Story

11 1 0
                                    


Jaydee POV

Lately nagiging masaya ako dahil kay Ashley ilang araw na din ang nakalipas simula ng kausapin ko si Steff sa field tunghkol kay Ashley, Hindi ko alam pero bakit ganun sya maka react pero hindi ko nalang pinansin.

Madalas ko ng nakakasama si Ashley at lagi na din syang sinusundo, masaya ako kapag kasama ko sya at nakikita ko ding masaya si Ashley at sa madalas na kaming magkasama halos hindi ko na sya maiwan at naaliw ako sa kanya, hindi ko alam kung gusto ko pa ba sya or mahal na basta ang alam ko masaya kami sa isa't isa na magkasama

Napapatawa nya ako at napapatawa ko sya, lagi kaming magkasama sa canteen, laging naguusap na magkatabi at pumupunta na din ako sa kanila at minsan sya naman ang dumadalaw sa amin, minsan na din syang natulog sa amin kaso nasa ilalim ako at nasa kama ko sya.

Madalas na din kaming nag uusap sa phone at lagi kaming nagtetext sa isa't isa feeling ko minsan hindi na kaibigan lang ang turing namin sa isat isa.Minsan ko na din syang nahalikan sa labi nya nung minsang humarap sya pero hindi sadya.

Minsan naiisip ko pa din si Steff kung ano ng nangyari sa kanya at kung okay lang ba sya nung minsan nakita ko sya papuntang rooftop na nagmamadali at ako naman papunta na ng room galing clinic dahil sa galos ko sa basketball..nanghamon kasi ung isang lalaki sa akin na laban daw sa basketball at hahayaan na kami ni Ashley na magkasama..lagi kasi syang epal kahit nasaan kami para syang stalker namin at nalaman kong may gusto sya kay Ashley kaya nanghamon sya ng basketball..syempre nanalo ako kaya hindi na kami ginugulo nung lalaki..o hindu ko nalaman ung pangalan nya pero simula nung makita sya ni Ashley kapag kasama namin ung lalaki para syang wala sa sarili at parang hindi komportable kaya dun ako pumayag sa hamon nyang basketball.

At ung tawagan namin sabi nya tawag nya sa akin Dee at tawag ko naman sa kanya Ash short cut daw sa mga names namin at special lang daw ung tumatawag sa kanya ng Ash, kaya pumayag na din ako.

At nung isang araw na napagpasyahan kong sunduin si steff pero umalis na daw at kinukulit ko sya sa school pero hindi nya ako pinapansin, kahit anong gawin kong pagpipilit sa kanya na kausapin at pansinin nya ako wala parin..kaya nung lunch nakisabay na rin ako kay Ashley dahil ayaw naman ako pansinin ni steff pero habang kasama ko si Ashley parang feeling ko wala na man sya dun dahil lagi kong naiisip si steff kung bakit iniiwasan nya ako at hindi kinakausap..at ng mapansin kong mukhang nahalata na ni Ashley na wala ako sa sarili tsaka ko nalang naisip na siya nalang muna ang pagtuuan ko ng pansin..

At nang uwian naisip kong syang ihatid pero todo tanggi at sinabi nyang may pupuntahan sya na pinapaabot ng mama nya kaya hinayaan ko sya at tumakbo pero sinundan ko pa rin sya hanggat sa nalaman kong ayaw nya lang makisabay sa akin dahil naglalakad syang mag isa pauwi..binabantayan ko sya hangga't maka uwi sya pero may nakita akong isang lalaki na lumapit sa kanya at inakbayan sya lalapit na sana ako sa kanya peeo mukhang kilala nya naman dahil nakikipag usap sya sa lalaki.

Sinundan ko pa rin sila hanggang sa maka uwi sya pero habang tumatagal mas lalo silang nagiging close sa isa't isa at nambabatok na din si steff dun sa lalaki at nagtatawanan sila..sinundan ko sila hanggang sa bahay pero ang akala ko iiwan na ng lalaki si steff pero nagkamali ako nakita ko din syang pumasok sa loob ..

Matagal na akong naghihintay sa labas ng bahay nila steff.

Hinihintay ko ung lalaki hanggang sa maka uwi at dahil swerte ako ibinuga na ng pinto ung lalaki at habang nagpapaalam ay umalis na sya sinundan ko sya hanggang sa medyo makalayo na sya para kausapin sana..lumapit ako sa kanya at tinapik ung likod nya.

"Pare" sabay hawak sa likod nya.

"Oh jaydee" sabi nya ..bat kilala nya ako..stalker ko ba sya?

"Teka kilala mo ako?" tanong ko.

"Oo, ako hindi mo na matandaan?" tanong nya

"Hindi saan mo ba ako nakilala?"

"Sa school pero una kitang nakita sa bar" pagpapaliwanag nya..pilit ko syang tinatanda pero hindi ko talaga matandaan

"Saan mo ako unang nakita at anong ginagawa ko?" tanong ko.

"Sa bar at ano ginagawa mo pre? nakikipag landian sa babae" ha ako?

"Ahh,,d ko matandaan eh baka lasing ako"

"Sige d ko na ipapaalala, bakit ba pare ano problema?" tanong nya.

"Kilala mo ba si Steff?" tanong ko.

"Ah oo bakit?"

"Kaano ano kanya? nanliligaw ka ba? kung nanliligaw ka binabalaan na kita dadaan ka muna sa kuya nya tapos sa akin at sa kanya" pagpapaliwanang ko.

"Pre chill ka lang hindi ko sya nililigawan" sabi nya sabay tawa.

"Eh ano ginawa mo sa bahay nila kanina kung hindu ka nanliligaw?"

"Bakit ba pre?" tanong nya.

"Sagutin mo nalang tanong ko"

"O na pre chill ka lang, pinsan ko sya kinamusta ko lang si tita" sabi nya..hay .. mali pala ako..napahiya ako dun ha..hindi ako nakapagsalita.

"Sige na pre alis na ako, mas mabuti kung dadaan sya kay kuya john tapos sayo bago sya mapalapit kay steff" sabay tapik sa balikat ko at umalis na.

Napahiya ako dun ha? bat hindi ko naisip na pinsan nya un..hay..bobo mo jaydee..

Umuwi na ako at itutulog ko nalang to..bahala na bukas kung makikita ko pa ung lalaki na pinsan ni steff at si steff na hindi ako pinapansin.

Good night.sweet dreams.

--

--

[A/N ; extra lang po ung chapter na to..salamat ]

My best friend and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon