Sofia’s POV
It’s Monday, it’s payback time!
I received the papers that Mr. Salvadico sent me last night. And grabe, hindi ko inakala na sa mga ‘yon lang pala natatakot ang so-called Royal Dark Knights. BWAHAHAHAHA lintek lang talaga ang walang ganti!
Kakarating lang namin sa school nina Dianna and Sam. Sa kotse ulit kami ni Dianna sumakay kasi mas okay talaga kapag magkakasama kaming tatlo.
Napahinto kami sa may pintuan ng classroom namin ng mamataan namin ang mga kalaban. So, blockmates pala namin ang Royal Dark Knights. Naks, what a fate!
We grinned at each other bago kami pumasok sa loob at nagsiupo sa kanya-kanya naming upuan.
“Why are you seating there?” Sita sa amin ni Brylle. Akalain mo 'yon, akala ko GMRC lang ang kulang sa kanya pero pati pala commonsense niya kinulang din.
“Malamang upuan namin ‘to”. Pabalang na sagot ko sa kanya.
Napauklo ako sa kinauupuan ko ng bigla niyang pukpukin ang armrest ng armchair niya. Nagulat ako dun ah. Ang aga-aga ang init ng ulo niya. Stay pressed, Brylle.
“Good morning Rexenne”. Ani Lawrence habang nakatingin kay Dianna pagkatapos ay ngumiti.
“Tantanan mo ‘ko Lawrence”. Inis na baling dito ni Dianna.
“What if I don’t want too?” Si Lawrence sa nanghahamong tuno.
“Edi ‘wag mo”. Dianna rolled her eyes on him. Ang huli naman ay ngingiti-ngiti na lang habang umiiling.
Mukhang type ata ni Lawrence si Dianna ah. Or baka type lang asarin? Ipagkibit-balikat nalang natin ang mga bagay na hindi naman natin sigurado.
[END OF SOFIA'S POV]
Author's POV
Eksaktong 6:28 PM, sabay-sabay na nakatanggap ng tig-iisang kahon sina Brylle, Lawrence at Sky.
Sina Sofia, Dianna at Samantha naman ay pare-parehong nakaupo sa kama habang nakatingin sa orasan sa kani-kanilang mga kwarto na para bang may hinihintay silang mangyari.
Habang ang tatlong lalaki ay nagtataka kung anong laman ng mga box na natanggap nila ang tatlong babae naman ay tila mga nasiraan na ng bait dahil sa nakangisi sila habang nakatingin sa orasan.
“In 3, 2, 1” Magkapanabay na bilang ng tatlong babae sa kani-kanilang kwarto.
Dakong 6:30 PM ay naganap ang tatlong kalunos-lunos na pangyayari—charot. Trenta minutos pagkalipas ng ala sais ay maririnig sa buong subdivision ang mga malalakas na pagmumura na susundan naman ng pagsigaw at paghiyaw na animo‘y takot na takot. Ang mga nasabing ingay ay nagmula sa mga bahay ng Royal Dark Knights. Well, hindi naman natin sila masisisisi. Ikaw ba naman ang makatanggap ng regalo tapos pagbukas mo ay ang pinakakinatatakutan mo ang babati sa’yo, hindi ka ba mapapamura at mapapasigaw sa takot?
Brylle received a big snake, Sky received cockroaches while Lawrence received frogs.
“Mom, Dad there’s a big snake here! Fuck, take it away from me!” Nahahapong sigaw ni Brylle. Sa sobrang takot niya ay napatakbo siya papunta sa kwarto niya. Kung hindi pa siya aalis doon ay baka himatayin pa siya. Pagkarating niya sa kanyang kwarto ay nilock niya ang pinto at nagtalukbong ng kumot. He despises snakes the most. May trauma siya sa ahas.
“Waahhhhh ipis—maraming ipis, dammit! Patayin niyo ang mga ipis na ‘yan kung ayaw niyong mawalan ng trabaho!” Banta ni Sky sa mga katiwala nila na nagsilapitan sa kanya matapos marinig ang una niyang sigaw. Nagkandadulas-dulas pa siya sa hagdan habang nagmamadali siyang umaakyat dahil may ipis na lumilipad papunta sa kanya. He didn't know when did he started to be afraid with cockroaches, maybe he was born? Diring-diring at takot na takot lang talaga siya sa ipis.
“Shit! Frogs! Ahhhhhhhhhh!” Sigaw naman ni Lawrence sa kabilang bahay at napalundag-lundag na rin kagaya ng mga palaka na lumabas mula sa box na nabuksan niya. Agad namang napatakbo ang kanyang ina papunta sa kanya kasama ang iilang maids na kasama nito kanina sa kusina.
“Thanks goodness. Ma, shoo that frogs away please!” Aniya pagkakita sa ina at mabilis na umakyat sa kwarto niya. Halos mawalan na ng kulay ang kanyang mukha. Pagkarating niya sa kanyang kwarto ay agad niyang binuksan ang bintana niya. Kailangan niyang makasagap ng hangin dahil feeling niya ay parang mapuputulan siya ng hininga sa sobrang kaba.
Kasabay ng pagbukas ng bintana ni Lawrence ay bumakas din ang mga bintana sa kwarto nila Sky at Brylle. Mas lalo lang niyang nahigit ang kanyang hininga ng ang bumulagta sa kanya ay ang magandang mukha ni Dianna sa kabilang bintana ng katapat nilang bahay.
“Surprise”. Napabaling siya sa pinagmulan ng tinig.
[ END OF AUTHOR’S POV ]
Lawrence's POV
“Surprise”. Napabaling ako sa pinagmulan ng tinig. Si Sophia iyon na nasa bintana ng bahay na nasa kaliwa ng bahay nila Dianna na katapat ng bahay nila Brylle. At hindi lang pala kami magkakatapat ng bahay pati kwarto pala namin magkakatapat din.
“This is all your doings, right?” Frustrated na napahilamos sa kanyang mukha si Brylle. Halata ngang sila ang my kagagawan. They’ve gone overboard for goodness sake! Hindi magandang paglaruan ang may trauma at phobia! Buti nalang at wala kaming sakit sa puso na tatlo kung meron baka nanganib na ang buhay namin!
"So, did you like our gifts?" Sofia smiled crookedly. Ang sama talaga ng ugali niya. Dapat hindi nagsasama si Rexenne diyan, masyadong bad influence.
"Mukha bang ikinatuwa namin ang regalo niyo?" Matabang na wika ni Brylle. Sa sobrang tuwa ko ansarap manakal ng babae!
"We made it for our own pleasure and not for yours so who cares kung hindi niyo ikinatuwa ang pagkakatanggap niyo sa—"
“I’m so done with you woman! I might bury you alive soon so don’t let your guard off!” Gigil na sabi ni Sky at padabog na isinarado ang bintana ng kwarto niya.
“Brylle ‘yong ahas—”
Brylle cut Sofia off, “To hell with that snake!”
“Laruan lang naman ‘yon”. Halos pasigaw na sabi ni Sofia dahil isinarado na ni Brylle ang kanyang bintana. Pero hindi naman maririnig ng huli ang pagsigaw niya kasi once na nakasara na ang bintana ay wala na kaming naririnig na ingay mula sa labas—nakasoundproof nga kasi.
“Let’s have a good night sleep girls”. Nginitian niya sina Dianna at Sam pero ng mapadako ang tingin niya sa’kin ay umismid siya. Aba’t! Kunti pa, mauubos na talaga ang pasensya ko sa bruhang ‘yan.
Magkapanabay na isinara nina Sofia at Sam ang kanilang mga bintana. Inaantay ko nalang na magsara ng bintana si Dianna pero bakit ang tagal naman yata? Ayoko siyang tapunan ng tingin dahil parang bula lang na naglalaho ang pagngingitngit ko tuwing nakikita ko siya!
“Lawrence!” Tawag niya sa’kin pero hindi ko siya dapat na harapin.
“Hindi kita kilala”. ‘Yon ang unang pumasok sa isip ko kaya ayon nalang din ang sinabi ko at mabilis na pinagsarhan siya ng bintana. Alam ko na pagtatawanan niya lang din naman ako kagaya ng ginawa ng mga kasama niya kina Brylle at Sky kaya mas mabuti pang huwag ko nalang siyang pagtuunan ng pansin habang maaga pa.
Hindi ako dapat na magpaapekto sa kanya. Sumobra sila at hindi ko na iyon kasalanan. I will forget that I‘d like her once. Kailangan kong supilin ang nararamdaman kong pagkagusto sa kanya habang hindi pa huli ang lahat.
[ END OF LAWRENCE’S POV ]
A/N: Keep on reading readers! Love y’all and thank you very much! Mwappss! Leave some comments below if you want.
YOU ARE READING
The Gangsters Meet The Bad Girls Trilogy [Book 1]
Teen FictionWhat do you think will happen if the Gangsters and the Bad Girls meet each other? Magkakaroon kaya ng World War III or they'll end up falling for each other and a new work of love story will be made and will be loved by everybody? Come. Sabay nating...