CHAPTER 11: FUTURE HUSBAND

368 24 3
                                    

Brylle's POV

“Ang tagal mo namang lumabas Señorita”. Asar na saad ko pagkalabas ni Sofia sa gate nila.

“Sino ba kasing nagsabing hintayin mo ako?” Taas-kilay na tanong niya.

“Malamang ang parents—hey! Dito ka umupo sa harap. Hindi mo ako driver!” Saway ko sa kanya dahil sa passenger's seat siya pumasok.

“Paano kung ayaw ko?” Nanghahamong sabi niya.

“Sige magmatigas ka at hindi tayo aalis dito. Tingnan natin kung sino ang hindi makakapasok sa’tin sa school”. I placed my hands at the back of my head at prenteng sumandig sa upuan ng kotse.

“FYI, I have my driver so kung—”

“You sure? Ang sabi kasi sa’kin ni Tita pinagbakasyon nila ang driver niyo at sa susunod na buwan pa ang balik niya”. Kitang-kita ko sa rearview mirror ang panlalaki ng mga mata niya dahil sa sinabi ko. Hindi ko rin naman gusto na makasama siya mula sa pagpasok hanggang sa pag-uwi ng school pero dapat akong sumunod sa mga magulang ko kung ayaw kong mamulubi. Tsk! Kailangan ko siyang pakisamahan para hindi ako i-disown ng parents ko and that's bullshit!

“Fine!” Inis na saad niya at saka lumipat sa harap, sa tabi ko.

“Susunod ka rin naman pala andami mo pang satsat.”

“Don’t talk to me. Nasisira ang araw ko”. Nagsuot na siya ng headphone saka pumikit. Napabuga ako ng hangin at nagsimula ng magmaneho.

How can I be with this girl in a lifetime? Ano bang pumasok sa isip ng mga magulang namin at naisipang pagsamahin kami? Isang malaking kabaliwan ang ideyang ito!

“Are you seeing what I’m seeing?” Eksaheradong bulalas ng isa sa mga estudyanteng madadaanan namin paalis ng parking lot. Kakarating lang namin sa school kami agad ang nakita nila.

“Omg! Sina Brylle at Sofia magkasama?! Diba magkaaway ang mga ‘yan?” Segunda naman ng kasama nito. Papalapit na kami sa kinaroroonan nila kaya rinig na rinig namin ang bulong-bulungan nila, kung bulong-bulungan pa nga ba iyong matatawag.

Nauunang naglalakad si Sofia habang ako ay nakasunod lang sa kanya kaya hindi ko alam kung anong reaksiyon niya sa mga pinagsasabi ng mga ito not that I care but knowing her alam na alam kong ayaw na ayaw niyang pinagtsitsismisan siya ng iba.

Kunti nalang at lalagpas na siya sa mga ito pero imbis na lampasan niya ang mga ito ay pumihit siya paharap dito. Tumigil din ako sa paglalakad ‘di kalayuan mula sa kanilang tatlo dahil gusto kong makita kung ano ang susunod niyang gagawin.

“Ang aga niyo namang magtsismisan. Ano bang masama kung magkasama kami ng future husband ko?” Napasinghap ang dalawa sa narinig maski ako ay nagulat din. Hindi ko akalaing siya mismo ang magkakalat ng tungkol sa arrange marriage namin.

“Si Brylle future husband mo? Ambisyosa”. Hindi na ako nagulat ng lumagapak ang kamay ni Sofia sa pisnge nito. Walang pwedeng lumapastangan sa isang Park lalo na kung Sofia Cassandra ang pangalan nito.

“Ako, si Sofia Cassandra Park, ambisyosa? Ang kapal naman ng pagmumukha mo”. Bulyaw niya dito. Nakayukong nasapo nalang ng isa ang pisnge nito habang ang kasama naman nito ay tila kuting na iiling-iling ng mabalingan ito ni Sofia. “Ano, aangal ka?”

“Akala ko pa naman gusto mo rin ng sampal. Next time na mag-uusap kayo tungkol sa’kin tiyakin niyong hindi ko naririnig ha baka hindi lang ‘yan ang magawa ko sa inyo”. Pagbabanta niya sa mga ito bago tumalikod at magsimula na ulit maglakad.

The Gangsters Meet The Bad Girls Trilogy [Book 1]Where stories live. Discover now