarap samin at binuksan ang kaninang dala na alak ni xander.

"Mauuna na ako sean, Inaantok na ako" Agad naman akong napatingin kay rieca na agad ng umalis, Kitang kita ko ang galit sa mga mata nito.

"Anong gusto mong marinig samin? Congrats?" Seryosong tanong ni sean sa kaibigan saka inagaw ang nabuksan na alak sa kamay ni axel at nilagyan ang mga baso namin.

"THE PARTY IS OVER!" Agad na sumigaw si xander na ikinagulat ko samantalang ang tatlo ay hindi na nagulat sa ginawa ng kaibigan.

Iilan-ilan lang ang mga umalis dahilan para umakyat pa si xander ng stage para i-announce na tapos na ang party at kailangan na nilang umalis, Agad agad namang nagsialisan ang mga bisita, ng nasigurado na ni xander na kami nalang ang nandito agad na itong lumapit at umupo muli sa kanyang upuan.

"Pakiulit nga yung announcement nyo kanina" Seryosong sabi ni xander na ngayon ko lang nakita sa tagal naming magkasama.

"Hindi mo ba narinig? Gusto mo bang magpa engagement party pako?" Agad na tumayo si xander atsaka sinalubong ng suntok si axel dahilan para mahulog ito sa kinauupuan.

"Fvck you" Madiin na bulong ni xander dito at saka muling pinagsusuntok sa mukha si axel wala naman na kahit sino ang pumipigil dahilan para tumayo ako at pigilan si xander.

"T-Tama na" Halos utal kong pigil kay xander, Agad naman na tumigil ito at tinignan ako sa mata na ikinatakot ko.

"Sabihin mo sakin anica, Palabas lang ba ang kasal nyo?" Agad lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa tanong ni xander. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"About sa case" Agad naman akong nakahinga ng mabaling ang atensyon nila kay JC na nagsalita habang may hawak na envelope.

"Gusto mo bang basahin ko pa axel?" Tanong ni jc at lumapit kay axel saka inilahad ang kamay upang tulungan itong tumayo. Ngunit hindi tinanggap ni axel ang kamay ni jc at pinilit tumayo kahit na hirap.

Agad itong umupo sa kinauupuan kanina saka pinunasan ang labing may dugo at walang emosyon na humarap ulit sa mga kaibigan.

"Here" Abot ni jc ng envelope ngunit tinignan lang ito ni axel.

"Alam ko na ang lahat" Agad nanlaki ang mata ni jc sa sinabi ni axel "Ho-" Hindi na natapos ni axel ang sasabihin ng unahan sya nito.

"Nagpa imbistiga ako ng sarili ko, Alam kong walang kasalanan si anica. Yun yung gusto nyong patunayan diba?" Naikuyom ni jc ang kamao nya dahil sa narinig.

"Alam mo naman palang walang kasalanan si anica, Bakit mo ginagawa to?" Galit na tanong ni jc kay axel, Ngunit bago pa ito makasagot si sean naman ang muling tumayo at hinawakan sa damit si axel at sinuntok.

"Fvck You Axel!" Galit na galit na sigaw nito at muli nanamang sinuntok ang kaibigan kaya naman agad na akong lumapit at pigilan si sean, Agad naman itong sumunod sakin at napasabunot nalang sa buhok.

"Don't you see? Hindi ko sya mahal" Agad naman akong nasaktan ng marinig yon mula kay axel.

"Fvck you!" Muling sigaw ni xander at muli na sanang susugod ng harapin sya ni axel. "Kahit patayin nyo pa ako sa mga suntok nyo walang magbabago" Sigaw nito sa mga kaibigan.

"Hindi ikaw si axel" Bulong na sabi ni sean dito.

"Pagod na akong mag panggap" Ngising sabi nito habang nakatingin kay sean "Hindi ko na kayang ikulong ang sarili ko sa pekeng kasal" Saka nilipat ang tingin sakin kaya agad akong napayuko hindi ko sya kayang tignan sa mga mata.

"Oo naging gago ko, Pero mas gago kang tunay axel" Galit na sabi ni xander sa kaibigan.

"Bakit ba ako nakulong sa sitwasyon nato?" Naging seryoso ang itsura ni axel saka lumapit kay xander at hinarap ito. "Para sayo at kay travis" Agad na lumipad ang kamao ni xander sa mukha ni axel.

"Edi sana dimo nalang ginawa" Sigaw nito.

"Tapos ano? Si travis na iisipin na mahal ko pa si vanessa?" Gusto kong sumagot ng OO dahil alam kong may puwang parin si vanessa sa puso nya pero alam ko din na hindi ito ang tamang oras para gawin ko yon.

"Ikaw na hindi man lang alam na may anak ka? Ikaw na baliw kay anica? Ganon ba gusto mo?" Muling naikuyom ni xander ang kamao.

"Tama na" Tanging salita na nailabas ko.

"Kalimutan mong may kaibigan ka!" Sigaw ni xander habang nakaduro pa kay axel. Agad naman ng inawat ni sean si xander at hinila na paalis sa lugar.

"Hindi ako makapaniwala sa mga nangyare axel" Natatawang sabi ni jc dito.

"Kung gusto mo mag pakasal sana dimo ginamit yung kaso kay anica para palayuin sya" Agad ko namang hinawakan sa kamay si jc para patigilin nato.

"Dahil sa ginawa mo, Wala ng natira sayo" Huling sabi ni jc saka ako hinila paalis kung nasaan si axel. Hindi naman na ako nagsalita at hinayaan si jc na hilahin ako kung saan.

"Lets drink" Agad kong sabi kay JC saka ito hinila sa bar na natanaw ko.

Wala naman akong narinig na kahit ano dito kaya binilisan ko na ang lakad ko para makapunta agad don.

Nang makarating kami agad akong pumunta sa counter at umupo saka umorder ng inumin ganon din naman ang ginawa nya.

"Cheers" Ngiting sabi ko ng ilapag ang order namin, Seryoso lang itong nakatingin sakin saka kinuha narin ang alak nya. Agad namang tumulo ang luha ko pagkainom na pagkainom ko.

"I hate giving up on people" Umiiyak na sabi ko kay Jc saka muling um-order. "But I hate forcing sh*t even more" Nagawa ko pang ngumiti sa harap nito kahit na halos tumulo na ang uhog ko kakaiyak.

"Nobody wants to hear this" Agad naman akong napatingin kay jc ng magsalita ito at hawakan ang kamay ko."Sometimes the person you want most, is the person you're best without" Binigyan ako nito ng isang ngiti saka ginulo ang buhok ko. "Chin up princess or the crown slips" Agad naman akong ngumiti ng pilit.

Secretly Loving HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon