"Better Luck Next Time"

53 2 0
                                    

STEFF POV

Nagising na ako at sa wakas maaga pa kaya bumaba na ako at nakita ko na sina mama at kuya na nag aalmusal na

"Oh himala yata ang aga mo nagising?" hindi ko alam kung ano bang pinaparating ni kuya kung nang iinis o sadyang nagtatanong lang..hindi ko na sya pinansin at umupo nalang para kumain at mabuti naman may ham at bacon

"Mabuti naman anak naisipan mong maaga bumangon" isa pa tong si mama pero hindi ko na rin sya pinansin

Naka kunot nalang ang ulo ni kuya at nagsalita na ako baka ano pang sabihin nila

"Trip lang" sabi ko at tumawa ng kaunti si kuya

"Kung trip lang yan sana araw-arawin mo na" hay..nakakainis tumayo na ako at mag aayos na

Pero bago pa ako maka alis nagsalita ulit si kuya na pabulong pero narinig ko naman "Anong nangyari sa kanya? may problema ba sya?may nabanggit po ba sya sayo ma?" tanong ni kuya kay mama

Pumasok na ako at hindi ko na sila pinakinggan sa kwentuhan nila

nag-ayos na ako at kung anu-ano pa kaya ng matapos na ako napag-isip isip ko na maglakad nalang papasok

"Alis na po ako " sabi ko kay mama at bago pa ako maka alis nagsalita si kuya

"Hindi ka sasabay?" tanong ni kuya

"Hindi na , maglalakad nalang ako" tsaka na ako umalis

Alam kong nagtataka sila sa kinikilos ko ngayon ..pero pati nga ako nagtataka kung anong nagyayari sa akin..naalala ko na naman ung nangyari sa akin sa gym ano ba kasing problema sa pakikipagkaibigan kay jaydee?

"Uso na ba magsalita ngayon ng mag-isa?"

"Ay halimaw!" nagulat nalang ako at bigla bigla sumusulpot si jaydee...ha? WHAT!!?? si jaydee?

"Nung isang araw palaka na anak ni drakula tapos ngayon halimaw? ano naman sa susunod?" tsaka sya tumawa..ha-ha anong nakakatawa sa sinabi nya..baliw na ata

"bigla bigla ka kayang sumusulpot dyan!" tsaka ko na binilisan mag lakad

"Hoy pits sandali iniwan mo na nga ako sa bahay nyo tapos iiwan mo pa ako dito?" ha?galing sya sa bahay? obvious naman steff diba kakasabi nya lang.

"Galing ka sa bahay?" tanong ko sa kanya

tumango sya at nakisabay na rin sa paglakad ko

"Ano naman ginawa mo dun?" tanong ko sa kanya

"Susunduin ka" sabi nya at napatigil nalang ako sa paglalakad

"Oh ano tatayo ka na lang dyan at hindi kana papasok?" sarcastic nyang pagkasabi at naglakad na ..naglakad na rin ako pero nasa likod nya ako

Ano bang nakain nito at lagi nya akong sinusundo at bakit naglalakad sya? diba may sasakyan siya? eh bat kasama ko sya naglalakad? hay mababaliw na ako kakaisip kay jaydee at kay ashley

"Siguro nagtataka ka kung ano ginagawa ko kung bakit kita laging sinusundo at bakit hindi ko dala sasakyan ko" sabi nya habang naka talikod

"........" ha? pano nya nalaman ganun na ba ako kahalata para magtaka sa knya?

Tumigil sya at dahil nakatigil sya nabunggo ako sa likod nya kasi hindi ko tinitignan ung dinadaanan ko.

My best friend and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon