Loveteam?

12 0 0
                                    

Tsaka nalang po ung story nina Nathan at Nicole

Steff POV

Friday na ngayon at may gig kami mamaya.

Ayoko pang bumangon dahil tinatamad pa ako..para na akong tanga na uupo tapos hihiga..uupo tapos hihiga..uupo tapos hihiga na naman..kaya napagpasyahan ko nalang muna ipikit ung mata ko pero kahit anong gawin ko hindi na ako makatulog..gusto ko ng tumayo pero ayaw pa ng katawan ko.

Tinignan ko ung phone ko kung anong oras na 6:00 palang ng umaga kaya maaga pa para pumasok..hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para tignan ung mga message ko.

Nakita ko ung message ni Jaydee kahapon na kailangan daw namin mag usap.

Lahat lahat nag flashback sa akin..simula sa pagbibiro nya hanggang sa maging seryoso sya at tatanungin ako kung paano mo malalaman kung mahal mo na ung isang tao.

Naisip ko din ung mga nasabi ko sa kanya.lahat lahat.
Hindi naman ako Love Expert pero nagtataka pa din ako kung bakit ko nasabi ung mga salitang un..basta kusa lang ako nagsalita sa tanong ni Jaydee.

Ilang minuto na din akong nag iisip kung bakit ko ba un nasabi? ng biglang bumukas ung ilaw.

Nagkumot ako at nagkunwaring natutulog pa..si kuya ung nagbukas ng ilaw ko.

"Hoy! steff bangon na umaga na" sigaw ni kuya habang nakatayo pa yata sa pintuan.

"Hmmm" nagkunwari akong nag uyat uyat ng parang kagigising ko lang.

"Tayo na may sumusundo na sayo" sabi ni kuya.

"Nang ganito ka aga?" napa upo na ako ..dahil sino ba naman ang taong ang aga aga susundo ng ganitong oras.?

"Oo na kanina pa daw sya nandito" sabi ni kuya kaya pinaalis ko na sya at nag ayos na ng sarili.

Dahan dahan akong bumababa sa hagdan para masulyapan kung sino ung matinong tao na susundo sa akin ng maaga.

"Hoy!" gulat ni kuya kaya muntikan na akong mahulog sa hagdan at may dala syang kape?

"Ano ba kuya ang aga aga nanggugulat ka" suway ko kay kuya.

"Baba kana kasi dyan kanina ka pa hinahanap nun oh" tsaka sya ngumuso para ituro si Lucas.
Umalis na si kuya para ibigay ung kape kay Lucas

Oo si lucas ung nandito na ang aga aga sinusundo na ako.

Bumaba na ako gaya ng sabi ni kuya..dumaretso muna ako sa kusina at nakita ko dun si Mama na nagluluto

"Oh steff, buti bumaba kana kanina pa andito si Lucas" sabi ni mama habang nakatalikod at nagluluto.

"Bat ba sya andito ma?" tanong ko habang umiinom ng gatas..oh naggagatas pa ako ha..pero cowhead na..hindi na bearbran.

"Sinusundo ka daw" sabi ulit ni mama

Kumain nalang muna ako at mamaya ko na pupuntahan si Lucas.

"Steff!!" sigaw ni kuya mula sa sala.

"Steff, punta kana dito" sigaw ulit ni kuya..kaya pumunta na ako dun at baka magwala pa ung kapitbahay namin dahil sa kaka sigas ni kuya.

"Oh bakit?" tanong ko..habang dala ko ung gatas na iniinom ko.

"Dyan ka!" tumayo si kuya at pina upo ako sa tabi ni Lucas.

"Good morning" bati sa akin ni Lucas.

"Morning" sabi ko at tumingin ulit ako kay kuya.

My best friend and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon