★ bluemoans 2nd entry★

399 18 9
                                        

un: bluemoans


title: computer hacker


sw: Photoshop CC


explanation: kaya siya ganun na parang tumatakbong ganren kasi dito na yung scene na parang patakas na siya dahil tapos na siya manghack. also kaya ganyan siya na naka-gaussian blur yung background para madagdagan ng focus yung character kasi kung hindi ko yan ilalagay magiging madumi na siya at maaagawan ng focus yung main character. Saka kung magtataka kayo kung bakit ganoon ung background na bakit parang ang laki etc. kasi Elfia yung main character, sila yung maliit na kind (please see synopsis) and nasa loob siya ng cpu, so yung mga wires and such mas malaki talaga sa kanya.


synopsis:


Sa taong 3015, kung saan ang lahat ng bagay ay moderno na, isang lipon ng mga nilalang ang magigising sa katotohanang ang ginagawa sa kanila ng mga tao ay hindi na makatarungan. Sila ang Elfia, ang katumbas ng mga duwende sa panahon natin ngayon, ngunit ang Elfia ay mas marami nang alam kaysa sa mga tao at siya na ngayong pinagkukunan ng mga tao ng bagong kaalaman.


Si Razen, ang pinuno ng mga Elfia, ay matagal nang mulat sa isipan na may taglay na ganid ang mga tao sa kanilang kaalaman. Kaya nama't ginamit niya ang kamulatang ito upang udyukin ang kanyang mga ka-uri na mag-aklas laban sa mga tao. Paano?


Sabi nga nila, kung gusto mong pigilan ang pag-unlad ng isang tao, pigilan mo ang mga bagay na naguudyok at tumutulong sa kaniya upang umunlad. Naisip ng Elfia na sirain ang lahat ng bagay sa mundo ng mga tao na circuit, mula sa telebisyon, airconditioning system, hovercar, eroplano, hanggang sa mga kompyuter na nagpapagana sa lahat ng pinaka-importanteng kumpanya at teknolohiya sa pamayanan ng mga tao.


Mapagtagumpayan kaya ni Razen at ng buong Elfia ang kanilang misyon?


link: http://i.imgur.com/UYBUFMd.jpg


message: hiii


date: 4-20


AUDIENCES CAN RATE HIS/HER WORK: 1-10.


Criteria for judges:


Typography ~ 10%

Cleanliness ~ 25%

Appropriateness ~ 15%

Synopsis and Explanation ~ 10%

Creativity and Uniqueness ~ 20%

Overall Performance ~ 20%

Pseudo Graphic CompetitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon