Dianna’s POV
5:30 AM na. Too early but I have to get up kahit na tinatamad pa ako. Kailangan kong magjogging at ipasyal na rin si Migo, my cute little brother.
Bumangon ako sa kama ko at hinawi ang kurtinang nakatabing sa bintana ng kwarto ko pagkatapos ay saka ko binuksan ang mismong bintana. Napangiti ako sa masamyong dampi ng hangin na sumalubong sa’kin. I love it here in Villa Constella Subdivision dahil ang ganda ng ambience, malinis ang hangin dahil na rin siguro sa mga punong nakatanim sa paligid ng subdivision, tahimik din dito, malinis ang paligid at higit sa lahat secured kaming lahat dahil mahigpit ang seguridad sa subdivision na ito.
Naputol ang pagmumuni-muni ko dahil sa pagbukas ng bintana sa kabilang bahay na katapat ng bintana ko. Sumungaw mula roon ang nakangiting mukha ni Lawrence.
“Umagang umaga ang pogi na niya.” Naikiling ko ang ulo ko dahil sa pumasok sa isipan ko. I raised a brow on him.
“Good morning Rexenne. Ang ganda ng umaga lalo na’t ang isang magandang dilag na kagaya mo ang unang nakita ng mga mata ko”. Sa sinabi niya ay nag-init ang pisngi ko. Tila may mga lumitaw din na mga anghel na nagsisiawitan sa paligid ko. Ang sarap pakinggan.
Pasekretong kinastigo ko ang sarili ko dahil sa kahibangang naisip ko. Tumikhim muna ako bago magsalita, “Kanina maganda pa ang umaga ko pero ng makita kita wala na, sirang-sira na ang araw ko”. Pinaikot ko pa ang mga mata ko para magmukhang convincing ang acting ko. Hindi niya dapat malaman na affected ako sa charm niya no.
“Talaga? Pero bakit ka nagblush kanina? Na flattered ba kita?” He grinned showing his perfect set of teeth.
“Ang pogi talaga!” Tili ng kabilang bahagi ng isip ko.
“Maghunos-dili ka Dianna!” Saway naman ng kabila.
Napangiwi ako. Nasisiraan na ata ako ng bait.
“Kapal, hindi no”. Tanggi ko.
“So bakit ka nagblush kanina?”
“Hindi nga ako nagblush!” Sa sobrang inis ko ay kinuha ko ang isang pares ng flip flops na suot ko at inihagis sa kanya. Huli na para marealize ko ang ginawa ko.
“Uy, akin na ‘to ha. Aalagaan ko ‘tong mabuti, ipapaframe ko pa”.
“Siraulo ka ba? Ibalik mo na nga sa’kin ‘yan”.
“Ayoko. Akin na ‘to ngayon”. Aniya at hinalikan pa ang flip flops ko na nasaulo niya kanina.
“Aw, kahit flip flops mabango rin”. Baliw talaga. Asar.
“Baliw! Bahala ka na nga diyan. Flip flops lang naman ‘yan”. Tinalikuran ko na siya at padabog na pumasok sa banyo.
Kaasar! Teka naasar ba talaga ako o kinikilig? Bakit ako nakangiti?
“Aaaaaahhhhhhhhhh Dianna, you’re doomed!” Tili ko sa isip ko.
Ipapaligo ko nalang ‘to. Mawawala din naman itong kabaliwan ko pagkatapos kong maligo.
[ END OF DIANNA’S POV ]
Sofia’s POV
YOU ARE READING
The Gangsters Meet The Bad Girls Trilogy [Book 1]
Teen FictionWhat do you think will happen if the Gangsters and the Bad Girls meet each other? Magkakaroon kaya ng World War III or they'll end up falling for each other and a new work of love story will be made and will be loved by everybody? Come. Sabay nating...