CHAPTER 9: WHAT'S WRONG DIANNA?

12 7 0
                                    

Sofia’s POV

“Ms. Sofia Cassandra Park kindly proceed to the quadrangle before going home. Please bring Ms. Samantha Maraine Clarkson and Ms. Dianna Rexenne Smith with you”. Agad na imporma sa akin ni Kristoff,  ang Student Council President sa school namin, pagkalabas ko ng room namin. Uwian na kasi. Sina Sam at Dianna nasa loob pa at may inaayos.

“Bakit anong meron doon?” Hindi ko napigilan ang sarili kong taasan siya ng kilay. Wala naman kasing reason para pumunta kami doon.

“I don’t know basta pumunta kayo. It’s an order from the Principal's Office”.

“Whatever. Thanks for your not so helpful existence Mr. Student Council President”. May karapatan naman siguro akong magtaray sa kanya. Tuta siya ng mga Gangsters na ‘yon. Kasali pa nga siya sa Royal Dark Knights Fans Club Men Edition.

He murmured something before throwing his back away from me. Hindi ko na inintindi kasi wala naman akong pakialam sa kanya. 

“What happened? Bakit siya lumapit sa’yo?” Takang tanong ni Sam paglabas niya sa room. Nakasunod naman si Dianna sa kanya.

“He said we need to go to the quadrangle before living for home. Have any idea what’s going on there?” Baling ko sa kanilang dalawa. Umiling si Sam habang si Dianna naman ay nagkibit-balikat sign na wala rin silang clue sa kung anong meron sa lugar na ‘yon.

“So, what are we going to do?”

“Eh di pumunta tayo”. Walang kagatol-gatol na sagot ni Sam. Nang mapadako ang tingin ko kay Dianna ay napakunot-noo ako. Tulala na naman siya. May nag-iba sa kanya these past few days. Lagi siyang tahimik tapos tulala parang laging may iniisip na kung ano.

“Hey, Dianna! Ano sa tingin mo? Pupunta ba tayo or uuwi nalang?” Pukaw ko sa atensiyon niya. Napakurap-kurap pa siya dahil sa pagkagulat.

“Ha? Ah, p-puntahan nalang natin”.

“What’s wrong Dianna? May problema ka bang hindi sinasabi samin Dianna?” Pinukol ko siya nang nang-aarok na tingin.

“Oo nga. You act different these past few days. Ano bang pinoproblema mo?” Sam asked as she crossed her arms on her chest.

“H-hindi naman problema. May iniisip lang talaga ako”. Aniya at nag-iwas ng tingin. Dianna is the independent type of person. Alam kong may pinagdadaanan siya dahil kilalang-kilala ko siya. Ang kaso mukhang ayaw niyang ipaalam sa amin kung ano man iyon.

“Care to share it with us?”

“No need. Kaya ko naman na ‘to. Pumunta nalang tayo sa quadrangle”. Ngumiti siya pero hindi iyon umabot sa mga mata niya.

“Okay. Let’s go”. Sabi ko nalang kahit na hindi ako naniniwala sa mga sinabi niya. Sa haba ng panahon na naging magkaibigan kami ngayon lang siya nagkaganyan at may hinala na ako kung ano o sino ang dahilan ng pagkakaganyan niya.

Malalaman ko rin ang lahat kahit hindi mo pa sabihin sa’kin ang lahat Dianna dear.

[ END OF SOFIA’S POV ]



Dianna’s POV

“Well, well, well. Nandito na ang tatlong bida-bida. Kahit kailan talaga pa importante kayo ano. Kanina pa kami naghihintay dito bakit ngayon lang kayo?” Boses at mukha ni Chelsea ang bumulaga sa amin pagpasok na pagpasok namin sa quadrangle. Kasama niya ang mga alipores niya or should I say ang mga kasama niyang miyembro ng Royal Dark Knights Fans Club Women Edition.

“Ano bang kailangan niyong mga bangaw sa’min at kailangan niyo pa kaming hintayin dito?” Gulat na napasinghap si Chelsea sa kanyang narinig. Sa arte niya mukha hindi niya nagustuhan ang pagtawag ni Sofia sa kanya na bangaw.

“That’s a very wrong choice of words Sofia. Girls—” Sinenyasan niya ang mga kasama niya at sa isang iglap lang ay napalibutan na nila kami. Nagkatinginan kaming tatlo.

Humugot ako ng isang malalim na hininga. G naman ako kung gusto nila ng sabunutan. Total masama naman ang loob ko kaya pwedeng sa kanila ko nalang ibaling ‘tong poot na nadarama ko.

Nanatili lang kaming nakamasid sa kanila, naghihintay kung kelan sila aatake. Suminyas muli si Chelsea pero sa halip na sumugod sa’min ay nagkanya-kanyang dukot ng kung ano ang mga ito mula sa bulsa ng mga skirts nila. What is that? Eggs and ripe tomatoes?!

Napamura ako ng mapagtanto ko kung ano ang pinaplano nilang gawin. Pati sina Sofia at Sam na nasa likuran ko ay ganun din ang ginawa. Naka form kaming tatlo ng triangle ‘yon kasi ang tinuro saming formation kapag three vs. many ang labanan. Sa martial arts training namin natutunan iyon. Umaattend kami ng training every summer.

Kanya-kanyang iwas at salag ang ginawa namin sa mga tinatapon nilang itlog at kamatis sa’min. I put my hands in front of my face to be it's guard. Okay lang na sa katawan ko tumama basta ‘wag lang sa mukha.

Hinanap ng mga mata ko ang pinagmumulan ng mga titig na kanina ko pa nararamdaman pero binabaliwala ko lang. The moment my eyes met those eyes, parang mga bulang naglaho ang lahat sa paligid ko. I see nothing but him and my heart started pounding fast but reality slap me hard again—he’s giving me that blank look for the nth time.

Hindi dapat ako naaapektuhan sa pagbabago niya but I can’t help it. Bigla kong namiss ang pakikitungo niya sa’kin dati.

[ END OF DIANNA’S POV ]




Sam’s POV

“Argh! Those bitches ang kakapal ng mga—” Nabitin sa ere ang pagngingitngit ko ng mapadako ang tingin ko kay Dianna. Para siyang maiiyak habang nakatingin sa kung saan. Sinundan ko rin ng tingin ang tinitingnan niya. I knew it! Sabi ko na nga ba’t ang pesteng Lawrence na iyon ang dahilan ng pag-iiba niya.

Nakatingin siya kay Lawrence na ngayon ay papaalis na rin ng quadrangle. Pinanood siguro nito ang ginawa ng mga bruhang iyon sa amin. Napamaang ako ng may tumulong luha sa mga mata niya na agad niya namang pinahiran. Seriously, why is she crying over that bastard?!

“Let’s go. May araw din ang mga ‘yon”. Matigas na sabi ni Sofia at nagmartsa na rin palabas ng quadrangle.

“That bastard don’t deserve even a single tear of yours Dianna. Hindi dapat iniiyakan ang mga basura”. Makahulugang sabi ko kay Dianna saka sumunod na rin kay Sofia palabas.

Kahapon sinabi niyang aalis daw sa papuntang France before this month end para daw sa new branch ng business nila na ipapatayo roon pero mukhang hindi lang pala business ang dahilan kung bakit siya aalis. It looks like she really decided to leave everything behind and go to France to forget Lawrence. Oh, how ridiculous it is! Bakit niya ba kasi hinayaang maapektuhan siya ng kalaban?

Hays, our soft-hearted Dianna. I hope she forgets him the soonest.

[ END OF SAM’S POV ]



A/N: Poor Dianna. Nabiktima ata ni Kupido.

The Gangsters Meet The Bad Girls Trilogy [Book 1]Where stories live. Discover now