Questions and Idea's

7 0 0
                                    

Jaydee POV

Nandito ako sa kwarto ko at nakatingin sa kisame..kakauwi ko lang galing sa gig namin..

Hinatid ko na din si Ashley sa kanila at nagpaalam na.

Nakatitig pa rin ako sa kisame at inaalala ung mga nakita ko kanina kina steff at lucas.

Simula dun sa pagkanta ni Lucas,paghawak ng kamay nya kay steff,pag ngiti nila sa isa't isa, at pagtawa nila ..masaya ako at nababaling ung sarili ni steff kay lucas.

Masaya na ako at sa wakas hindi ko na masyadong iintindihin ung sinabi ni kuya na bantayan ko si steff...pero speaking of kuya ni steff, nasabi nya na kaya na aalis sya?

Nagising na ako at tanghali na ..bumaba na ako at naalala ko pala na saturday ngayon kaya free ako at walang gagawin.

Naglibang ako sa bahay, tumugtog,nag guitara, naglaro ng psp, nakilaro kay butso na aso namin at kumain na ako..

Napag isip isip ko na pumunta sa park kung saan kami unang nagkita ni steff na bestfriend ko na ngayon.

Masaya ako dahil ung kaibigan ko noong bata kami hindi ko inakalang magiging bestfriend pa kami.

Nag drive na ako at pumunta na sa park.

Umupo ako sa isang bench at nakatingin lang sa paligid, may nakikita ako pamilya, mga batang naglalaro, may isang lalaking bata na nagbigay ng bulaklak sa batang babae, may bumibili ng ice cream, may nagtatakbuhan at kung anu-ano pa.

Napatingin ako sa gawing kaliwa ko at naaninag ko si steff na mag isa at naka upo lang sa isang bench habang tumitingintingin sa palagid.

Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin basta naglakad nalang ako papunta sa kanya..nang malapit na ako binati ko sya.

"Hi" sabi ko habang nahihiya..tumingala sya sa akin para matignan kung sino ako.

"Ah hello" bati nya sa akin

"Pwede umupo?" tanong ko at tumango nalang sya.

Umupo na ako sa tabi nya at pinagmamasdan lang namin ang paligid.

"Ang saya nila noh?" sabi ko habang nakatingin sa iba't ibang tao.

"Ah ahm..oo" sabi nya habang napatingin sa akin.

"Ikaw mukhang masaya ka ah" sabi ko pero hindi pa rin ako tumitingin sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong nya tsaka na sya tumingin sa akin.

"Masaya kang kasama si Lucas" sabi ko at tumingin na din sa kanya.

"Kilala mo?" tanong nya at nagbigay sya ng ekspresyon ng nagtataka

"Oo, isa sya sa barkada ko" sabi ko at tumingin na ulit sa paligid.

Natahimik sya at ako nalang ulit ang nagsalita.

"Mukhang hindi nya naiikwento ha" sabi ko habang naka tingin pa rin sa mga tao sa paligid.

"Hindi nga, tsaka wala naman akong balak malaman" sabi nya.

Napatingin ako sa kanya at pinagmasdan lang sya.

"Masaya ka, tama?"tanong ko ulit habang nakatingin sa kanya..tumango sya.

"Oo masaya naman kasama si lucas e" sabi nya.

"Mukhang close na kayo ah" sabi ko.

My best friend and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon