Gym Revenge

36 3 0
                                    

Jaydee POV

Kanina pa ako nasa garden at hinihintay si pits.

Tatayo na sana ako kaso nakita ko na si pits na ang gulo ng buhok at mapula ang pisngi..bakit ngayon ko lang nasiguro na namumula nga ung pisngi nya, kaninang naipakilala ako napatingin ako sa kanya dahil namumula ung magkabila nyang pisngi.

Lumapit ako sa kanya para siguraduhin na anong nangyari sa kanya.

"Anong nangyari pits?" tanong ko sa kanya at umiling lang sya.

"Sorry jaydee, baka sa susunod mo nalang sabihin ung dapat mong sabihin" sabi nya na may halong panghihina

Nahimatay nalang sya at hinatid ko sya sakanila.

*Steff House*

Hinatid ko na sya sa kwarto nya at nag good night na kahit tulog na sya.

"Good night pits" tsaka ko na sya kinumutan.

Umalis na ako at nagdrive na pauwi.
Hindi ko muna sinabi kay steff ung dapat ko sanang itanong kung anong tingin nya kay Ashley baka sa mga susunod na araw nalang.

***

Steff POV

"Steff! gising, hoy steff!" sigaw ni kuya hindi ko alam kung kanina paba sya dyan basta ngayon ko lang sya narinig.

Minulat ko na ung mata ko at nakita ko si kuya na naka tayo sa pintuan.

"Ano hindi kapa tatayo?" sabi ni kuya with face na nakakaloko...alam ko na ang gagawin nya kapag hindi ako tumayo.

"Oo na oo na tatayo na" sabi ko sa kanya.

"Buti naman" paalis na sana sya ng napatingin ulit sya sa akin.

"What?" tanong ko.

"Bilisan mo pala may naghihintay sayo sa baba" ha? sino naman?

"Sino?"

" Basta bilisan mo maligo at bumaba kana agad" tsaka na sya tuluyang umalis.

-
-

Pababa na ako at laking gulat ko nung nandito si...

"Hi pits" sabay ngiti ..malang sa alamang sino pa ba? eh d si Jaydee

"Oh steff , kain na muna kayo, " sabi ni mama at tinawag nya si Jaydee "Jaydee iho kain kana rin dito"

"Sige po tita" sagot ni Jaydee.

Umupo na ako at kumain na ..medyo naiilang dahil nandito si Jaydee.
Tumayo na ako at aalis na.

"Uh ma alis na po kami ni Jaydee" tumingin ako at tinuro nya ung sarili nya kaya tumango ako "Oo tara na"

"Ah hindi pa ako tapos" sabi nya.

"Sige kung ayaw mo ,alis na ako" lalabas na ako at narinig kong nagpaalam na din si Jaydee kina mama

"Sige pi alis na po ako, salamat po sa breakfast" sabi ni Jaydee.

Hinintay ko na lang sya makalabas.

"Bat ang bilis mong kumain?" tanong nya sa akin.

"Ah bawal na pala mabilis na kumain ngayon?" sarcastic kong sabi,

"Hindi naman , tara na" sabi nya pero hindi pa ako umaalis sa kinatatayuan ko

"Ano tara na, ano pang ginagawa mo dyan pits?" sabi nya..ano bang nakain nito at sinundo nya ako

My best friend and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon