Chapter 16- Untitled

34 0 1
                                    


Itong Chapter na ito ay idededicate ko kay Mr. Chris Jay Taroma Abad.

Sorry na kung late ako mag-update Hahahaha!

At hindi ko rin po alam kung ano ang tamang title dito kaya pasensya. Sana ho magustuhan niyo.

 

Wavyu!

 

~Guiannuuuh

 

<Elena's PoV>

Pauwi na ako ngayon galing sa audition. Hanggang ngayon, gulat na gulat pa rin ako. Si Mattheo ang dance partner ko!

May ilangan pa rin kami ngayon dahil sa mga nangyari sa park.

Kung kalian iniiwasan ko siya, naging dance partner ko pa siya!

Nakakainis!

Pero kailangan kong pagbutihin para sa College of Business.

Ipagsasantabi ko muna itong hiya at inis kong nararamdaman para kay Mattheo.

Medyo gabi na rin.

Mag-isa pa akong naglalakad.

"Miss, bakit nag-iisa ka lang?" lumapit sa akin ang lasing na lalaki.

Bumalik agad sa isipan ko ang mga nangyari sa gym. Yung ginawa sa akin ni Kit.

Hindi ko nanaman alam ang gagawin ko.

Nagdidiretso lang ako sa paglalakad. Hindi ko pinapansin yung lalaking lasing hanggang sa hinatak niya ako at tinatangkang halikan.

"Kuya, 'wag po!" nangingiyak nanaman ako.

"Masarap ito! Maputing babae!Malinamnam!" sabi pa nito at tumatawa

Nang hahalikan na niya ako.

*Boog*

Si Mattheo, sinuntok niya yung lalaki.

"Wag na wag niyong gagalawin ang girlfriend ko! Ako lang dapat ang pwedeng gumalaw sa kanya!" sigaw nito habang dinuduro yung lalaking lasing.

Girlfriend ko? Pwedeng makagalaw? HA HA HA! Asa ka pa boy!

Umalis na yung lasing at lumapit sa akin si Mattheo.

"Okay ka lang ba? Wala bang masakit sa'yo?" tanong nito na may halong pag-aalala.

"Okay lang ako. Thank You ha." Sabay ngiti ko sa kanya.

"Okay lang 'yun basta ikaw. Sa susunod kasi, wag kang uuwi mag-isa kapag gabi na. Pwede ka naming magtricy or pwede mo naman akong tawagin para ihatid ka."

Loving You (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon