<Elena's PoV>
Bakit ganito yung nararamdaman ko? Hindi ba dapat natutuwa ako kasi nahanap ko na siya? Pero bakit may biglang tumusok sa dibdib ko.
FLASHBACK
Senior student na ako nang may transferee. Siya si Ryan Romualdez. Gwapo siya, may pagkabarumbado, magaling sumayaw, matalino pero kahit papaano, mabait.
SSG President kasi ako noong Higschool. Nakilala ko siya dahil sa dancetroupe. Ako rin kasi ang president ng dance troupe noon. Ako ang nag oorganize at halos lahat ng members, kilala ko.
Noong una ko siyang nakita, hindi ko siya gusto.
"This Foundation Day, mag peperform ang dancetroupe at hahatiin natin ito into 5 groups. The solo, duet, hiphop, contempo and dance sport.
May napili na ako sa solo and duet. Ako sa duet at si Pong ang makakapartner ko. Sa solo naman, si Claris. At yung sa ibang dance, pumili nalang kayo at ilista niyo nalang dito."-ako
"Elena, bakit ako? Hindi ako makakaperform dahil ooperahan ako sa mismong foundation day natin." –Pong
"Huh?! Eh sino ang magiging partner ko?"
"Ako." Nakangiting sabi ni Ryan.
"Newbie ka palang Mr. Romualdez kaya hindi ka pa pwede."-ako
"Paano ako matututo kung hindi mo ako tutulungan?"-Ryan
"Okay Fine. Everyday ang practice sa Dance Room 5:00-6:30 pm"-Ako
"Okay Ms. President."
Noong una, mainit na ang dugo ko sa kanya. Pero noong nagtagal naging maganda na ang pagsasama naming dalawa ni Ryan. Siya ang kauna-unahang boy bestfriend ko noon.
Naging boyfriend ko siya ng halos 3 taon. Hanggang sa nalaman kong niloloko niya lang pala ako. Nagpanggap siya na siya yung kababata ko. Nagpanggap siyang siya si Athan. Pero hindi ko lang naman siya minahal dahil doon eh. Hanggang sa nalaman ko na nakabuntis siya.
Minsan niyaya niya akong makipag sex pero ayaw ko. Kasi naniniwala ako, kapag mahal mo ang isang tao, hindi mo siya pipiliting makipag sex sa'yo.
Simula noong gabing yon, nag away kami. Dahil daw maarte ako, pakipot ganun. At hindi ko rin alam na nung gabi rin pala na yun, may nangyari sa kanila nung nabuntis niya.
At ano naman baa ng magagawa ko? Mali na ang relationship naming dalawa. Hiniwalayan ko siya kahit masakit sa loob ko. Hindi siya iniisip ko nung time na 'yon. Iniisip ko yung magiging baby nila nung babae. Ayaw kong lumaki yung bata na walang ama. Ayaw ko na pagdaanan niya yung napagdaanan ko.
BINABASA MO ANG
Loving You (On-going)
RomantikSi Elena Mikaela Perez, isang babaeng bitter sa LOVE. Hindi siya naniniwala na may maganda about love kasi lahat ng napagdaanan niya ay puro masasakit. Mapagbabago kaya ng dalawang magkapatid na si Jonathan at Mattheo ang paniniwala ni Elena sa Lov...