Chapter II- I'm.... Miss GO TO HELL

56 0 0
                                    

Hi guys. Enjoy reading! Love lots!
~Guiannuuuh <3


<Elena's POV>

"Hayyy! Nakakainis! Ughh Ughh Ughh!" kinakausap ko ang sarili ko at nakayuko at nakaupo pa rin ako. Parang hindi ako makaalis sa kinauupuan ko. May sumpa ata tong si Sir Jonathan Francis Padilla eh. Kung hindi lang siya teacher, pinatulan ko yun eh.

"Elena... Kalma. Isang salita lang yun kaya kumalma ka." Pagkalma ko sa sarili.

            Yah. Isang salita lang yun pero ang laki ng impact sa akin. Sa pagkatao ko.

Isang salita kung bakit ganito ako ngayon.

Napahinto ako sa pagsalita nang may nagbukas ng pinto na dahan-dahan.

Napatayo ako bigla.

"Sino 'yan?" sabi ko.

Kinakabahan ako, lumakad ako papunta doon sa pintuang bumubukas.

"Si-si-sino ya——-? WAAAHHHHH!" napaupo ako. Nakapalda pa man din ako tapos nakalimutan ko pang magshort.

Nakita yung gilid ng panty ko.

Nakatingin yung lalaki sa akin....sa panty ko.

"PAKING TAPE!" mura ko.

Ngumingisi lang siya.

"Hoy! Anong nginingiti mo diyan? May nakakatawa ba?" sigaw ko habang nanlilisik ang mata ko.

"I'm  Mattheo Stefan Padilla." Sabay alok niya sa kamay niya.

Tumayo ako. Inayos ko yung damit ko.


"Hmmm. I'm .... GO TO HELL!" biglang sabi ko sabay alis.

Hindi pa ako nakakalayo.

"Miss, MISS GO TO HELL!" sigaw nito.

Hindi ko pa rin siya pinapansin. Patuloy pa rin ako sa paglalakad.

"Miss, sa susunod magshorts ka ha! Kababae mong tao.Tsaka bumili ka ng panty na plain ang kulay hindi polka dots! Haha" sigaw nito.

At napahinto ako. Lumingon ako sa kanya.

"MONGOLOID!" sigaw ko!

Yun lang yung nasabi ko. HAHA. Bakit yun ang nasabi ko? Namental black ako. King-ina kasi. Bastos yung lalaking yun. Parang walang nanay. Hindi niya alam rumespeto ng babae.

Pagkatapos ng mga nangyaring yun, pumunta ako sa canteen.

Nagugutom ako. Gusto kong ilabas 'tong stress? Galit? Inis? Na nararamdaman ko.

Lumingon ako sa paligid. Ayun may bakanteng mesa sa gilid.

Papunta na ako doon ng.....

"Hoy! Sa akin 'yan!" sabi ko.. Aba si Mongoloid ito ha. Nakakainis talaga.

"Huh? Sa'yo? Ni wala ngang nakalagay na pangalan mo oh." Sabay ngisi niya,.

"Oo akin yan. Kasi ako ang unang nakakita. Lumayas ka diyan!" sigaw ko.

Hindi ko namalayan nakatingin na pala yung mga tao sa paligid ko.

"Ano ba 'yan. Palengkera." Sabi nung isang babae sa akin.

Loving You (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon