Chapter 29- The Revelation Part I

39 0 0
                                    

Chapter 29- Revelation Part I

<Shia's PoV>

 

Paggising ko, wala si Athan sa tabi ko. Bumangon ako agad para hanapin siya.

Hinanap ko siya sa C.R, kusina, sala, terrace pero wala pa ring Athan ang nakita ko.

*Kring Kring*

 

*Ael Calling*

-Accept

 

Ako: Napatawag ka pinsan? Ano nang balita sa pinapagawa ko sa'yo?

Ael: Insan, fail.

Ako: Ano? Anong ibig sabihing fail?!

Ael: Paano ko magagawa sa kanya yung pinapagawa mo kung lagging nakabuntot sa kanya yung dalawang magkapatid na 'yon?

Ako: Ano? Pati si Athan?!

Ael: Oo. Hindi ko siya masolo dahil kasama niya lagi si Matt.

Ako: Basta! Gumawa ka pa ng paraan para mawala sa mundo naming 'yang si Elena!

Ael: Paano? Ayaw na nga akong Makita ni Elena?

Ako: Wala akong pakialam! Kahit na anong gawin mo sa kanya!

Ael: Sige pinsan.

 

*End of call*

Inutusan ko si Rafael para makalapit siya kay Elena. Una niyang nilapitan yung haliparot na bestfriend ni Elena na si Charina. At bumigay naman ang gaga!

Tama nga ako! Girls greatest weakness are boys. At bumukaka naman agad ang gaga!

Umpisa palang ito. Walang makakaagaw sa akin kay Athan. Lahat gagawin ko, kahit makapatay pa ako ng tao.

<Charina's PoV>

 

Hanggang ngayon, hindi pa ko pa rin pinapansin si Elena. Alam kong wala siyang kasalanan pero bakit may kung anong inis at galit ang nararamdaman ko.

Dahil ba gusto siya ni Rafael? Dahil ba nalaman rin ni Matt na nagalaw na ako ni Rafael?

Bestfriend ko siya pero bakit niya ipinagkalat 'yon?!

Binato ko yung lalagyan ng mga ballpen dito sa SCC office.

Naiiyak ako. Naiinis ako kay Elena!! Naiinis ako kay Rafael! Naiinis ako sa sarili ko dahil hinayaan kong pagsamantalahan ni Rafael itong katawan ko!

Sumisigaw ako ng biglang may pumasok sa pinto...

"Matt?!" –ako

 

Hindi maganda ang aura niya ngayon. Mukhang galit rin siya dahil naka close yung dalawang kamay niya. Yung mga mata niya, nanlilisik.

Hindi niya ako kinausap at umupo siya sa harap ko.

Pinunasan ko na rin ang  mga luha ko.

Loving You (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon