Punishment?

11 0 0
                                    


Nicole POV

Kakalabas ko lang ng kwarto ng mapansin ko si Ashley na kapatid ko na nasa sala habang pinagmamasdan ang dala dala nyang stuff toy at red rose.

Patago akong pinagmamasdan sya, sino kaya nagbigay nun?
Si jaydee kaya?

Nakilala ko na sya noong nakisama syang nag breakfast sa amin.
Nasabi nya na din na kaibigan nya sina Nathan,Lucas daw at Dwayne.

"Hindi pwede, This is a plan" sabi ni Ashley habang umiiling.

Ano na naman kayang plano?
Hindi kaya may plano na naman sya kay Steff.

Si steff tinutulungan ko lang sya at kaibigan ko na din sya.
Alam ko ung ugali ng ate, kaya nyang gawin basta gusto nya.

Lahat magagawa nya kahit pumatay pa ng tao o anuman.
Mas matanda syang 1 year kaya hindi ko na sya tinatawag na ate..mas sanay ko na ang Ashley.

Sa kakaisip ko nawala na sa paningin ko si Ashley.
Lumabas na ako sa kinatataguan ko dahil nawala na si Ashley.

Nadinig kong may nagsara na ng pinto at napatingin ako sa kwarto ni Ashley.

Nasa kwarto na sya.
Narinig kong may nag door bell ng paulit ulit pero walang nagbubukas ng gate.

"Yaya Marie, pabukas po ung pinto!" sigaw ko sa baba.

Walang sumasagot sa baba kaya ako nalang ang magbubukas ng gate.

Bumaba na ako at papunta na ng gate para pagbuksan kung sino man ung nagdodoor bell.

*Ding dong*

Binuksan ko na ung gate at bumungad sa akin si Nathan.

"Good evening" bati sa akin ni Nathan na ang lapad ng ngiti.

Napatingin ako sa bitbit nyang backpack.

"Ano yan?" tanong ko, tinuro ko ung backpack nya gamit ung nguso ko.

"Backpack" sagot nya.

"Alam ko, I mean bakit ka may dala nyan?" tanong ko sa kanya.

"Bakit bawal?, ayaw mo ba ako papasukin?"

"Ah..ano bang gagawin mo dito? gabi na" medyo mabait na ako sa kanya kasi nga may panakot sya or ano.

"Basta,tulog kana" sabi nya at tinabig ako at pumasok sa loob.

Tsk..feeling at home na at home na sya ah.

"Hoy!" tawag ko sa kanya habang sinasara ung gate.

Bakit ba sya nandito?
Pumasok na ako sa loob at hinahanap si Nathan,

Sa laki ng bahay namin or mansion baka hindi ko sya mahanap, baka magkasalisi lang kami.

Hanap lang ako ng hanap at napagod na ako.

Pumunta akong kusina para kumuha ng tubig.

"Nasan na un?" tanong ko sa sarili ko.

"Sino?"

"Ay palaka! ano ba nanggugulat ka!" sabi ko sa kanya..si Nathan lang. "At saang lupalop ka nasaan at hindi kita mahanap?" napangiti sya sa tanong ko "Oh anong ngiti yan?" tsaka ko binitawan ung ininom kong tubig sa baso.

"Uii..concern sya sa akin" tsaka sya kumaha ng baso at uminom na din.

"Tsk." sagot ko sa kanya at uminom nalang ng tubig.

My best friend and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon