Chapter 34-I'm not the Only One

11 0 0
                                    

<Elena's PoV>

Hindi ko alam kung magpapanggap nalang ako na wala akong narinig. Ang sakit. 'i love you too, Shia.' Hindi ko na tuloy alam kung sino ang paniniwalaan ko. Niloloko niya lang ba ako? Totoo kaya lahat ng pinapakita niya sa akin?

**humiga ako sa kama at hindi ko siya pinapansin o kinikibo.
Nahalata niya rin yon.
Hindi ako mapakali dahil sa narinig ko at dahil rin sa katabi ko si Athan.

Tumayo ako at kinuha yung unan at kumot.

"Saan ka pupunta?" -Athan

Nakatalikod ako sa kanya.
"Sa sofa nalang ako matutulog."

Yun lang ang nasabi ko.

"Babe, dito ka nalang. Ako na lang doon."-Athan

"Pwede ba, wag mo na akong tatawaging babe."
At dumiretso ako sa sofa at humiga.
Tinakpan ko agad ng kumot ang buo kong katawan.

Kanina ko pa gustong maiyak.

Naluha nalang ako bigla.
Bakit kasi ganyan siya? Mahal niya ako tapos mahal niya rin si Shia? Pwede ba yun. Kainis!

Hindi ko namalayan nakatulog na ako sa kakaiyak.

<Jonathan's PoV>

Ang cold ni Elena sa akin. Bakit kaya? Narinig niya kaya yung pinag-usapan namin ni Shia?

Tapos naririnig ko pa siyang umiiyak.
Bakit Elena? May nagawa ba ako?

Hinayaan ko nalang siya. Hindi ko na siya kinakausap dahil baka magalit pa siya. At kung saan mapunta.

Fast forwarrrdddddd.......

"Goodmorning babe. Breakfast in bed. :)" bati ko sa kanya.
At mukhang gulat na gulat siya.

Umupo siya at hindi pinansin yung pagkain.
Hindi niya ako inimik. Dumiretso siya sa C.R.

Ano ba talaga problema nun?

Paglabas niya....

"Kain ka na Elena."

Hindi niya pa rin ako pinapansin.
Lumapit na ako sa kanya.
Nakaupo siya sa kama. At inaayos niya yung buhok niya.

Nakatayo ako ngayon sa harap niya.

"Elena, may nagawa ba ako? May nasabi ba akong masama?"

"Wala. Please umalis ka diyan sa harap ko."

Umupo ako sa may harap niya.
Hinawakan ko yung mga kamay niya.

"Elena, please sabihin mo naman kung ano ang kasalanan ko oh? Hindi naman ako manghuhula eh. Sabihin mo na. Nahihirapan na ako eh."

Tinitigan niya ako. Yung nanlilisik yung mata.

"Ikaw pa ngayon yung nahihirapan. Hindi mo ba talaga alam o nagmamanhid manhid ka lang?!"

"Ano ba yang pinagsasabi mo Elena?"

"Mahal mo ba talaga ako Athan? O pinaglalaruan mo lang ako?" Umiiyak na siya.

Sht. What is she saying?! For Pete's sake! Mahal na mahal ko siya. Mula bata pa kami, minahal ko na siya tapos ganyan ang sasabihin niya!

"Elena, ganyan ba talaga ang tingin mo sa akin ha? Kulang pa ba yung pagpaparamdam ko sayo? Hindi mo ba nararamdaman na mahal kita ha? What the Ef Elena!"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Napamura nalang ako. Hindi ko naman sinasadya eh.

Pawalk out na sana ako nang nagsalita si Elena.

"Mahal mo ba si Shia?"

Napalingon ako sa kanya.
Damn she's so damn hot.

"No. She's already my past Elena."

"Ano yung narinig ko na 'i love you too, Shia.?"

Natahimik ako. Hindi ko alam ang isasagot ko. Kainis kasi si Shia eh!!!

"Hindi mo na kailangang sumagot Athan. Alam ko na." With a fake smile.

Pumunta ulit siya sa banyo para maligo.

<Shia's PoV>

Nalaman ko na nasa Baguio si Athan at ang babaeng iyon. At hindi ko papalampasin ang pagkakataon na to para mapaglayo sila ni Athan.

***
Pagdating ko dito sa Baguio, dali namang sinabi ng P.I ko kung nasaan tumutuloy sina Athan at Elena.

At hindi na ako nagdalawang isip para sugudin sila doon.

<Elena's PoV>

Sa lahat ng narinig ko, hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko.
Gulong gulo na ang utak ko.
Mahal ko kasi si Athan eh. Mahal na mahal.

***nasa banyo si Athan nang may kumatok.

Sino naman kaya ito? Wala naman akong ineexpect na bisita ah.

Pag-open ko nang door....

"Hi Bitch." Pumasok ng dire diretso si Shia.

"What are you doing here Shia?"

"Alam kong kasama mo si Athan."

"So ano ngayon?" Aba papatalo ba ako sa babaeng ito?!

"Stop seducing and flirting with him you bitch!" Sinampal niya ako

Aray! Masakit yun ha?!!! Gago!

Sasampalin ko na sana siya pero biglang dumating si Athan.

"Shia! What are you doing here?!"
Lumapit siya kay Shia?!!!

At hindi man lang ako pinansin ganun?!!

"We're going home baby." Sabi ni Shia sa kanya.

Napatingin sa akin si Athan pero bigla niya ring inalis.

"Athan." Sabi ko.

"You Bitch! Mamatay ka na! Hindi ka nararapat mabuhay dito sa mundong ito! Malandi ka!" Sinabunutan ako ni Shia pero hindi ako lumaban.
Hinayaan ko nalang siya.

Masakit lahat ng ginawa niya sa akin.
Pero hinayaan ko lang siya. Hinintay ko ang magiging reaksyon ni Athan.

Bigla naman niyang pinigilan si Shia.

"Shia, please tama na! Sumusobra ka na!" Sigaw ni Athan kay Shia.

At napaiyak naman kunwari ang gaga!

Oo alam kong fake yun. Paawa effect ganun.

"Tara na aalis na tayo." Niyakap siya ni Athan.

Grabe ang sakit! Pinamukha niya pa talaga sa akin yun. Gago siya!

"Athan. Please stay with me." Nakahawak ako sa braso niya.

Napatingin lang siya sa akin.
Tapos binitawan ako.

Paalis na sila at sumigaw ako "Athan I love you!"

Hanggang sa naglaho na siya.

Iniwan niya rin ako.

Ang sakit! Hindi ako yung pinili niya.

Loving You (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon