Chapter 23- Shia The Devil i

36 0 0
                                    

Hi guys! Sorry kung Late akong nag UD. Hindi po kasi ako nagtytype sa lappy kasi sira.

Bdway, malapit ng malaman ang Revelation kung bakit iniwan ni Mika(Elena) si Jonathan noong bata pa sila.

Makikilala niyo rin sina Little Mika, Athan and Mattheo.

Abangan lang....

Enjoy reading! At kung may mga comments po kayo dito sa story ko, wag po kayong mahiyang magcomment-good or bad- man po yan. Salamat po!

~Guiannuh
____________________________
Elena's PoV>

Tama si Matt. Hindi porke nasaktan na ako,hindi na ako magmamahal. Sa huli pa rin naman, magmamahal at magmamahal pa rin ako.

Sabi nga nila...

"You have to keep breaking your heart until it opens."

Lumabas na ako sa hospital.
Halfday lang ako nandoon kasi pinilit ko si Matt na umuwi na. Nag-aalala na kasi si Mama eh.

Pagdating ko sa bahay

"Kumusta ka Mika? Hindi ka ba pinabayaan ni Mattheo sa bahay nila?"-Mama

"Ah hindi naman po Ma. Mabait nga po sila eh. Sige po pahinga na po ako."

"Sige. Mika, Mahal na mahal ka ni Mama."- Mama

Tumakbo ako papunta kay Mama at niyakap siya.

"Mahal na mahal rin po kita Ma."

Hayyy. Nawala man sa akin si Papa, nandito naman si Mama. Ang pagmamahal ko sa kanya ang nagbibigay buhay sa akin. Masaya akong minamahal siya. Kahit anong klaseng sira ang ginawa nila sa puso ko, binubuo pa rin ito ng pagmamahal ng nanay ko.

<Mattheo's PoV>

Pagkahatid ko kay Elena sa bahay nila, nadatnan ko si Kuya at si Shia na naghaharutan sa sala.

"Hi Matthie." Kumaway si Shia.

"Matt, Kamusta si Elena?" -Kuya

Napatingin sa kanya si Shia.

"Ah. Okay na siya. Sige akyat na ako"

"Matthie, we're engaged!" Sigaw ni Shia sa akin.

"Huh? Kailan pa?"

"Kagabi lang." Sagot ni Kuya.

"042515 is the best day ever!" Sabi ni Shia

"April 25 kahapon?"- Kuya

"Oo. Why Athan?"- Shia

"Birthday ni Matt kahapon."-Kuya

Napatingin lang siya sa akin.
Ngumiti nalang ako.

"Oh really?! Belated Happy Birthday Matt! Sorry kung wala akong gift sa'yo."-Shia

"Okay lang. Buti pa si Elena, alam niya kung kailan ang birthday ko."

Umakyat na ako. Pagod na pagod ako.
Pagod ang katawan ko, ang utak ko pati rin ang puso ko.

<Jonathan's PoV>

Birthday pala ni Matt kahapon. At nakalimutan ko.

Flashback:

"Hayaan mo Matt, kahit iniwan na tayo ni Mama, maghahanda pa rin tayo kapag birthday mo."

"Talaga Kuya? :)"

"Oo. Promise ko 'yan sa'yo."

*End of Flashback*

"Athan, makakabawi ka rin sa kapatid mo. Halika, kain ka na." Pagputol ni Shia sa katahimikan.

Hindi ako nagsasalita. Wala kaming kibuan ni Shia.

"Athan, kailan ka magreresign?" Tanong ni Shia sa akin.

Napatingin lang ako sa kanya.

"O bakit parang gulat na gulat ka Athan?"

"Hmmm. Bukas nalang siguro. Maghahanap muna ako ng papalit sa akin." Sabi ko.

"Great! Para mapaghandaan na rin natin 'tong pagdating ng baby natin." Sabi niya na excite na excite

Hayyy. Ano ba itong nagawa ko.

<Elena's POV>

Ngayong araw, hindi ako papasok sa klase ko. Kasi magprapractice kami ni Mattheo.

Next week na rin kasi ito kaya kailangang paghandaan.

"Lena, kita tayo sa tambayan. Doon nalang tayo magpractice." -Matt

"Sige Matt. Papasok na ako ng school. See you!"-Ako

*end of call*

Pagdating ko doon, nakita ko sumasayaw na si Matt. Magaling talaga siya. At kung hindi ko lang gusto si Sir Athan, nainlove na ako dito eh.

Napahinto si Matt kasi nakita niyang nakatitig ako sa kanya....

"Ano? Inlove ka na sa akin no?" Sabi niya

"Oi. Feeling. Tara na umpisahan na natin. Hihi"

Inumpisahan na ni Matt patugtugin yung 'Thinking Out Loud'.

'And I'm thinking 'bout how people fall in love in mysterious ways
Maybe just the touch of a hand
Well, me - I fall in love with you every single day
And I just wanna tell you I am

So honey now
Take me into your loving arms
Kiss me under the light of a thousand stars
Place your head on my beating heart
I'm thinking out loud
Maybe we found love right where we are'

Hinawakan niya ang kamay ko at tinuro niya yung mga steps.

Hindi na masyadong awkward sa akin kasi naging mabuti naman na kaibigan sa akin si Matt.

"Oh yun! Nakuha mo rin naman yung steps eh. Magaling ka naman kase" puri ni Matt sa akin.

"Grabe di naman. Haha. Magaling tayong pareho." Sabay suntok ko sa braso niya.

"Aray ha ! Masakit!" Hinawakan niya ang braso niya.

"Ah sorry na. Pasensiya na po." Sabay ko sinuntok yung kabila niyang braso.

"Hahahahahahaha." Halakhak ko.

"Ikaw ha sumusobra ka naman. Pasalamat ka mahal kita."

Natahimik ako.

"Oh ano? Natahimik ka. Hahahahaha"

"Tinatawa mo diyan?!"

"Hahhaha. Kung nakita mo lang yung itsura mo kanina. Hahahah" tawa nito at hinahawakan pa yung tiyan niya.

"Leche! Diyan ka na nga!" Umalis ako at pupunta sa C.R

<Shia's PoV>

Naglalakad kami ni Athan ngayon sa catwalk at nakita ko si Elena papunta ata sa C.R.

"Athan halika dali!" Sabay hila ko kay Athan.

"Saan ba tayo pupunta Shia?!"

Uunahan namin si Elena na pumunta sa CR.

Pumasok kami sa loob ni Athan.

"Shia, anong ginagawa natin dito sa Female CR?"

Naririnig ko ng dumating si Elena.
Hinulog ko yung singsing na binili ko.

"Ano ba Shia, bakit mo hinu---?"

Pagbukas ng pinto. Nakita kami ni Elena. Nakaluhod sa harap ko si Athan at may hawak na singsing.

"Yes Athan! Yes!" Sigaw ko at niyakap ko si Athan.

"Anong pinagsa---?" Hindi niya pa nasabi yung sasabihin niya.

"I love you Athan."

"I love you too Shia."

Napatingin ako sa kinatatayuan ni Elena. Nagulat siya at naluluha na rin.

Hahahaha! Ako ang nagwagi! Goodbye Elena!

Loving You (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon