Jaydee POV
Nandito ako sa rooftop ng building at pinagmamasdan lang ung mga tao sa baba.
Nagtataka kayo kung bakit hindi ko sama si ashley?
Nagpaalam sya sa akin na may gagawin daw sya ngayon at may pupuntahan daw syang family partners nila.
Kaya ako nandito nalang sa rooftop kung saan kami nagtatambay nina dwayne.
Paano kaya kung itext ko sila?
Dwayne,san ka? punta ka tambayan,nandito ako dala ka na din ng pagkain
Send.after a few minute nag beep ung phone ko
Malapit na ako,kasama ko si Nathan
Then hindi na ako nagreply, hindi naman ako ung tipo na tao na laging may katext,except nalang kapag katext ko si Ashley.
Ilang minuto lang nakarating na sila Nathan at Dwayne sa rooftop
"Eto na po boss" pang aasar ni Dwayne
"Salamat, tagal nyo gutom na ako" tsaka ko na kinuha sa kanila ung dala dala nila
"Wow pre! ilang araw ka di nakakain?" tanong sa akin ni Nathan
Wag nyo ng tanungin kung saan,kailan,at papano kami nagkakakilalang apat,nakakatamad mag kwento.
"Isang buwan lang naman" pang aasar ko, bahala sila kung maniniwala sila o hindi
Kain lang ako ng kain ng magsalita si Nathan
"Asan si Lucas?" sabi ni Nathan at nakita kong nakatingin sa akin
"Hanapan ako ng nawawala?" tanong ko sa kanya
"Malay ko bang binugbog muna"pang aasar nya
"Kumusta pala kayo ni Ashley?" biglang singit sa usapan ni Dwayne'
"Ayos lang" sagot ko sa tanong nya
"Eh si Steff?" singit ni Nathan
Oo nga pala, halos one week ko na syang hindi nakakausap or pagkikita man lang.
Pero naiintindihan nya naman siguro na busy ako sa school at kay Ashley
"Ayos lang" kahit hindi ko alam na ayos lang talaga kami sa isa't isa
May nagri-ring na cellphone kaya tinignan ko unng akin pero wala naman, nakita ko ung phone ni Dwayne sa lamesa kaya tinignan ko sya pero kumakain lang sya.
"Dwayne!" sigaw ko sa kanya
"Oh?" sagot nya lang tsaka sya sumubo ng fries
"Ung cellphone mo nasan?" tanong ko na nagbabakasakali kung alam nya at patuloy palang sa pagring ung phone nya
Kinapa nya ung phone nya sa bulsa pero wala daw kaya tinuro ko na
"Ayun oh,nagri ring may tumatawag yata" nagvavibrate lang kaya siguro hindi nya alam, nakasandal kasi sila sa upuan ako at nakahawak sa lamesa
"Hayaan mo, si Lucas lang yan" sabi nya
"Pano mo nalaman?" tanong ni Nathan
"Bat di nyo kunin" tsl,palusot lang para kami ang kumuha at hindi sya
Kinuha ni Nathan ung phone at nakakunot noo
BINABASA MO ANG
My best friend and I
RandomAko? ako lang naman ung girlfriend nya na kayang ipalit sayo at kahit kanino man!!" yan lang naman ang sinabi ni Ashley sakin .. Pero hindi ko alam bakit lagi yan nag e-echo sa isipan ko. Oo isa lang naman ako hamak na kaibigan nya pero may karapata...