Sofia’s POV
It’s Saturday pero maaga akong nagising dahil sa ingay na nanggagaling sa labas. Ng dumungaw ako sa bintana ng kwarto ko ay nalaman kong may mga naglilipat pala sa harap ng mga bahay namin nila Dianna at Sam. So bali ganito siya;
Our House | New Neighbours’ House
Dianna’s House | New Neighbours’ House
Sam’s House | New Neighbours’ HouseSa pagkakaalam ko ang tatlong bahay nalang na ‘yan ang walang nagmamay-ari dito sa subdivision namin so it’s a good thing na finally magagamit na rin sila. Anyway, kung gusto mo kasing tumira dito sa Villa Constella Subdivision dapat bilhin mo ang bahay kasama na ang lupa na kinatatayuan nito. Kapag nabili mo na edi ikaw na ang bahala kung ipapabago mo pa ba ang design, ang pintura, ang structure, etc. ng bahay. In our case, hindi na namin ginalaw pa since swak naman sa taste namin ang design ng bahay na napili namin.
Tatlong katok ang narinig ko sa pintuan ng kwarto ko bago sumungay ang ulo ni Manang Felisa mula doon, “Kakain na raw Sofia”.
“Sige Manang susunod na po ako”. Binuksan ko muna ng malaki ang bintana ng kwarto ko bago ako magdesisyong sumunod na kay Manang Felisa.
“Good morning Dad, Mom”. Saktong pagbaba ko ay naghahanda ng kumain ang parents ko.
“Good morning hija. Come on, sit down at ng makakain na tayo”. Si Daddy.
“Kilala niyo po ba ang mga bagong lipat Dad?” Tanong ko sa kanila bago ako tuluyang maupo sa silya.
“Yes anak, ang lumipat sa katapat nating bahay ay pamilya ng business partner ng Daddy mo at dahil na rin malapit daw ito sa school na pinapasukan ng mga anak nila ay naingganyo na rin lumipat ang dalawang kaibigan nito kasama na ang kanilang pamilya”. Si Mama na ang sumagot para kay Papa na hindi ko naman gaanong naintindihan dahil sa napagdeskitahan ko na naman na hotdog sa plato ko.
Napaangat lang ako ng tingin ng magsalita si Daddy, “Magkakaibigan na kami ng mga parents kaya dapat kayo naman ang bahala sa mga anak nila”. Aniya.
I shrugged my shoulders, “We’ll see Daddy”. Sabi ko nalang at nagpatuloy na sa pagkain.
Depende naman ‘yon sa ugali na ipapakita nila sa amin. If they have unlikely traits then sorry we can’t be friends. But if they are well-mannered then why not?
[ END OF SOFIA’S POV ]
Lawrence's POV
Kakatapos lang namin maglipat kanina kaya ngayon lalabas ako para maglibot-libot, isasama ko na rin sina Brylle at Sky kung gusto lang naman nila.
Akmang bubuksan ko na ang gate ng bago naming bahay ng makita ko si Dianna na lumabas mula sa katapat naming bahay. Akala ko namamalikmata lang ako pero siya nga pala talaga. Small world, ika nga nila.
Dahan-dahan akong lumabas ng gate at palihim ko siyang sinundan hanggang sa makarating kami sa isang bookstore. Mukhang hindi niya naman namalayan ang presensya ko dahil may earphones na nakasalpak sa magkabilang tenga niya. Pumasok siya sa loob kaya pumasok na rin ako. Sa kaliwang bahagi ng isang bookshelf siya dumiretso kaya sa kanang bahagi ako pumunta para hindi naman ako masyadong mahalata. Shit. First time ko ‘tong sumunod-sunod sa isang babae na parang stalker. Nakakakaba rin pala.
Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa hindi ko namalayang nasa dulo na pala ako ng bookshelf at pagpihit ko paharap ay si Dianna ang nabungaran ko. Huli na para magtago pa ako dahil nakita na niya ako. Malas.
YOU ARE READING
The Gangsters Meet The Bad Girls Trilogy [Book 1]
Teen FictionWhat do you think will happen if the Gangsters and the Bad Girls meet each other? Magkakaroon kaya ng World War III or they'll end up falling for each other and a new work of love story will be made and will be loved by everybody? Come. Sabay nating...