<Elena's POV>
I'm Elena Mikaela Gallardo Perez. Labing walong taong gulang. Hindi mayaman.
Hindi rin ganoon kahirap. Maganda naman. Matalino. Masungit. Mabait . Mapagkakatiwalaan at Dakilang Bitter sa Pag-ibig.
I don't believe in love at first sight, love at second sight, love is blind and etc. Pero isa lang ang pinaniniwalaan ko sa Love, it is either break you or make you. Pero kadalasan, it breaks you. Nasaktan na ako, naiwan, niloko at ginamit. 'Yan siguro ang dahilan kung bakit ayaw ko ng mainlove ulit. Sa una lang 'yan masaya pero may kapalit ring sakit at yung sakit nayun ay dadalhin mo habang buhay.
"Okay class. 3rd Year na kayo at dapat maging responsible kayo sa mga bagay-bagay. Hindi lahat puro laro. Dapat magseryoso rin. Alamin kung ano ang dapat at tama."
Nandito ako ngayon sa classroom, naglelecture nanaman itong prof. about sa buhay. Kesyo dapat mag-ingat blablabla. Unang araw ng pagiging Junior. At konti nalang, makaka-graduate na ako. Sana.
"Hoyyyy! Miss --" sigaw ni Prof sa akin habang nakatulala ako. Kinakaway kaway niya yung kamay ni mukha ko at mukha na 'tong galit.
"Anong pangalan mo Miss?!" tanong ni sir pero hindi ako sumagot.
"Perez po sir." Sinagot ng mga kaklase ko ang tanong ni sir na dapat ako ang sasagot.
"Hmmm. Okay Ms. Perez, bakit ka nakatulala? Ano ang iniisip mo?" nakataas ang kilay nito at hinihintay ang sagot ko.
"Ah eh ah eh" pautal utal akong sumagot habang tumatayo.
"Ano?!"
Nako. Mukhang galit na si sir at ngumingisi ang mga kaklase ko. Nahihiya na ako.Parang gusto kong iuntog itong sarili ko sa lamesang kinatatayuan ko. Pero sumagot ako.
"Sir kasi, diba sinabi niyo kanina na dapat maging responsible at maingat sa lahat ng bagay. Napa-isip ako sir, so kasali doon ang mag-ingat sa LOVE at 'wag muna itong pansinin. Dapat unahin ang mahalagang bagay tulad ng pag-aaral." Bigla kong nasabi.
Nakatulala ang mga kaklase ko at bigla silang nagpalakpakan.
"Woooh! Ms. Bitter talaga sa pag-ibig si Elena. Hahaha" sigaw noong isa kong kaklase.
"Ms. Perez, tama yang sinabi mo na pag-aaral muna bago PAG-IBIG. Pero wag mong birubiruin ang POWER of LOVE dahil baka bigla bigla nalang itong darating sa'yo." Ngumisi si sir at naglakad papuntang blackboard.
Na-upo na ako at napa-isip sa sinabi ni Sir. Power of Love daw? Tss. Patawa si Sir. Kahit kailan hindi na ulit ako magagamit ng Love na yan! Sakit lang yan sa ulo at puso.
Nagsulat si Sir sa blackboard at sinulat ang salitang "LOVE".
"Our lesson for today is LOVE. So, what is love for you class?" tanong ni Sir sa amin.
"Sir...Sir.. Sir.." nagtataas ng kamay ang isa kong kaklase. Parang sabik na sabik magsalita.
"Oh yes,Ms.--?"
"Ms. Castro Sir" sabay nakakalanding ngiti nito.
"Sir, LOVE is Y-O-U."
"Oi Kiara! Iba nalang landiin mo, 'wag si Sir. Hahaha." "Bawal ang student-teacher relationship Kiara! Hahaha" Kantyaw ng mga kaklase ko kay Kiara.
At si Sir tumatawa lang ng kaunti.
Gwapo kasi si Sir. Mukhang mabait na parang tarantado. At mukhang matalino katulad ko. Mukha siyang fresh graduate kasi parang ambata pa niya.
"Alam mo Ms. Castro, maganda yang definition mo ng LOVE ha." Ngumiti si Sir kay Kiara.
Jusko, malandi rin pala 'tong teacher na 'to eh.
"Okay, iba pang definition ng love para sa inyo."
Antahimik ng paligid ng....
"Sir.. Sir... Si Ms. Perez daw po." Turo nung isa kong kaklase sa akin.
Pinanlisikan ko ito ng mata.
"Ako? Huh? Bakit ako?" sabay sabi ko.
"Oh Yes Ms. Perez." Nakatingin na si Sir sa akin na nakangisi.
Buti nalang gwapo 'to kundi.... Hayy.
Tumayo ako at huminga ng malalim.
"Hmmm. Love? Sa utak lang yan Sir. Hindi sa puso. Sa umpisa lang yan masaya.
Love can either make you or break you. Pero kadalasan, it breaks you." Sagot ko.
Napangiti si Sir at parang impress na impress sa sagot ko. Ang laki kasi ng hugot ko eh. Haha.
"Wow Ms. Perez, you never fail to impress me. Ikaw lang ang unang taong nakapag-sabi sa akin about sa negative side ng LOVE." Sabi nito sa akin.
"Ah eh Sir" bigkas ko. " I didn't mean to"
"Oh Yes Ms. Perez, I get you. Maraming naibibigay ang Love sa tao, napapasaya nito, napapaiyak, nasasaktan and etc. Pero tandaan mo, kahit nasaktan ka man ng Love hindi ibig sabihin nito magiging miserable ka na habang buhay, you fail to see the good sides about Love. Pero isipin mo, napasaya ka rin ng LOVE na yan kahit papano." pangaral ni Sir.
Tumahimik ang buong paligid at biglang
"Woooh! Mabuhay ang mga taong inlove!" sigaw ng isa kong kaklase.
"Mabuhay!" sabay hagikgik nila.
"Sir! Hugot pa more. Hahahah"
Nagtawanan silang lahat.
At ako... Parang binato ako ng pandesal sa ulo dahil sa sinabi ni Sir. Napatulala nanaman ako. Napahiya ako. Yinuko ko nalang yung ulo ko sa lamesa. At biglang nagpadismiss si Sir.
"Goodbye Sir --?" paalam ni Kiara.
"It's Jonathan Francis Padilla." Sabay ngiti kay Kiara.
"Okay Sir Pogi. Bye. See you!" sabay kaway kay Sir.
Bago lumabas, nakatingin ito sa akin. Alam kong nakatingin siya habang nakayuko pa rin ako. At bigla siyang tinawag ng co-teacher niya.
"Pero hindi pa rin magbabago ang pananaw ko sa LOVE. Hindi." Bulong ko.
BINABASA MO ANG
Loving You (On-going)
RomanceSi Elena Mikaela Perez, isang babaeng bitter sa LOVE. Hindi siya naniniwala na may maganda about love kasi lahat ng napagdaanan niya ay puro masasakit. Mapagbabago kaya ng dalawang magkapatid na si Jonathan at Mattheo ang paniniwala ni Elena sa Lov...