<Elena's POV>
After a rough tough day kahapon...
Nandito ako ngayon sa aking tambayan. Yipee!
Sariwa ang hangin tsaka ako lang talaga ang nandito.
Nagsulat ulit ako sa Diary ko..
Dear me,
Hindi ko alam ang mararamdaman ko kahapon. Yung si Sir Athan ang nagpaiyak sa akin tapos siya rin ang nagpatahan sa akin. Meron talagang something si Sir Athan na hindi ko malaman laman kung ano. Parang talagang magkakilala na kami dati pa. Ang gaan ng loob ko sa kanya simula nung nangyari kahapon. Para siyang prince charming na handing isave ang prinsesa niya. Kung hindi lang siya teacher, papatulan ko siya. Hehehehehe. Paano kaya ako makakapag Thank You sa kanya? Hmmm...
In-alarm ko yung cellphone ko kasi matutulog muna ako ditto sa mini bahay ko. Hihi.
<Mattheo's POV>
Hindi pa rin ako matahimik simula kahapon. May something na parang bumabagabag sa akin. Pagkatapos ng klase ko, nakita ko si Ms. GTH papuntang GATE 3? Anong gagawin niya doon?
Sinundan ko siya ng palihim. Masaya na siya ulit. Yung ngiti niya, nakakabighani. Ang ganda niya.
Natawa ako ng bigla siyang tumayo at sumayaw sayaw. Naka earphones kasi siya.
"Moooooooooves like jagger" patapos nito at nagwave ng kamay na parang may audience siya.
Pinipigilan kong tumawa.
Pumasok siya sa kubo at lumapit ako. May inilabas siyang notebook, parang diary style.
Pagkatapos niyang nagsulat. Bigla niyang yinuko ang ulo at natulog.
Pumasok ako sa kubo at nakalabas yung diary niya.
Hindi ko nais buksan pero parang may kung anong pumipilit sa akin na buksan 'yon.
"Yung si Sir Athan ang nagpaiyak sa akin tapos siya rin ang nagpatahan sa akin."
Si kuya ang nagpa-iyak sa kanya? Biglang nag-init yung ulo ko at bigla akong umalis.
Nagising ko pa ata siya, napalakas ata yung dabog ko dun sa Diary niya.
Kailangan kaming magtuos ni Kuya. Kailangan.
Umuwi ako at nadatnan ko si Kuya sa sala at dapat yayakap sa akin pero
*BOOG*
Basta ang alam ko galit ako. Hindi ko intension yun pero ....
"Munggo? Bakit mo ako sinuntok?" tanong nito.
"Bakit mo pinaiyak kahapon si Ms. Go To Hell?" nanggigil kong tanong.
BINABASA MO ANG
Loving You (On-going)
RomanceSi Elena Mikaela Perez, isang babaeng bitter sa LOVE. Hindi siya naniniwala na may maganda about love kasi lahat ng napagdaanan niya ay puro masasakit. Mapagbabago kaya ng dalawang magkapatid na si Jonathan at Mattheo ang paniniwala ni Elena sa Lov...