3rd Person's POV
“Thank you for coming ladies and gentlemen. Tinipon namin kayo because we will be having a one big announcement”. Nakatungong nakikinig so Dianna sa bawat salitang sinasabi ng mga magulang nina Sofia at Brylle sa kanilang anim—pito pala dahil si Lawrence na nakapwesto sa harapan niya ay may kasamang babae na mukhang girlfriend na nito.
Akala niya ay sila-sila lang nina Sam, Sofia at ang mga magulang nito ang naroroon pero laking gulat nalang niya ng pagkarating nila sa lugar na kakainan nila ay kasa-kasama pala nila ang Royal Dark Knights pati na ang mga magulang ni Brylle sa iisang mesa. She thought it would just be a simple dinner but it seems like it’s not.
“Spill it, Mom. May kinalaman din ba sa kanila ‘yang announcement na sinasabi mo?” Aboridong tinapunan ng tingin ni Brylle ang mga Bad Girls.
“Yes, son. Actually, sa ating lahat”. Saad ni Mrs. Stein at tinanguan si Mrs. Park tanda na pwede na itong magsalita.
“Alam namin ang mga pinaggagawa niyong kalokohan na anim at sa totoo lang we’re very disappointed. But still, us and the Stein's decided to have a merging of our companies and to more strengthen the ties of the two families and to stop the clash between the six of you—we arranged a marriage for Sofia and Brylle”.
“What?” Nagulantang silang anim sa narinig. Si Brylle at Sofia ay napatayo mula sa kanilang kinauupuan at si Dianna ay napaangat ng tingin.
“That’s right. Wala pang exact date ang kasal pero kapag may ginawa kayong kalokohan sa isa’t isa ay mas mapapaaga ito”.
“Seryoso ba kayo diyan? Ipapakasal niyo ako sa amasonang ‘yan?” Frustrated na idinuro ni Brylle si Sofia.
Pinalis ni Sofia ang kamay ni Brylle na nakaduro sa kanya at tiningnan ng masama ang lalaki. “Hoy! Ayoko rin namang magpakasal sa kagaya mong babakla-bakla”.
“Ano—” Nabitin sa ere ang sasabihin ni Brylle ng magsalita ang kanyang ama.
“Should we move the wedding a week nearer?” Kausap nito sa asawa at sa mga magulang ni Sofia.
“How about a month para mapaaga ang pagiging magkumpare at kumare natin?” Mr. Park proposed na agad namang sinang-ayunan ng dalawang ginang.
“Oh. I love that”.
“Sure, let’s move it a month earlier”.
“I can’t believe this! Do they know I have issues Mom, Dad?” Tila nauupos na kandila na napabalik ng upo si Brylle sa kanyang upuan.
“Yes, we do Brylle and we think Sofia might help you cope up with everything”. Sagot naman ng parents ni Sofia.
“How sure are you? Baka nga mas mapasama pa ako dahil sa kanya”. Patuyang wika ni Brylle.
“Teka, anong issues ang sinasabi niyan Mom, Dad? At saka tama siya, I won’t help him cope up with it instead mas palalalalain ko pa kung ano mang issues ang meron siya.” Tiningnan niya ng masama si Brylle and Brylle returned it with the same intensity.
“Mamaya na natin iyan pag-usapan hija. Wala na kayong magagawa, ikakasal kayo whether you like it or not”. Sofia’s Dad said with finality on his tone.
Hindi naman makapagfocus sa pakikinig si Dianna sa usapan ng anim dahil sa paghahagikgikan ng dalawang taong nakaupo sa harapan niya. Tila may sariling mundo ang mga ito at hindi maiwasang magngitngit ng kalooban niya sa kanyang nasasaksihan. Nang magtama ang mga mata nilang dalawa ni Lawrence ay tumigas ang ekspresyon ng mukha nito, nawala ang ngiting kanina ay nasilayan niya habang nag-uusap ito at ang babaeng kasama nito. Parang nilamukos ang kanyang puso sa iniakto nito kaya siya na ang unang nag-iwas ng tingin at itinuon niya nalang ang tingin kina Brylle at Sofia. Buti naman at hindi naisipang magwalk out ng dalawa. Kung tutuusin, may nakikita na rin naman siyang bond sa dalawang ito.
YOU ARE READING
The Gangsters Meet The Bad Girls Trilogy [Book 1]
Ficção AdolescenteWhat do you think will happen if the Gangsters and the Bad Girls meet each other? Magkakaroon kaya ng World War III or they'll end up falling for each other and a new work of love story will be made and will be loved by everybody? Come. Sabay nating...