Foundation Day

20 1 0
                                    

Steff POV

Namulat nalang ang mata ko ng maramdaman ko nalang na may nangingiliti sa tagiliran ko.

Minulat ko ang mata ko at hindi nga ako nagkamaling si kuya nga ang nasa tabi ko sya ung nangingiliti sa akin at dahil natauhan na ako at nagising itinigil nya na at nagsalita

"Tayo na! diba sabi ko kung trip mo lang ung paggising mo ng maaga araw arawin mo na?" Oo na tatayo na ako alam ko namang pinapatayo lang ako ang dami pag satsat

Tumayo na ako at hindi pa nakakalayo nagsalita ulit si kuya

"Oh saan ka pupunta?" tanong nya

"Sa pinto malamang oh" sabay turo sa pintuan ng cr.

"Tsk. sige na bilisan mo sabay na tayo pumasok baka may balak kapang matulog, bilisan mo at papasok tayo para sa foundation day" ay oo nga pala foundation day na nagayon at ngayon na din kami kakanta este sila pala..ay basta kasama na ako dun

Naligo na ako at kung anu-ano pang pampaganda sa mukha ko..

Bumaba na ako at nakita ko si Jaydee? sa baba

"Oh andyan kana pala, tara na?" tanong ni kuya

"Baka gusto nyo muna akong paka inin?" sagot ko

"Sige bilisan mo hihintayin ka namin dito ni jaydee, tsaka bilisan mo may naghihintay sa akin"

"Tsk babae mo lang kamo" bulong ko habang papunta na sa kusina pero sa kasamaang palad narinig pa ng magaling kong kuya

"Narinig ko yun" sabi nya.hindi ko nalang sya pinansin at dumaretsyo na sa kusina para kumain.

Kain lang ako ng kain ng mabulunan ako kasi biglang dumating dito si Jaydee

"Hinay hinay lang kasi sa pagsubo at paglunok" sabay abot nya ng tubig sa akin

"Eh sino ba ang hindi mabubulunan kung bigla ka nalang susulpot dyan?" umupo sya tsaka tumawa "Oh ano nakakatawa sa sinabi ko?".

"Wala bilisan mo daw dyan dahil aalis na tayo" tsaka na sya tumalikod paalis

Okay binilisan ko na at nagready na din palabas

"Hay sa wakas natapos ka pa, akala ko bukas kana matatapos kakakain ang takaw kasi"

"Whatever!" sabay tawa naman nilang dalawa..ano to? binagtutulungan ako? close agad sila? at baliw ba sila para pagtawanan ako kasi tanda ko wala naman akong sinabing nakakatawa

Aalis na sana kami ng biglang tumunog ung phone ni kuya

"O?" tsk bastos makipag usap

"Papasok na...Ah oo kasabay ko...ah sige sunduin nalang kita hintayin mo ako" then Inend nya na ung tawag tapos tumingin sya kay jaydee na sumesenyas ng kung ano

"Oh mukhang hindi pala tayo makakasabay pits" sabi ni jaydee tsaka bumaba ng sasakyan at tsaka ako tinignan ni kuya "What!?" irita kong tanong..wag mong sabihing bababa ako at aalis syang mag isa?

"Ano pang ginagawa mo? wala kang balak bumaba?" sabay taas pa ng kilay

"Pinasabay mo kami tapos nagyon papababain mo kami?"

"Wag ka ng umangal pa dyan pits , baba na" singit ni jaydee at tsaka binuksan ung pinto at itinulak ako ni kuya..ano to? nakuha agad sa tingin si jaydee? what's happening here? hindi ko ma gets...bumaba nalang ako at umalis na si kuya

My best friend and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon