Nakarating na kami sa province nila Elena, Charina at itong hambog na Ryan!
Magpapahinga daw muna kami dito kina Charina para bukas, pupuntahan namin yung bahay ng lola ni Elena.
"Mamang, Papang nandito na ako!" at niyakap ni Charina ang parents niya.
"Buti naman at dumalaw ka! Kumusta sina Mama at Papa mo?" sabi ng lolo at lola ni Charina.
"Ehem ehem!"- Ryan
"Ah Mang, Pang, ni Ryan kenni Mattheo nga pala. Mga kaibigan ko. Ditoy da paylang maturog."-Charina
"Sige apo. Linisik lang diyay kwarto mo."-Lola
"Sino kinyayo iti boyfriend ni Charina ha?"-Lola
"Ah lolo, awan dita."-Charina
Hindi ko naiintindihan mga sinasabi nila.
"I-try niyo rin pong i-translate kasi may hindi marunong mag Ilokano dito."-Ako
At tumawa naman silang tatlo. At ano ang nakakatawa? Malay ko kung sinasabihan na pala ako ng masama pero hindi ko alam diba?
"Pasok na kayo sa kwarto. Tabi kayo ni Ryan ha, Mattheo? Haha."-Charina
Nagkatinginan kami ni Ryan. Yuck!!!!!
Tangna, nababakla ako haahahaha!
"Bahala na kayo diyan ha! Goodnight! Hihi" –Charina
Hay nako! Isang gabi lang ito Matt! Tiisin mo nalang!
<Ryan's PoV>
Paggising ko nang umaga, dali dali akong umuwi rin sa bahay namin. At iniwanang tulog pa si Mattheo.
Sa totoo lang, hindi ko siya trip. Ang yabang niya tingnan. Suitor ba ito ni Elena?! Yuck!
Pagkatapos kong maligo at magbihis sa bahay....
Bumalik na ako sa bahay nila Charina at patapos na silang mag-almusal.
Nakaligo na rin silang dalawa.
***
Nakarating na kami sa bahay nila Elena pero walang may lakas ng loob na bumaba sa kotse.
Hanggang sa bumaba na nga si Charina.
Nagdoorbell siya at lumabas yung lola ni Elena.
Bumaba na rin kaming dalawa ni Mattheo.
BINABASA MO ANG
Loving You (On-going)
Storie d'amoreSi Elena Mikaela Perez, isang babaeng bitter sa LOVE. Hindi siya naniniwala na may maganda about love kasi lahat ng napagdaanan niya ay puro masasakit. Mapagbabago kaya ng dalawang magkapatid na si Jonathan at Mattheo ang paniniwala ni Elena sa Lov...