Chapter 31- New Friends at ang Pagtatapat

28 0 0
                                    

Chapter 31- New Friends at ang Pagtatapat

<Elena's PoV>

 

Pagkatapos kong magmuni muni kagabi, umuwi ako bandang alas tres na rin yun. Nadatnan ko si Matt at si Mama sa may sala. Yakap yakap ni Matt si Mama.

"Mika, ANAK. Saan ka ba galing ha? Pinag-alala mo ako." Mahigpit na pagkayap ni Mama.

Hindi ko siya sinagot at hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya.

Nakatingin lang sa amin si Matt. Hindi ko napigilang umiyak sa pagkakayakap ni Mama.

Kailangan na kailangan ko lang talaga ng nanay ngayon eh.

"Mika, bakit ka umiiyak?"- Mama

 

Inalis ko ang pagkayakap ko sa kanya at pinunasan ang mga luha ko.

Hinarap ko si Matt.

"Makakaalis ka na Matt." Yun lang ang nasabi ko at umakyat na ako sa kwarto ko.

***

Kinaumagahan, maaga akong nagising...

Hindi pa rin tapos ang Uweek. Pero papasok ako.

Pagpasok ko, parang may kung anong tusok sa dibdib ko.

Sana hindi ko muna sila Makita. Kahit ngayong araw lang. I need space.

Nagpunta ako sa library kahit wala naman talaga akong gagawin roon. Gusto ko lang mapag-isa at magpa-aircon.Hehe.

Nang makaramdam ako ng gutom, pumunta ako sa canteen. Mag-isa lang akong kumakain.

Tinatawagan ko naman si Charina pero hindi niya ako pinapansin. Inaalala ko nalang na baka busy siya.

Habang nakaupo.

May biglang pumunta sa akin na mga babae.

"Hi Elena." Sabi nila.

"Kilala niyo ako?"

 

"Oo naman!  Sino ba naman hindi makakakilala sa'yo no. Pinakilig mo ang buong gym nung sumayaw ka." Sabi nung isa sa kanila.

"Bdway, I'm Angelica.

I'm Vicky.

And I'm Lorraine. The prettiest of them all. Haha."

 

"I'm Elena Mikaela Perez." Makikipag shakehands sana ako pero nagtawanan sila.

"Sissy, beso lang pag girls. Shakehands pag boys. Hihi."- Vicky

 

Napatawa na rin ako.

Nagkwentuhan na rin kami. Mababait silang tatlo. Ang dadaldal pa.

Loving You (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon