Sofia’s POV
Naabutan ko silang nag-uusap-usap sa may dinning area. Tumikhim ako para makuha ang atensiyon nila. Mukhang masaya ang pinag-uusapan nila, nagtatawanan pa kasi sila. Eh di sana all!
“Where’s Brylle?” My Mom asked me instantly as she get a glimpse of me. Seriously, mas nauna pa niyang hanapin si Brylle kesa kamustahin ang araw ko?!
Bumeso muna ako sa parents ko at sa parents ni Brylle bago umupo sa tabi nila Mama saka sumagot. I have to do that kahit labag pa sa loob ko.
“Baka na trap sa kotse niya. Sana nga ‘di na siya makalabas”. May himig ng sarkasmong sagot ko.
When Brylle said, 'They must be nuts!' That was true. Kita mo nagtawanan pa nga sila. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko.
Hinampas ako ni Mama sa braso. “Ikaw talagang bata ka puro ka biro. Pagpasensiyahan niyo na itong unica hija namin Mare, Pare”. Naitirik ko ang mata ko sa kawalan. I’m not bluffing anything!
“It’s okay Mare. Ganyan talaga ang mga bata nowadays”. Nakangiting sagot ng Mama ni Brylle. Wala namang problema sa mga magulang ni Brylle kasi mababait sila sa anak lang nila meron.
“Yeah right. And I’m not joking Mom. I mean what I said”. I know I’m not suppose to be behaving like this but I’m not in the mood to act as the kindest girl right now.
Pinandilatan ako ni Mom. Pati si Dad bigla ring nag-iba ang timpla niya. Oh well, wala naman sigurong masama kung supilin ko sila paminsan-minsan.
“Mukhang wala sa mood ang anak ninyo Mare, Pare”. Amused na wika ni Tito Myco. I hate it. Tila walang epekto ang ginagawa kong pagsusuplada para magbago ang isip nila sa pagpapakasal samin ni Brylle.
“Halata po ba? You’re son and I can’t really get along well so I hope you’ld change your mind about involving us in this d*mn arrange marriage”. Walang ka preno-prenong turan ko. Bahala na. It’s now or never.
“Sofia Cassandra!” Sita sa’kin ni Papa. He must be angry. I can feel it through the intensity of the stare that he’s giving me. Panong hindi? Ngayon ko lang kinuwestiyon ang desisyong ginawa nila para sa’kin.
Humugot ako ng malalim na hininga at magsasalita pa sana pero naunahan ako ni Tita Britney. Nandiyan na daw si Brylle and he is. Pero imbes na umupo ay dire-diretso siyang naglakad papunta sa may hagdan. Paakyat siguro sa kwarto niya.
“Where are you going son?” Tita Britney asked him.
Tumigil siya sa ikatlong halintang ng hagdan. “I’m not eating Mom. Busog ako”. Mabuti pa nga. Nakakainis tingnan ang pagmumukha niya. Magkaharap pa naman kami ng upuan sa mesa.
“Come and eat with us Brylle. Don’t make me repeat my words”. Tito Myco said that in a normal tone pero hindi nakalagpas sa’kin ang nagbabantang tingin na ibinibigay niya kay Brylle.
Kaya naman pala magkakasundo sila. Hobby pala nila ang pagkokontrol sa buhay ng mga anak nila. Tsk!
“Fine! Magpapalit lang ako”. Aangal pa sana si Tito pero pinigilan siya ng asawa niya.
“Go ahead son. Just make it fast”. Sukat doon ay padabog na umakyat na di Brylle sa taas.
Napapabuntong-hininga nalang ako habang sinusundan ng tingin ang pag-akyat niya. We’re both stock with this mess made by our own parents. Life truly sucks!
Pagkaraan ng ilang minuto ay bumaba na rin si Brylle at umupo na sa bakanteng upuan sa harapan ko.
“Okay, let’s eat. Lalamig na ang pagkain”. That’s better. Sa pagkain ko nalang ibubuhos ang inis na nararamdaman ko.
Tahimik lang kami habang kumakain, parang nagpapakiramdaman kaya naman nakapagfocus ako sa pagkain. Nasa pagkain ang lahat ng atensiyon ko, hindi ako nag-aangat ng tingin pero ramdam ko ang minsanang pagsulyap sa’kin ni Brylle. Hindi niya siguro inaasahang malakas ako kumain. Sa totoo lang wala akong gana—stress eating ang ginagawa ko.
“Magana ka palang kumain Sofia hija”. Puna ni Tita Britney. Well of course! I need to minimize my stress. Ayoko pang mabaliw.
“Minsan lang naman po Tita kapag stress ako. And I’m f*cking stress right now”. Tila nagulat naman siya sa pagmumura ko. I’m sure ibinida na ako ng mga magulang ko sa kanila. That's why, I need to act stubborn para mag-iba ang tingin nila sa’kin.
“Watch your words Sofia Cassandra!” Mariing sabi ni Papa na ipinagkibit-balikat ko lang.
Paniguradong sermon ang abot ko nito mamaya pag-uwi namin sa bahay pero wala akong pakialam! It’s their fault why I’m being like this.
I continued eating not minding the gazes that they're giving me. Makalipas ang ilang sandali ay tapos na kaming lahat kumain. Tumikwas ang kilay ko ng tumayo si Brylle. What is he gonna do?
“I’m going to my room. Excuse Me”. Sabi niya pero hindi pa siya nakakalis sa kinatatayuan niya ay kumontra agad si Tito Myco.
“Sit down Brylle. May sasabihin pa kami sa inyo”. Anito saka nagkatinginan silang apat. Ano na naman kaya ang iniisip nila?
“Make it fast Dad”. Bored na turan ni Brylle at padaskol na umupo pabalik sa upuan niya.
“The wedding day isn't decided yet but your engagement date will be next month”.
“And so? Do whatever you want”. Baliwalang sagot ni Brylle dito. Yeah right. Ginagawa naman nila kung anong gusto nila.
“The thing is, starting tomorrow lilipat na kayo ni Sofia sa bahay na binili namin para sa inyo. Nasa kabilang bahagi lang naman ng subdivision iyon. Both parties already agreed with this set up”. Nagpanting ang tenga ko sa narinig ko. Bumalik lahat ng inis na meron ako kanina, sobra-sobra pa.
“That’s bullshit! Paano niyo naisip na ilagay kami sa ganyang set up gayong hindi pa kami kasal at ni ayaw nga naming makasal sa isa’t isa? You’re impossible!” Galit na bulyaw ni Brylle sa kanila.
“I’m not doing that!” Dagdag pa niya saka walang lingong-likod na umalis sa may dinning area.
“Pagpasensiyahan niyo na ang an—”
“No, he’s right. Anak niyo ho kami at pareho pa kaming only child so how could you do this to us? Inisip niyo man lang ba kung anong maramdaman namin sa mga desisyong ginagawa niyo para sa’min? You’re being selfish as hell!” Napaiyak na ako sa sobrang galit. I wipe my tears harshly then turned to my parents, “Mom, Dad I can’t believe you’re really doing this to me!”
Pinigilan pa ako ni Mommy sa plano kong pag-alis pero pinalis ko ang kamay niyang humawak sa braso ko at padabog akong nagmartsa paalis ng bahay nila Brylle. Hindi ko alintana ang pagtawag sa pangalan ko na ginagawa ng mga magulang ko. Sobra na sila!
Noong una arrange marriage tapos ngayon gusto nilang magsama kami under one roof na kami lang? Anong tingin nila samin, puppet? Mga anak nila kami for Pete's sake!
[ END OF SOFIA’S POV ]
A/N: Cliché ba?
YOU ARE READING
The Gangsters Meet The Bad Girls Trilogy [Book 1]
Teen FictionWhat do you think will happen if the Gangsters and the Bad Girls meet each other? Magkakaroon kaya ng World War III or they'll end up falling for each other and a new work of love story will be made and will be loved by everybody? Come. Sabay nating...