Guest What Happened?

8 0 0
                                    


Steff POV

Tuesday na ngayon at napansin ko ding simula nang may magsabi na may loveteam sa bar..napapansin kong nagiging close na sina Ashley at Jaydee.

Hindi naman sa ayaw kong maging masaya si Jaydee, ang kinakatakot ko lang ay baka anong binabalak ni Ashley or anong gawin nya.

Matapos ang gabing inaya ako ni Lucas sa bar nina ate cassy, hinatid na ako ni Lucas sa amin.
Pumayag na rin ako dahil wala naman kaming gig ngayong gabi
Pinaalis ko na din sya dahil maggagabi na.

Pagpasok ko sa bahay nakita ko si Kuya sa sala na may kausap..nakatalikod eh.

Hindi ko nalang pinansin at magpapahinga na muna ako.
Hindi pa man ako nakalalayo natanaw na ako ni kuya at tinawag.

"Bakit kuya?" tanong ko habang nasa hagdan.

"Punta ka dito " sigaw nya mula sa Sala

Pumunta na ako dun at nakita ko na rin kung sinong kausap nya.

Si Jaydee...

Umalis na si kuya at kami nalang dalawa ni Jaydee dito sa sala.

"Hi pits" bati nya.

"Hi" sabi ko . "Bakit ka nandito?" tanong ko,

"Napadaan lang tsaka may itatanong pala ako" napadaan? bat ba kapag may pumupunta sa amin at ako ang sadya laging sinasabing napadaan lang..ano tong bahay namin, daan?

"Ano itatanong mo?" sabi ko at kumain ng brownies na nasa lamesa.

"Ano sa..ano bang gusto ng mga babae na ibigay ng lalaki sa kanya kapag nanliligaw na?" deretso nyang sabi kaya nabulunan ako.

Agad nya akong inabutan ng tubig kaya agad ko na itong ininom.

"Dahan dahan lang kasi sa pag-kain" sabi nya habang hinihimas ung likuran ko at nasa tabi ko na pala sya.

"ah! ah! anong gusto ng mga babae? saan?" tanong ko..naguguluhan pa kasi ako eh.

"Nililigawan ko na kasi si Ashley, kaya sa palagay mo anong magandang ibigay sa kanya?" sabi nya..at merong kumirot sa kaloob looban ko na hindi ko alam kung saan..basta ang alam ko nasaktan ako sa sinabi nya..

Ilang segundo pa bago ko sya nasagot sa tanong nya.

"Bat ako?" tanong ko..sa dinami dami ba naman ng pwedeng pagtanungan nyan ako pa?

"Kasi Bestfriend kita at ikaw lang ang babaeng kaibigan ko kaya baka may idea ka" sabi nya..nakakairitang pakinggan ung bestfriend simula ng nagdidikit si Ashley kay Jaydee.

"Ahhh" sabi ko na medyo mahina.

"Ano na?" tanong nya ulit.

"Anong ano na?" tanong ko rin sa kanya,

"Ano nang pwedeng ibigay sa kanya?" sabi nya.

"Ah " nagposisyon ako na kunwaring nag iisip pero sa totoo lang wala akong ganang mag isip..tsak pagod na rin ako.

"Ano?" tanong nya ulit.

"Nagmamadali may date? "

"Oo may date pa ako" sabi nya kaya nagulat ako..pero syempre hindi ko pinahalata.

"Sa ganitong gabi?" tanong ko at tumango nalang sya at ngsumisi..ano un night date nila ni Ashley? tsk.

"Bulaklak, bulaklak nalang ibigay mo bigyan mo din ng chocolates" sabi ko at tumayo na ako at paalis para pumuntang kwarto ko.

"Sandali lang pits" sabi nya kaya humarap ako at nagcross arms.

"Salamat,buti nandyan ka kapag kailangan kita" sabi nya at ngumiti kaya tumango nalang ako at tinawag na din si kuya para sya nalang ang magpalabas kay Jaydee.

Umakyat na ako sa kwarto ko na may kung anong itsura.

Ibinagsak ko nalang ung katawan ko sa kama ko at nakatitig lang sa Kisame.

"Salamat, buti nandyan ka kapag kailangan kita"

Lagi kong naiisip ung sinabi ni Jaydee at yung ngiti nyang nakatatak na yata sa utak ko at kapag pipikit ako nakikita ko parin ung mukha nya, yung mga ngiti nya.

Alam kong masaya ako dahil buti na aapriciate nya na nandito ako sa tabi nya palagi at handa syang tulungan.

Tulungan? handa ko nga ba syang tulungan kay Ashley?
At bakit ko na naman nasabi ung Bulaklak at Chocolates..wala naman akong naisip at bigla ko nalang nasabi un.

Whahh!!! naguguluhan na ako.

Matutulog nalang ako para makapagpanhinga narin ung utak ko.

***

KINABUKASAN gusto kong maglakad papasok ng school..wala lang trip ko lang.

Medyo maaga pa kaya okay naman maglakad lakad para exercise na din, matagal tagal na din naman ng huli akong maglakad mag isa..madalas kasi si Lucas na kasama ko.

Speaking of Lucas nakita ko sya nung nakaraang araw pala na galing sa coffee shop.

Napapangiti ako kapag naalala ko kung gaano nya ka hate yung kape tapos nung na try nya na parang gusto nya yata un nalang ang inomin nya araw-araw..masyado syang na adik sa kape.Kung hindi ko lang pinatry sa kanya nung isang araw na nandito sya hindi nya malalaman na masarap din ang kape.

Naglalakad na ako at kinuha ko ung phone ko at earphone para makinig nalang ng tugtog.

Hindi pa man ako nakalalayo paglingon ko sa likod naka aninag ako ng sobrang liwanag na ilaw..Hindi ko alam kung ano yon basta ang alam ko maliwanag na maliwanag..pero ng makita ko na ay nagdilim ang kapaligiran ko.

--

--

Bitin muna..hehehe

[Hey guys..whats up? musta na? matagal ba update ko or okay lang?
Reply naman kayo. Sige eto nalang sagutin nyo.
Guest what anong nangyari kay Steff at may maliwanag syang nakita at sa bandang huli ay nandilim?
Hindi ako mag u-update hagga't wala kayong comment promise..hope to die.
Try nga natin kung matalino kayo at anong nangyari kay steff?]

My best friend and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon