Chapter 10- heart attack

63 0 0
                                    

<Jonathan's PoV>

"Athan, please sing for me."
"Mika, just go to sleep."
"Do you love me, Athan."
"Ofcourse, I love you Mika."
"Then, sing for me."
"I don't like."
"Okay."

Naaalala ko nanaman yung mga nangyari noong bata pa kami. Hawak ko ngayon yung picture namin ni Mika noong bata pa kami. She's really cute, innocent and nice girl. Pero masyadong matampuhin.
Kailangan mo pang bumili ng Ice cream bago mo siya mapaamo.

"ube ice cream" ang paborito niya.

Tuwang tuwa siya kapag nakakain siya nito. Yung nabungi siya dahil kain ito ng kain ng ice cream.

"Athan, natanggal na yung ngipin ko sa harap oh."
Hindi ko siya pinapansin noon.
*mika cried*
"Why are you crying Mika?"
"Kasi di mo na ako love." Paawa effect.
"Love kita. Ano ka ba!"
"Hindi mo na ako love kasi wala na akong ngipin sa harap."
"Hahaha."
"So natatawa ka pa?"
"Hindi na. Do you want ice cream?"
"Yeah. Ube ube ube!" With matching dance pa.

Napapangiti talaga ako. Pero bakit hindi niya ako maalala? Kinalimutan niya ako? Masakit.

<Elena's POV>

I was looking at my facebook then suddenly may Friend Request.
*Jonathan Padilla send you a friend request*
In-accept ko agad at pumunta sa wall niya.
Tiningnan ko yung mga pictures niya at nagulat ako nung nakita kong kaakbay niya si "Mattheo".

So magkamag-anak nga sila.

Magkahawig silang dalawa. Para silang magkapatid.
Pero mas gwapo si Sir.

Naghalungkat pa ako ng mga lumang posts ni Sir.

May nakita akong picture niya kasama ang napakagandang babae.
Tagged *Patrishia* tapos may caption na "Babe, I will love you forever."

Biglang kumirot yung puso ko. Parang hindi ako makahinga. Napahawak ako sa dibdib ko.

"Ma." Nahihirapan akong tawagin siya.
"Mama. Masakit."
Biglang lumapit ito at nag-aalala.
"nahihirapan akong humi-----nga"
"Wait at tatawag ako ng ambulansya."

Kukunin ko na dapat yung gamot ko. Pinipilit kong abutin pero bigla akong nanghina.

"Ma-ha-ha-ha" hindi ako makahinga.
Nangingiyak na ako.
.....................

Nasa hospital ako ngayon...
Nasa tabi ko si mama. May kung ano ring nakasaksak sa bunganga ko. Tumutulong ito para makahinga ako ng maayos.

Hinahaplos ko ang buhok ni mama.
Nagising ito.
"Mika, okay ka na? Nakakahinga ka na ba ng maayos?" Pag aalalang tanong nito.
"I love you Ma." Yun lang nasabi ko.

Yung pagmamahal lang ni Mama ang dahilan kung bakit buhay pa ako ngayon. Isinakripisyo niya lahat para sa akin.

<Jonathan's PoV>

7:30 na pero wala pa rin si Elena. Nagsusulat ako sa blackboard ng mga 10 minutes pero wala pa rin siya. Absent kaya siya? Bakit?

Lumapit ako kay Charina na bestfriend niya. Tinanong ko kung bakit wala si Elena. Ang sabi niya, itinakbo daw siya sa hospital.

Anong meron? May sakit ba siya? Malamang nasa hospital nga diba?

Wala rin akong ganang magturo dahil alam kong nasa hospital si Mika. Gusto kong pumunta kaso bakit pa? Ano bang karapatan ko? Hayy.

Fully loaded ako ngayon kaya wala rin akong time para puntahan siya.

"Munggo! Nasaan ka?" Tanong ko kay Matt.
"Katatapos ng klase ko. Bakit?"
"Puntahan mo naman si Elena sa Hospital."
"Huh? Bakit? Anong nangyari?"
"Hindi ko alam kaya nga pumunta ka."
"Sige."

Para sa kapatid ko ito.
This time siya naman.

<Mattheo's PoV>

Papunta ako sa hospital ngayon para dalawin si Elena. Si kuya pa talaga ang nagsabi sa akin. Tsk. Pero bakit kaya hindi siya yung nagpunta? Bakit ako pa pinapunta niya?

Pagpasok ko ng hospital , nagtanong agad ako kung saang room si Elena.

"Sir, room 205 po."
"Sige thank you."

Pagpasok ko. Wala siyang bantay. At nakatulog pa siya. Inaayos ko yung dala ko para sa knya. Grapes, oranges, apple at flowers.

Nang biglang...

*toot toot tooot tooot*

Bigla agad akong nagtawag ng doctor.

"Excuse me Sir, doon po muna kayo sa labas"

Kinakabahan ako sa mga nangyayari.

Nakita ko rin ang mama niya. Oo nga, si tita Marites. Umiiyak siya ng sobra.

"Tita, eto po panyo" alok ko.
"Salamat hijo."

"Tita, ano po bang nangyari kay Elena?"
Tumingin lang ito sa akin.

"Sakit sa puso. May butas ang puso niya." Umiiyak pa rin ito.

Bigla akong nanghina sa narinig ko. Kinomfort ko ang mama niya dahil ang hirap ng pinagdadaanan niya.

"Kailan pa po tita?"
"Noong bata pa siya. Ooperahan na sana siya noon pero iniwan kami ng papa niya."

Kaya siguro bigla silan nawala noon.
Kaya siguro iniwan niya si kuya.

"Ayoko pang mamatay ang anak ko." Iyak siya ng iyak.

At ako naluluha na rin.

Lumabas ang doctor at agad agad kaming pinuntahan.

"She needs an operation. ASAP. Kung hindi..."

Napaiyak pa ng lalo ang mama niya.

"I don't want to lose her. Not now. Not today. Mauuna muna ako sa kanya."

"Tita everything will be alright." Pinapakalma ko ito.

Ilang oras na rin ang lumipas.
Pinauwi ko muna ang mama ni Elena. Ako na lang muna ang nagbantay sa kanya.

Mga bandang 4:00 nagising siya. Nagulat siya na nandito ako.

"Ah hmm"
"Wag mo ng piliting magsalita. Wala naman akong gagawing masama sa'yo."

Nakikita kong nahihirapan pa rin itong huminga. Tinuro niya yung phone niya. Kinuha ko at ibinigay ko sa kanya.

"Thank You" sabi niya.

"You're welcome."

"Favor"

"Ano 'yon?"

"Wag na wag mo 'tong sasabihin kay Sir Athan. Please."

"Sige. Promise. Pahinga ka na."
Hinalikan ko yung noo niya at pumikit na ito.

Ayaw niyang ipasabi kay kuya? Bakit? Pero nangako ako sa kanya. Hindi dapat malaman ni kuya ito.

Loving You (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon