Friendly Kiss?

24 0 0
                                    


Steff POV

Nandito na ako sa kusina kasama si kuya at carl na nag aalmusal.

Oo nga pala ung text kagabi ay galing kay mama ;

Steff, mawawala muna kami nang dalawang araw pupunta kami sa lola mo, alam na din ni kuya john at paki sabi nalang kay carl, ingat kayo dyan anak love you mwuah.

Kaya ngayon nag padeliver kami kagabi nang pizza para ngayong almusal, syempre pina init ko muna bago namin kinain.

"Ate buti marunong ka pang mag init" sabi ni carl habang kumakain sya nang pinainit kong pizza

"Ano naman tingin mo sa akin carl ha, syempre marunong ako" sagot ko sa kanya.

"Wala lang, baka kasi.." pagpuputol nya nang sinabi.

"Kasi?" tanong ko..ano na namang iniisip nito.

"Wala" sagot nya tsaka sya ngumiti nang nakakaloko.

"Anong wala eh ano yang ngiti ngiti mo ha?" nakakainis, kapatid ko ba talaga ung mga kapatid ko? bakit lagi nalang ako ang inaasar.

"Wala nga" sagot nya.

"Tsk, kapag nalaman ko yan lagot ka sakin carl!" sabay turok nang pizza sa plato ko.

"Tara na steff" sabi ni kuya sabay tayo palabas.

"Kuya pano si carl?" mamaya pa kasing 12:00 ung pasok nya ..first year high school palang pero same school kaming lahat.

"Malaki na yan!" sigaw nya na nasa labas na

"Hoy! carl!" tawag ko sa kanya at tsaka ako tumingin.

"Hmm?" tanong nya nang walang lingon lingon..busy sa pagkain ng pizza

"Kaya mo dito ng mag isa?" tanong ko sa kanya..syempre kahit ganyan yan..maalaga pa rin ako sa kanya noh!

"Ako pa!" pagmamayabang nya.

"Tsk. yabang sige kapag may kailangan ka tawagan mo ako" sabi ko sa kanya .

Tumango nalang sya at lumabas na ako nang bahay para makisabay kay kuya.

Pero imbis na si kuya ang makita ko ay si Lucas?
Wala na si kuya at yung sasakyan nya.
Si lucas ang nasa harap ng bahay at may dala syang kotse.

"Anong..anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

"Sinusundo ka" mabilis nyang sagot at pumasok nang bahay..

"Kuya lucas!" sigaw ni carl na nasa pinto.

"Carl!" lumapit si lucas kay carl tsaka nya iyon ginulo nang buhok.

"Napadpad ka yata" tanong ni carl kay lucas.

Wew! ha as in wow! hey! may tao pa dito!

"Sinusundo ko ate mo" sabi nya.

"Ate!" sigaw ni carl sa akin.

"Napano ka?" mataray kong tanong.

"Pahiram muna ni kuya Lucas ha?" sabi nya..ano sya bagay na pwede hiramin.

"Anong gagawin ny--" hindi nya na ako pinatapos dahil hinila na ni carl si lucas papasok nang bahay.

"Hoy! carl saan kayo pupunta!" sigaw ko sa kanila habang papasok na din nang bahay.

My best friend and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon