First Time I See Her Crying

17 0 0
                                    


Steff POV

Kakauwi ko lang at hindi ko na kailan pa siguro ikwento kung anong nangyari sa akin buong araw diba?

Pagod na ako at gusto ko nang magpahinga agad.
Dumaretso na muna ako sa kwarto at ibinagsak ang katawan ko na pagod na.

Pumikit na ako at hindi ko na kaya ang pagod.

Nagising ako at kinuha ko ung cellphone ko sa side ng kama ko.
Tinignan ko ung oras at 5:00 na, halos isang oras din ako nakatulog.

Tumayo na ako para maligo at hindi pa ako nagpapalit.

Lumabas ako ng banyo, at naalala ko na naman na may gig pala kami ngayon.

Naghanap ako ng maayos na damit at pasok ulit sa banyo.

Narinig kong bumukas ung pinto ng kwarto ko kaya nagmadali na ako magbihis.

"Sinong nandyan?" tanong ko habang nasa banyo pa ako.

Walang sumasagot kaya nagmadali na ako para makalabas na din ng banyo.

Binuksan ko muna ng kaunti ang pinto ng banyo baka kasi kung sino na pumapasok sa bahay namin.

"Sino yan?" tanong ko habang binubuksan ng pakonti konti ang pinto ng banyo.

Lumabas na ako pero wala namang tao.

Maglalakad na sana ako ng may biglang tumakip ng mata ko.

"Hulaan mo" sabi ng tumatakip sa akin.

Kinapa ko ung kamay nya na medyo malaki at infairness mabango sya..hihi.

"Sino to?" tanong ko habang inaalis ung kamay na nakatakip sa mata ko

"Hulaan mo" sabi nya habang takip nya ung mata ko

"Kuya John?,carl?,Jaydee?" tanong ko..panglalaki kasi kamay nya eh

"Tsk" dinig kong sabi nya at inalis na ung kamay nya sa mata kong nakatakip kanina.

Humarap na ako sa kanya at nagulat ako kasi si Lucas pala.

"Ba..bat nandito ka?" nahihiya kasi ako na hindi ko sya nakilala

"Susunduin ka sana" tsaka sya ngumiti ng may halong lungkot.

"Ah..ano..pahintay nalang sa baba, pwede?" tanong ko sa kanya at tumango nalang sya at lumabas na.

Nilock ko ung pinto at agad na umupo sa kama

"Hay..ano ba!! bat hindi ko sya nakilala? at bakit nasama si Jaydee? ah!! steff umayos ka!" sabi ko sa sarili ko at hinihilamos ang mukha ko.

Nakakahiya talaga kay Lucas na hindi ko sya nakilala.
Imposible namang si Kuya John kasi hindi naman ako ginaganun at si Carl alam kong makulit boses nya at si Jaydee na imposibleng imposible na sya ung nagtakip ng mata ko.

Ah!! steff ano bang nangyayari sayo!?

"Umayos ka steff!!" sabi ko sa sarili ko at nag ayos na din ng sarili at baba baan ko pa si Lucas na nakakahiya sa kanya

***

Lucas POV

Nandito na ako sa bahay nila at nakasalubong ko si tita na mama ni steff

"Hello po tita" bati ko kay tita

"Oh andyan kana pala, si steff nasa taas tulog pa yata" sabi ni tita habang may inaasikaso na hindi ko alam.

My best friend and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon