VV
***Warning: The following content is mature and may be triggering. Skip if uncomfortable.****
Pangalawang araw ko na sa trabaho. Hindi na ako nag-ayos dahil alam kong aayusan naman ako doon. Pero ayoko nang maulit muli ang nangyari kahapon, hindi ko nga kilala si Elijah na yun eh. Hindi na ako mag-iinom bago sumayaw. "AAAAAHHH NAKAKAHIYAAAAAAA!" sigaw ko. First time ko 'yun na hindi ko manlang naramdaman. Kailan kaya ulit?
"Val! Huwag kang mag-isip ng ganyan mamaya, ano pa mangyayari sa akin," umiling ako at kinuha na ang bag ko na nakapatong sa kama. Kumain na rin ako ng dinner, hindi ako kumain kagabi akala ko pagkatapos ko ay kakain na ako.
Inilock ko na ang kwarto at umalis. Naglakad ako papunta sa kalsada. Ang lugar na ito ay napakitipid kaya mahirap maghanap ng taxi o jeep. May mga batang nakikita pa rin akong naglalaro sa gilid kahit 8 PM na. Ang dumi na nila. Hindi ba sila naliligo?
Inilabas ko ang cellphone na luma na, binigay lang sa akin sa ampunan kaya ako ang unang nakakuha kaya kinuha ko na.
Tiningnan ko ang oras. Oh no! Mag-9 na! Kailangan nandun ako ng 9. Ang aga naman ng oras. Tumakbo na ako at nag-antay ng jeep. Habang nag-aantay, huminto ang isang pamilyar na sasakyan sa harap ko.
"Saan ka pupunta, gabi na ah?"
"A-ah, dun sa club," sagot ko.
"Get in, hahatid na kita," sabi niya.
"Sure ka?"
"Oo, ayaw mo?" pilosopo niyang sagot.
Sumakay na lang ako sa sasakyan. San pa ba?sa aso? sa kanya? Joke. "Bakit ka nagtatrabaho sa club?" tanong niya habang nagmamaneho.
"Eh ikaw, bakit ka ba nandito?" sagot ko naman.
"Ah, eh eto din naman kasi daan pauwi ah," sagot niya ulit na parang hindi siya sure.
"O, hindi mo pa ba sinasagot yung tanong ko?"
"Kailangan ko bang sagutin? Eh hindi nga kita masyadong kilala eh," sagot ko habang nakatingin sa labas.
"Makikilala mo ako," naririnig kong bulong niya. Hindi ko na lang 'yon pinansin.
Nakarating na kami sa club. Inalis ko ang seatbelt at nagpaalam.
"Thank you," sabi ko habang binubuksan ang pinto. Isinara ko agad dahil ayaw ko nang mapatagal ang usapan, kaya tumakbo ako ng mabilis papasok.
"Bakit ka tumatakbo?" biglang nagpakita ang bakla.
"H-ha?"
"Nakita kita," tinuro niya ang tinted na bintana sa tabi ko.
"A-ah, hindi ako tumatakbo. I mean, tumatakbo ako pero dahil malalate na ako," I explained, catching my breath.
"O sige, punta ka na dun magpalit ka na," tumango na lang ako.
Binuksan ko ang pinto ng isang kwarto. "Eto na 'yung gagamitin mo oh," may pinasa ang mga babae sa loob.
"Halika muna dito, aayusan kita," sabi ng makeup artist.
Katulad kahapon, kinulot pa rin niya ang buhok ko at ngayon naman, simpleng makeup lang ang ginawa. "Magpalit ka na doon."
Natapos na akong magpalit at naglakad papunta sa isang bar.
"Uhm, pwede ko po bang makuha yung bayad ko kahapon pagkatapos?" tanong ko.
YOU ARE READING
The Virgin Stripper
RomanceValerie, just out of the orphanage and eager to be independent, gets a job as a stripper to make some money and survive. She wants to live on her own and build a better life. But her world is turned upside down when she finds out she's pregnant afte...