Tampuhan? 3rd and 4th Kiss?

20 0 0
                                    


Steff POV

Nagising nalang ako at nakita ko sa paligid nang kwarto ko si Jaydee.

"Jaydee" mahina kong sabi.

Teka wait? kwarto ko? puro sky blue kulay nang kwarto ko tapos white tong nakikita ko.

Sumakit ung ulo ko..naalala ko pala na hindi ako makahinga nang maayos kagabi..basta hindi nalang ako makahinga..hindi ko matawagan si Lucas dahil nanghihina na ako.

You mean nasa hospital ako?

Uupo sana ako nang biglang alalayan ako ni Jaydee.
Bakit sya nandito?

"Salamat" sabi ko sa kanya.

"Kumusta?" tanong nya.

"Ayos lang" sabi ko.

"May masakit pa ba?" tanong nya.

"Wala na ayos na ako" sagot ko sa kanya.

"Sandali lang" sabi nya sabay kuha nang bowl

"Kumain ka muna" sabi nya sa akin sabay tabi nya sa akin.

"Salamat" sabi ko sa kanya.

"Say ahh.." sabi nya sabay taas nang kutsara.

Ngumanga nalang ako at isinubo ang kutsara na may lamang lugaw yata.

Tapos na akong kumain ang kaso sabi nya isa pa daw..para mas lalo akong gumaling kaya umoo nalang ako.

Tumabi na sya sa akin at tsaka ako sinusubuan nang lugaw.

"Steff?" tawag nya.

"Hmm?" sabay alis nang dumi sa mukha ko.

"May sasabihin ako" sabi nya..bumilis ang tibok nang puso ko .

"Ano yun pits?" tawag ko sa kanya kaya nakita ko syang ngumiti.

"Ano pits..nililigawan ko na si Ashley" sabi nya..

"Okay" sagot ko lang.

"Wag ka magseselos ha" biro nya sa akin.

Alam mo ung parang bigla bigla nalang natusok ung isang parte nang isang katawan mo..hindi ko alam kung ano un..basta ang alam ko masakit.

Hindi ko alam kung bakit.

"Ha?..ah..ano..bakit naman ako magseselos ha?" pagmamataray ko sa kanya.

"Joke lang naman, gusto ko lang sabihin na nililigawan ko na si Ashley, baka kasi malaman mo pa sa iba kaya ako na ang nagsabi" pagpapaliwanag nya

"Sige, clear lang ha..hindi ako nagseselos" pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Tss..magseselos ka eh, sanayin mo na sarili mo kasi gwapo ako" sabi nya.

"Eh ano ngayon?" tanong ko.

"Kasi nga gwapo ako maraming babae ang magkakagusto sa akin pero stick to one ako kay Ashley" sabi nya.

"Tsk.gwapo daw" sabi ko.

"Oo kaya" paglalaban nya na gwapi daw sya.

"Hindi!" sagot ko.

"Gwapo ako" sabi nya.

"Hindi"

"Sige sexy nalang" sabi nya sabay ngiti.

My best friend and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon