Chapter 14- insert title here

28 0 1
                                    

<Jonathan's PoV>

Pagkatapos niyang mamahinga sa clinic, inuwi ko na siya.

Kasalanan ko naman lahat kung bakit nangyari yun sa kanya. Kung hindi ko sana siya pinalabas, hindi sana mangyayari ito.

"Tita. Goodevening po." Bati ko sa mama ni Elena.

"Hi hijo. Anong nangyari sa kanya? Bakit ganyan ang itsura niya?" Nag-aalalang sabi nito.

"Mas mabuti pong siya nalang ang magsabi sa inyo."

"Hijo, pakilagay nalang si Mika sa kwarto niya."

"Sige po tita" itinuro niya kung saan ang kwarto niya.

Pagpasok ko sa kwarto niya, nakita ko maraming libro. Blue ang color ng Kwarto niya. Hindi siya masyadong mahilig sa design. Ang pale kasi ng itsura ng kwarto niya.

May poster rin siya ng Boyce Avenue.
Poster ni Daniel Padilla at Tarpaulin niya.

Matapos ko siyang ibinaba sa kama niya, tiningnan ko ang mga pictures niya na nakadisplay.

Ang saya niya sa mga ito. Mayroon siyang picture na wala siyang ngipin sa harap noong bata pa siya, nakaWacky, nakaPose sa isang Pageant noong Highschool siya, picture nila ng mama niya at picture naming dalawa na may hawak na ice cream.

Napahawak ako sa picture frame na iyon.

Nakalimutan man niya ang pangalan ko pero hindi ang memories namin.

"Sir." Bulong nito habang nakatulog.

Nakatingin lang ako sa kanya.

"Athan." Bulong ulit nito

"Can you buy me an ube ice cream?" Sabay ngumiti siya.

Napangiti ako. Yun parin pala ang favorite niya.

Kinumutan ko siya bago ako umalis.

Paalis na sana ako ng..

"Athan?" Sabi ng mama niya.
"Po?"

"Alam kong ikaw si Athan na kababata niya."

Nagulat ako.

"Ah eh tita." Pautal utal ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Athan, mas mabuti ng hindi na kayo magkita ni Mika."

Nagulat ako sa sinabi niya.

"Huh? Bakit po tita? May nagawa po ba akong masama?"

"Kung gusto mong mabuhay siya, layuan mo siya."

Umalis ako ng may tanong sa isip ko.

Bakit? Anong mayroon? Mabuhay siya? Anong meaning nun?

<Mattheo's PoV>

Pagkatapos noong nangyari kanina sa amin ni Elena, hindi ko na alam kung paano ako haharap sa kanya.

Nahihiya ako. Iniisip na siguro niya ngayon na gago ako, manyak o bastos.

Dumating si Kuya dito sa bahay.

"Kuya?" Bati ko

May kung anong gumugulo sa isip niya. Kitang kita sa ikinikilos niya ngayon.

"Munggo!" Bati rin nito.

"Kuya? Ah. Hindi mo lang ba ako papagalitan?"

Napatingin ito habang paakyat na sana sa hagdan.

"Hindi." At tuluyan na siyang umakyat

Ano kayang nangyari?

Hindi na kumain si Kuyang dinner. Ayaw niya rin akong papasukin sa kwarto niya..

Alam kong may mali. Bumabalik nanaman siya sa dati.
Simula noong nawala si Mika.

<Shia's PoV>

Matapos yung nangyari kanina, umuwi na ako at nagpahinga.

Marami akong tanong sa isip ko na kailangan ng kasagutan.

Sino yung babaeng yun?
Bakit ganoon nalang siya nag aalala sa babaeng iyon?
Anong kinalaman niya sa buhay ni Athan?

Kailangan kong kumilos bago pa ulit mawala sa akin si Athan.

Tinawagan ko ang private investigator namin.

"Alamin mo kung sino si Elena Mikael Perez. Halungkatin mo lahat ng tungkol sa pagkatao niya."

"Yes ma'am!"

Akin lang si Athan. Walang kahit sinong babae ang makakaagaw sa kanya. Akin lang siya. Akin!

<Charina's PoV>

Yow! Haha. Nagulat kayo noh dahil may PoV na rin ako. Hihi.

I'm Charina, bestfriend ni Elena. Student President ng University namin.
Hindi masyadong kagandaan, hindi rin matapang. Opposite ako ni Elena.
Hindi ko nga alam kung bakit ako ang nanalong President eh. Pero oks na rin 'yon.

Flag Ceremony, nag announce ako.

"Dear students, teachers and staff.
Next week we will be having our University Week. There will be different booths and each school must provide their own booths. It maybe a 'marriage, jail' and etc. We will also have the Battle of the Band, Dance Contest, Singing and etc. We will also have the Search for Mr. And Ms. Campus Personality 2015. For more information, please do visit us at the SCC office. Thank you!"

Nakita kong na-eexcite na rin ang mga students. Sana mag-enjoy sila sa gaganaping Uweek.

"Elena."

Tumawag ako kay Elena para pasalihin siya sa Dance Contest. Dance Duet.

"Sali ka sa dance contest. Dance duet yun."

"Ayaw ko! Ang tagal tagal ko ng hindi sumasayaw. Hindi ko na nga alam eh." Pagtutol nito.

"Elena, anong hindi mo alam. Noong highschool tayo lagi kang nananalo kapag dance ang pinag uusapan. Tapos aayaw ayaw ka ngayon." Pagpupumilit ko.

"Noon yun. Marami nang nagbago ngayon."

"Alam kong mahal na mahal mo ang pagsasayaw Elena. Alam kong maraming memories ang bumabalik kapag sumasayaw ka. Pero hindi ka dapat magkulong sa mga memories na 'yon."

Magaling si Elena sumayaw. Lagi siyang nananalo noong Highschool kami. MapaHiphop, contem or ballroom pa ito.

Siya lagi ang pambato ng school namin. Hanggang sa nakapartner niya yung ex niya. Yung nakabuntis? Remember?

Marami silang memories together dahil sa pagsasayaw.

Mas naging inspired si Elena noon. Pero simula noong niloko siya. Hindi na siya ulit bumalik sa pagsasayaw.

"Oh ano? I dont take a No as an answer Elena." Sabi ko.

"Ah eh."

"Friendship is over na kung hindi ka sasali." Pagbabanta ko.

"Hmmmmp. Okay. Yes." Sabi nito.

Wohooooo!

_________________

😘

~guiannuuuh

Loving You (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon