CHAPTER 12: SDS FANS CLUB

419 22 4
                                    

Sofia's POV

Mag-isa akong naglalakad ngayon papunta sana sa canteen kasi break time na namin. Wala si Sam kasi may meeting ang Literature Club at President siya dun kaya kinailangan niyang umattend. Kung nandito pa sana si Dianna edi sana may kasama parin ako kahit wala si Sam. Wala, nakakamiss lang talaga ang presence ni Dianna. Siguro nga kailangan ko munang sanayin ang sarili ko na wala siya ngayon sa tabi namin.

“Ano naman ang problema niyo?” Nakaharang na naman kasi sa daraanan ko ang iilang babaeng kasapi ng Royal Dark Knights Fans Club. Sa tantiya ko nasa 50+ sila ngayon.

“Ikaw ang problema namin! Hindi kami makapapayag na pakasalan ka ni Brylle!” Tahasang sabi ng Fans Club President nila na sinundan naman ng mga pagsang-ayon ng iba pang mga miyembro.

“Ako nga rin hindi payag kaso wala na ako lalo na kayong magagawa patungkol roon kasi sa ayaw at sa gusto natin ikakasal parin kami”.

“At bakit naman hindi ka payag? Ang arte mo naman!” Naitirik ko nalang ang mga mata ko sa sinabi niya. May sira din sa ulo ang isang ‘to gaya lang din sa idol niya!

“Kahit maarte ako sa’kin parin papakasal si Brylle at kayo kahit ano pang pagpapakatanga ang gawin niyo para sa kanya hinding-hindi siya magiging sa inyo”. Napalunok ako. Nakatingin na silang lahat ng masama sa’kin ngayon. Hindi naman ako takot sa kanila individually, takot lang talaga akong pagkaisahan nila. Aba, one versus 50+ hindi ko kakayanin kapag sabay-sabay silang sumugod.

“Magiging akin siya! Girls, gawin siyang imbalido para hindi na siya pakasalan ni Daddy Brylle!” Patay. Gagawin talaga nila ‘yon para lang kay Brylle?!

Tatakbo na sana ako pero pagpihit ko paharap ay nabunggo ako sa isang matipunong dibdib kaya medyo napaatras ako. Napatingin ako sa mukha ng lalaki at kitang-kita ko ang pagngiti niya sa’kin.

Hindi kaya sila ang Men Edition ng Royal Dark Knights Fans Club? Bigla akong nanlamig sa naisip ko. Oh well, si Kristoff lang naman ang kilala ko sa kanila. Gosh, magiging imbalido na ba talaga ako?

Bago pa ako makapagtanong kung sino sila ay hinila na ako ng lalaki at itinulak sa loob ng bilog. Oo bilog, nakaporma sila ng bilog ng mga kasama niya tapos ako ang nasa gitna. Todo ang pagkabog ng dibdib ko sa sobrang kaba. Jusmeyo, ilang taon kong inalagaan ang sarili ko tapos sa pagiging imbalido lang din pala ang bagsak ko?!

Pero teka, kung balak nila akong pagkaisahan bakit nakatalikod silang lahat sa’kin? Sa labas ng bilog kasi sila nakaharap imbes na sa loob. Ano ang plano nila? Maggitgitan tapos ipitin ako sa gitna?!

“At sino naman kayong mga pakialamero kayo?” Rinig kong bulyaw ni Chelsea—Royal Dark Knights Fans Club President. So hindi sila magkakilala?

“Kami ang SDS Fans Club”. Huh? SDS? Napatingin ako sa hawak-hawak nilang banner na ngayon ko lang napansin. SDS Fans Club ang nakalagay doon at may pictures naming tatlo nina Dianna at Sam. What is the meaning of this?

“Umalis man si Dianna pero patuloy parin naming poprotektahan sina Sofia at Sam!” May Fans Club na din pala kami? Kailan pa? I’m not aware but thanks to them mukhang hindi ako makakanti ng mga baliw na babaeng kasama sa Fans Club ng kabila.

“Ibigay niyo samin Sofia, malaki ang kasalanan samin niyan!”

“Hindi kami papayag!” Tutol ng mga kalalakihang nakapalibot sa’kin. Cool! Nawala ang kaba ko. I felt protected! Masarap pala sa feeling na may pumuprotekta sa’yo.

The Gangsters Meet The Bad Girls Trilogy [Book 1]Where stories live. Discover now