VVMag-aalas singko na. Ilang minuto na lang ay uuwi na rin ako.
May inaayos akong mga gamit ngayon sa Surgery Room. Kakatapos lang din kasi ng operasyon sa isang maliit na pusa na may problema raw sa mga mata. Tinulungan kong maglinis si Doc kaya ako naririto. Nanood lang ako kasi hindi ko pa alam ang mga materyales na gagamitin.
"Valerie, kanina pa nagri-ring yang cellphone mo," sabi ni Lea.
Si Lea ang babaeng tumulong sa akin kanina. Kapatid siya ni Dr. Francis. Nagtatrabaho rin siya dito dahil DVM rin ang kaniyang kinuhang kurso.
Tinignan ko ang cellphone ko na kanina pa raw nagri-ring. Si Elijah.
"Hello? What took you so long to answer," iritang sabi niya.
"Bakit ba?" tanong ko.
"Don't give me attitude, princess," ramdam kong ngumisi siya.
"Sorry, pagod lang ako," napabuntong-hininga kong sabi.
"What? Hindi ba't sabi ko wag kang magpapagod?" sabi niya.
"I mean, busy lang ako," paliwanag ko. Pagod ako pero hindi gaano.
"Just don't get stressed and too tired. Alam ba ng boss mo na you're pregnant?" biglang tanong niya at naalala ko siya pala ang nagbayad ng hospital fee ko.
"I think. Saka for I remember, he paid my hospital fees."
"He? Is he handsome? Single?" Nakaramdam ako ng selos sa pananalita niya.
"Oo, he. Gwapo, parang cartoon character at saka single."
"Ok," sinabi niya lang.
"Bakit ka pala napatawag?" iniba ko ang usapan.
"Anong oras ka matatapos?"
"Uhm, may 5 minutes pa ako," napatingin ako sa orasan.
"Ok, malapit na ako," binabaan niya ako.
Malapit? Inayos ko ang natitirang dumi sa lamesa at lumabas ng Surgery Room para ayusin ang mga gamit ko. Umupo na lamang ako sa lamesa ko para hintayin si Elijah. Lumabas si Dr. Francis sa kanyang opisina na may dalang bag.
"Oh, Valerie, bat nandito ka pa? Gusto mo hatid ka na namin ni Lea? Isasara ko na din tong clinic," sabi niya.
"May hinihintay lang po baka nandiyan na rin po siya."
"Kung matagal pa, pwede ka naman sumabay sa amin ni kuya," sabi naman ni Lea.
"Yes, we insist in driving you ho—" bumukas ang pinto.
"Hindi na kailangan, andito na ako," matigas niyang sabi at inakbayan niya ako na may gamit pang shades.
"You are?" tanong ni Dr. Francis.
"Oh my gosh! Elijah Preston Quinn?" sigaw ni Lea sa tuwa.
"Kuya, siya si Elijah, anak ng isa sa pinakamayaman na CEO's," sabi ni Lea.
"Ah," tumango si Doc.
"Elijah," nakipagkamay siya.
"Francis."
"Bro, thank you for paying Valerie's hospital fee, how much?" sabi niya na may halong yabang.
"Huh?" sabi ni Lea.
YOU ARE READING
The Virgin Stripper
RomanceValerie, just out of the orphanage and eager to be independent, gets a job as a stripper to make some money and survive. She wants to live on her own and build a better life. But her world is turned upside down when she finds out she's pregnant afte...