Sorry na

16 0 0
                                    


Steff POV

Napaaga yata ako sa klase kasi marami ng tao hehe..I mean medyo napaoras yata ako ng pasok kasi halos lahat sila nandito na, ang wala nalang ay yung katabi ko at sina Jaydee at Ashley.

Halata naman na sabay na naman ung dalawa pero wala pa din si Sarah.

Umupo na ako sa pwesto ko at magkabit nalang ng ear phone sa tenga ko at nakinig ng kanta.

Oo nga pala, inalis ko agad ung nakasaksak sa tenga ko at kinuha ung book na isasauli ko na kay Sarah.

Inilapag ko lang sa tapat ng desk ko yung book na pinahiram sa akin ni Sarah.

I think you LIKE HIM . I think you LIKE HIM . I think you LIKE HIM.

Yay! nakakainis hanggang ngayon ba naman nage-echo pa din sa isip ko ung I think na yan.

Dumating na si Sarah na nakangiti. Anong meron?

"Morning" bati nya sa akin tsaka na sya umupo sa tabi ko.

"Morning, oh" sabay abot ko sa kanya ng book nya.

"Tapos mo na?" tanong nya.

Umiling ako sa kanya na syang nakapagwala ng ngiti nya. Problema nya?

"Hindi" sagot ko sa kanya

"Tapusin mo" sabi nya tsaka nya binalik sa akin ung book.

"Wala namang kasiguraduhan dyan eh, madaya yan, tsaka sya ba nakakaramdam paramakasiguro sya?" Alam kong OA ako pero, hindi naman talaga sya ung nakakaramdam.

Tsaka hindi ko naman talaga gusto si Jaydee, bestfriend ko sya.

Laging ipinipilit ni Sarah na basahin ko ung book nya kaya kinuha ko na din pero nakakainis talaga ung book, hindi naman un nakakasiguro.

"Kunin mo yan" sabi nya.

"Ayoko" sabi ko sa kanya sabay balik ng libro nya.

Buti dumating na ung tr. namin kaya nasa kanya na ung book nya.

Break na at aalis na sana ako ng hilain ako ni Sarah

"What?" tanong ko sa kanya pero hindi nya pa din binibitawan ung kamay ko

"Kunin mo ung book" sabi nya

Umiling ako "Wala naman ako gagawin dyan eh" sabi ko sa kanya

"Bakit,kasi natatakot ka?" seryoso sya.

Seriously? Ano problema nya?

"Natatakot saan?" tanong ko sa kanya

"Alam mo steff, FCman ako pero tinuturing na kitang bestfriend kaya alam kong may gusto ka kay Jaydee" seryoso nyang sabi.

Buti kami nalang dalawa ang tao sa room baka kasi may makarinig.

Hindi pa ako sigurado kung meron nga,pero ayokong malaman na meron kasi bestfriend ko lang sya.

At yung sinabi ni Sarah na FC sya?, Oo tingin ko na din sa kanya ay Bestfriend kaya hindi sya FC

"Wala akong alam sa sinasabi mo" sabi ko sa kanya

"Wag mo na ideny na wala kang alam sa sinasabi ko, alam mo namang si Jaydee ang tinutukoy ko, at alam ko ding gusto mo si Jaydee at alam mo din un pero ayaw mo tanggapin kaya pinapahiram ko sayo ung libro para mismong sa sarili mo malaman mo ang totoo" seryoso sya sa sinabi nya, first time ko syang nakitang ganito.

My best friend and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon