Chapter 13- The Bad Boys Revenge

26 0 0
                                    


<Elena's PoV>

Hinalikan ako ni Matt! Sa sobrang bigla ko, tumakbo ako agad.

"Elena, I'm Sorry." Sigaw nito pero patuloy pa rin ako sa pagtatakbo.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Si Sir Athan ang naiisip ko.

Hindi kaya MAHAL? Hindi pwede. Hindi pwedeng mahal ko siya. Estudyante niya ako at teacher ko siya.

Huminto ako sa loob ng gym. Konti lang ang mga estudyanteng nandito ngayon.

Kinakausap ko ang sarili ko. "Mika, hindi pwedeng mahal mo siya. Masasaktan ka lang kapag ganun ang nangyari. Magkalayo kayo ng agwat. Hindi kayo bagay."

Nakaupo ako ngayon at may biglang nagsalita.

Napalingon ako at nagulat..

"Alam mo Miss, kung lalaki 'yan wag mong masyadong iisipin. Ako nalang ang isipin mo." Si Kit Crisostomo. Ang lead vocalist ng bandang 'Endless song.

"Ikaw?!" sigaw ko.

"Oh Yes. Nice to see you again Ms. Perez. Ms. Elena Mikaela Perez." Sabi nito habang papalapit ng papalapit sa akin.

Naalala ko, dito pala sila nagprapractice. Bigla akong tumayo para tumakbo sana. Pero pinalibutan ako ng iba pa niyang kabanda.

"Kit. Please ayaw ko ng ganito. Paalisin niyo na ako." Pagmamakaawa ko.

"Alam mo, matapang kang babae ka eh. 'Yan ang mga gusto ko sa babae." Habang sinasabi niya yun, hinahaplos niya ang mukha ko.

"Please Kit. Tama --" hindi pa ako natatapos magsalita ng bigla niya akong hinalikan.

Pilit akong umaalis pero mas lalo niyang hinihigpitan. Tumatawa lang yung mga kabanda niya. Mga walang kwentang lalaki, mga bastos!

Lumuluha na ako. Pero hindi pa rin niya tinitigilan ang pagkakahalik sa akin.

Natigil lang ito ng bigla kong sinipa ang JUNJUN niya.

"Gago ka! Manyakis! Bastos! Walang modo! Sana mamatay ka na!" sigaw ko.

"Hmmmm. Ang sarap nun ah! Pwedeng isa pa?" sabi nito habang papalapit ulit sa akin.

Hinila nila ako at ipinunta sa stock room ng gymnasium.

"Please tama na. Pakawalan niyo na ako. Kit, I'm sorry sa mga nagawa ko." Pagmamakaawa ko habang nakaluhod.

"Magdusa ka Ms. Perez. Pinahiya mo ako, ipapahiya rin kita ngayon!" sabi nito at humahalakhak silang lahat.

Lumapit ito sa akin , napaatras ako at itinulak ako pabalik ng mga kasama nito.

Napunta ako kay Kit. Umiiyak ako. Natatakot ako sa susunod na mangyayari.

"Kit. Tama na!" sigaw ko.

"Oyeah! Malaman!" sabi nito at nakatingin sa bandang dibdib ko.

"Kit Please."

Bigla niya akong niyakap at inaamoy.

"Ang bango mo naman."

"Kit." Nararamdaman ko ang hininga niya sa leeg ko.

Hinahalikan na niya ito.

Sumigaw ako. "Tulong tulong!!! Tulong po! Tulong! Parang awa niyo na!"

"HAHAHAHA. Walang makakarinig sa'yo kahit na anong gawin mo."

Bigla niyang pinunit ang blouse ko.

"Kit wag! Pleasee! Maawa ka!" pagpupumiglas ko. Hawak hawak nila ang kamay ko sa likod. Hindi ako makalaban.

"Nasaan ang tapang mo ngayon ha! Ipakita mo sa akin." Sigaw niya.

"Tulong! Tulong! ATTTHHHHHHHHAAAAAAAAANNNNNN!" sigaw ko.

<Jonathan's PoV>

Pagkatapos kong nakita ang nangyari kina Elena at Matt, umalis na rin ako.

Naninikip ang dibdib ko. Naglalakad ako ng....

"Hi Athan."

"Shia."

"O bakit parang gulat na gulat ka?" tanong nito.

'Ah wala."

"So, pwede ba tayong lumabas?" tanong nito.

"OKAY." Sabi ko. Para makalimutan ko rin si Mika.

Habang naglalakad kami. Napadaan kami sa gym.

"Saan mo gustong pumunta Athan?"

"Ikaw ang bahal--" sabi ko ng may narinig akong sumisigaw.

"Tulong tulong!!! Tulong po! Tulong! Parang awa niyo na!"

"Narinig mo 'yun?" sabi ko kay Shia.

"Yung alin?"

Pumasok ako ng gym at may naririnig akong mga lalaking naghahalak hakan.

Sa may stock room??

"Ano bang ginagawa natin dito Athan?" tanong ni Shia.

"May narinig ako."

"An--?"

"Tulong! Tulong! ATTTHHHHHHHHAAAAAAAAANNNNNN!"

May sumigaw at galing nga sa stock room. Sinigaw niya ang pangalan ko?

Tumakbo ako doon at sinira ko ang pinto ng stock room.

Nakita ko ang mga lalaking nakasuot ng black.

At si ELENA????

"Anong ginagawa niyo diyan!" sigaw ko.

Nakita ko si Elena. Nanghihina na siya.

Binitawan nila si Elena at pinagsusuntok ko sila.

Lumapit rin sa akin si Shia.

"Shia. Doon ka muna. Baka kung mapaano ka pa!" sigaw ko.

Pumunta siya sa gilid.

Pagkatapos kong sinuntok ang lalaking may hawak kay Elena kanina. Tumakbo silang lahat.

Napatingin agad ako kay Elena.

Pinuntahan ko siya.

"Elena! Gising! Wag kang matutulog please." Sabay tapik ko sa mukha niya.

Fck. Nakabukas ang blouse niya. Pawis na pawis siya. Yung luha niya patuloy na dumadaloy sa mukha niya. Galit na galit ako.

"Athan." Bulong nito.

"Yes. I'm Here Mika. Nandito na ako." Sabay yakap ko sa kanya.

Hinawakan niya ang mukha ko.

"Don't cry Athan." Sabay hawak nito sa mukha ko. Hindi ko namalayan may luha na rin sa mukha ko.

"No Mika. Please don't sleep. Please. Fck Elena. Please don't--"

"Inaantok ako Athan. Pagod na pagod na ako." Sabi nito

"Mika please. Please. Don't sleep."

Bigla ko siyang binuhat at dinala sa clinic.

May biglang takot akong naramdaman. Ayokong mawala ulit siya sa akin. Ayaw ko.

<Shia's PoV>

Pagkatapos kong masaksihan ang mga nangyari kanina. Bigla akong nanghina. Nakita ko kung paano ipinagtanggol ni Athan yung estudyanteng babae.

The way he look at her, nasasaktan ako. Never niya akong tiningnan na ganoon katagal, kaseryoso. Doon ko naramdaman na alalang alala siya sa babaeng 'yon.

Lalo na nung nakita kong umiiyak si Athan. Umalis ako agad.

Ayaw kong tingnan ang susunod na mangyayari. Nasasaktan ako. Mahal ko pa rin si Athan. Mahal ko siya.

Loving You (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon