Chapter 21 Dinner Date

45 2 2
                                    

<Elena's POV>

It was unexpected but it feels so great.

Ano ba 'tong ginagawa sa akin ni Sir Athan?! Drugs ba siya? Naaadik na ata ako sa kanya eh.

Hayyyy...

"Wag mong biru-biruin ang POWER OF LOVE."

Naalala ko nung sinabi yan ni Sir sa akin.

Parang kinakain ko na rin lahat ng sinabi ko noon about sa love.

Tama nga si Sir, masarap sa pakiramdam ang magmahal at mahalin.

Masarap at masaya sa pakiramdam na mahal ako ng taong mahal ko.

Pero mahal niya kaya ako?
Hindi ko man lang narinig sa kanya na mahal niya rin ako.

Umaasa ako. Umaasa akong mahal niya ako. Sana.....

<Jonathan's PoV>

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon.

Masayang masaya ako.

Mahal ko na si Elena. Mahal ko pa rin siya.

Pero hindi ko alam kung mahal niya rin ako.

Nang tinanong niya sa akin kahapon kung mahal ko ba siya?
Hindi ako nagsabi ng 'I love you too' pero pinadama ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal sa pamamagitan ng paghalik.

Sana mahal niya rin ako.
Alam kong mahal niya rin ako.

"Goodmorning Athan" bati ni Shia sa akin habang nakahiga ako sa kama.

"Shia, bakit bigla bigla ka nalang pumapasok ha? Hindi ba uso sa'yo ang kumatok?" Sabi ko.

Nakatopless lang kasi ako tapos naka boxer shorts lang.

"Alam mo Athan, hindi mo naman ako pinagbabawalan noon eh. Pero bakit ngayon parang naging conservative ka ata?" Lumalapit ito sa akin at bigla akong hinalikan.

"Shia.."

"Hmmm."

"Shia?! Ano ba?!" Sigaw ko at natulak ko siya.

Nagulat 'to at naiiyak siya.

"Hindi mo ba nagustuhan 'yung halik ko Athan?"

"Ano ba 'yang pinagsasabi mo Shia?!"

"Bakit? Hindi ba katulad ng halik ni Elena sa'yo?"

Napatingin ako sa kanya.
Alam niya? Paano?

"Anong pinagsasabi ---?"

"Oh yes Athan, alam ko kung ano ang nangyari sa inyo sa mall kahapon."

Hindi ako nakaimik. Umiiyak na siya.

"Shia." Lumapit ako sa kanya.

"Athan, mahal kita."

Napatigil ako.

"Sana mahalin mo rin sana ako Athan. Gagawin ko ang lahat mapasaya lang kita. Just please Athan, love me. Just love me."

"Shia, mahal kita alam mo 'yon. Pero hindi katulad ng inaakala mo."

Yinakap niya ako at bigla siyang lumuhod sa harap ko....

"Athan, ako na lang. Mahal na mahal kita Athan. Parang awa mo na."

Tapos may pinakita siya sa akin....

Isang lab result...

"Leukemia?" Sabi ko.

"Oo Athan. Konti nalang ang nalalabing araw ko rito sa mundo. At ang tanging hiling ko lang ay ang mahalin mo rin ako." Umiiyak pa rin ito.

Hindi ko alam ang sasabihin ko.
Naaawa ako sa kanya.

Loving You (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon