First Date in Courting

22 1 0
                                    


Jaydee POV

Maaga akong nagising kasi may maganda akong plano or else surprise ngayon.

Naligo na ako at nag suot na ng polo uniform.

Kumain na din ako at deretso na kay Ashley.

Kapag pala nakasanayan mo na ung isang bagay magiging masaya ka nalang na hanggang ngayon ginagawa mo pa.

Pero paano nalang kung ung minsan nakasanayan mo ay mag iiba?

Ah!! ano bang iniisip ko, imposible pa un, hindi mag iiba ang nakasanayan kong ihatid sundo si Ashley at lagi syang kasama

Masama na kung masama na hindi ko na binibigyan ng pansin si steff.

Pero minsan lang dumating ang pagkakataon na malay mo nandyan na pala ung the one mo, kaya wag mo na pakawalan.

Ung kaibigan nandyan lang yan, karamay kahit saan.

Umalis na ako at handa ng sunduin si Babe.

Napagpilian ko na ung Babe..nag minimaynimo pa ako kung ano ang gagamitin naming call sign..excited na kung excited, eh sino bang hindi maeexcite kapag alam mong papunta na kayo sa inrelationship ng tanong mahal mo.

Sa kakaisip ko nandito na ako sa bahay nila.
Nagbeep na ako sa sasakyan at may nagbukas ng gate.

Oh diba feeling at home na ako? kakilala na ako ng mga maid at ng family ni Ashley.

Nagpark na ako sa isang banda at pumasok na ng bahay namin este bahay ni Ashley.

"Good morning ser" bati sa akin ni Marie isa sa mga maid nila.

"Good morning, si Ashley?" tanong ko sa maid.

"Nasa taas pa po, baka tulog pa po" sabi ni Marie

Napatingin ako sa orasan at medyo napa aga ako.

"Ako nalang gigising sa kanya" sabi ko sa maid at nag opo na sya at pumunta na ako sa kwarto ni Ashley.

First time ko pumunta ng kwarto nya pero nakita ko na ng konti ung kwarto nya.

Kinakabahan na ewan ang nararamdaman ko.

Pumasok na ako sa kwarto at ang laki ng kwarto nya parang isa ng condo may sala may mini kitchen at napatingin ako sa isang pinto.

Bubuksan ko na sana ng may biglang nagsalita sa isip ko

Privacy Jaydee. PRIVACY, hindi mo kwarto to..sabi ng conscience ko. tsk..oo na

Hindi ko na binuksan ung isang pinto at pumunta nalang ako sa medyo siwang na pinto.

"Eto kaya kwarto nya?" salita ko sa isip ko.

Syempre kumatok muna ako pero walang sumasagot.
Pumasok nalang ako at dahan dahan naglakad.

Napatingin ako sa kama nya na wala ng nakahiga.
Napatingin ako sa bumukas na pinto.

Inilabas ng pinto si Ashley na naka towel lang at basa pa ang buhok.

"Ah" sabi ko nalang at napatulala na sa kanya.

Tumalikod na ako at baka kung ano pa isipin nya.

"Jaydee" tawag sa akin ni Ashley, parang kinabahan ako sa pagtawag nya ng buo kong pangalan, nasanay na kasi ako sa dee lang.

"Oh?" sagot ko habang nakatalikod pa rin ako sa kanya,maglalakad na ba ako palabas o hindi?

My best friend and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon