CHAPTER 5: AFTER THE FIRST ENCOUNTER

396 33 3
                                    

Dianna’s POV

I can’t believe it! After nila kaming paliguan ng juice nakuha pa niya akong ngitian? I swear I’ll gonna tear that smile off his face next time.

“Anong nangyari sa kanila?”

“Tiniruan ng leksiyon ng Royal Dark Knights”.

Royal Dark Knights? Ang baduy. So, Royal Dark Knights pala ang tawag sa kanila ha. Bagay naman sa kanila. Mga lalaking may masasamang budhi.

“Sana all maganda parin kahit kinawawa na”.

Aba siyempre. Hindi naman nakakabawas ganda ang paliligo ng orange juice.

“Deserve. Mga bida bida kasi”. Banas.

Binalikan ko ang babaeng nagsabi ng mga katagang ‘yon at humarap ako sa kanya. Lakas naman ng loob nitong magsalita ng kung ano-ano e wala naman siyang alam.

“May sinasabi ka ba?” I faked a smile. Napalunok siya. Natatakot ka na ba? Aba dapat lang.

“Wala naman”. Sinungaling ang bruha.

“Talaga?” nang-uuyam na saad ko. Lumapit pa lalo ako sa kanya at bumulong, “Kapag hinambalos ko ‘yang pagmumukha mo diyan sa pader sa likod mo at sinabi kong deserve mo ‘yon magiging okay lang kaya sa’yo?”

I stepped backwards then I faced her again, “Ano, try ba natin?” Tila tinakasan naman ng kulay ang kanyang pagmumukha.

“H-huwag, a-ayoko”. Kailangan ka pa palang bantaan bago ka tumiklop na bruha ka.

“Sige, I’ll let it slide pero dapat next time manahimik ka nalang ha lalo na kapag wala kang alam sa buong kwento”. I gave her a heavy tap on her shoulder. Pinakaayaw ko talaga sa lahat ay ang pinag-iisipan ako ng masama kahit na wala naman akong ginagawang hindi kaaya-aya. Lalong-lalo na ang ginawa ng mga herodes na iyon sa amin! Naku, lintek lang ang walang ganti.

[ END OF DIANNA’S POV ]


Sam’s POV

AAARRRRGGGGGHHHHHHH

Ang lagkit lagkit ng pakiramdam ko. Kung nakakamatay lang talaga ang titig edi kanina pa pinaglalamayan ang mga walanghiyang gangsters na ‘yon.

I want to devastate all of them! They’re really getting on my nerves! Akala mo kung sinong magagaling!

“Papasok pa ba tayo mamaya?” I asked Sofia.

Pumihit siya paharap bago sumagot, “Depends on you. Ako, uuwi na dahil wala akong dalang pamalit saka magpaplano pa ako kung paano tayo makakabawi sa mga ungas na ‘yon”. Nice idea.

“Sige, uuwi nalang din ako at mag-iisip na rin ng pwede natin gawin sa mga kulugong iyon”.

“Wait, where’s Dianna?” Tanong niya na ikinakunot ng noo ko.

“Nasa liko—” I was about to tell her that she’s just behind me but she’s not there. Saan kaya nagpunta ang isang ‘yon?

“Obviously she’s not there. Baka binalikan pa niya ang mga Gangsters!” Tatakbo na sana kami pabalik kung hindi lang namin siya nakitang naglalakad na palapit sa amin.

“Where have you been?” Nakapameywang na tanong ni Sofia sa kanya.

“I’ve been to London to look at the Queen”. She joked pero hindi kami natawa bagkos tingnan lang siya namin ng masama.

The Gangsters Meet The Bad Girls Trilogy [Book 1]Where stories live. Discover now