One week na ang nakakalipas since naging senior student ako. Nag-meeting na kami para sa mga bagong homeroom officers at nag-prepare na rin ng kung anu-ano pang classroom activities. Sumali rin kami sa mga clubs ng school. I chose Journalism club dahil kasali naman na ako roon since freshman ako. Hilig ko talaga ang magsulat at gusto kong maglathala ng iba't ibang literary works, at maghatid ng balita para sa mga estudyante at guro ng campus to make them inspired and entertained.
Maaga akong dumating sa school ngayon kaya sarado pa 'yung room namin. Bumaba muna ako sa first floor at naupo sa hagdan. This is a public school kaya hindi uso ang ma-late at pumasok kung kailan mo gusto. Kinuha ko na lang ang phone ko at nag-compose ng GM o group message.
gOod mOrning peeps! Here nA @sch0oL.
-- Gi Em
#40_YhAn
I pressed send to almost 40 persons in my phone contacts. After a moment, narinig ko na tumunog ang cellphone ko.
CHECK OPERATOR SERVICES.
Your messages are not sent to all receivers.
Sh*t hindi ko pa pala na-register sa unlimited texts 'yung load ko! Sayang!
I felt frustrated.
"Uy Yani, ang aga mo ah." Napaangat ako ng tingin at nakita ko ang pesteng lalaki sa harap ko. Ngingiti ngiti pa ang loko.
"So?" Tinaasan ko pa siya ng isang kilay bago tumingin ulit sa cellphone ko. Ayoko siyang kausap. Naiinis ako and at the same time, naiilang ako sa kanya.
"Ang sungit mo talaga," naramdaman kong malungkot ang boses nya.
So what?
"Dahil nakakainis ka. Alam mo 'yun?" Nakita ko na umupo siya malapit sa akin. I felt awkward pero hinayaan ko na lang.
"Sorry na nga kasi. Hindi ko naman sinadya 'yon," naramdaman ko na tumingin siya sa'kin.
"Huy, Yani..." Is he begging?
"Ano??" I asked him in an irritating tone. Bigla akong napatingin sa kanya at nakita ko ang kanyang dalawang mata na kulay brown at ang sarap titigan ng mga ito. Huh?! Erase! Erase!
"Sorry na nga.." ulit niya.
Ang kulit naman nito.
"Oo na nga! Ang kulit mo eh!" Sigaw ko na ikinatuwa naman niya. Huh ang babaw.
Medyo lumapit pa siya sa akin at inabot ang isa niyang kamay.
"Can we be friends?" Tanong niya habang nakatitig sa akin, extending his hands to me.
Siguro dapat bawasan ko na muna ang kasungitan ko. Mukhang mabait naman itong pesteng 'to.
"Okay."
We shake hands. Naramdaman kong parang may ilang kuryenteng dumaloy sa buong sistema ko ng makadaupang palad ko siya. Ang init at ang lambot ng kamay niya. It felt nice dahil ang lamig ng kamay ko every morning.
Natapos ang maghapon na palagi akong nilalapitan ng peste kong new friend na ipinagtaka naman ng mga kaklase namin. Palagi ko kasi siyang sinusungitan dati pero ngayon parang nagbago ang ihip ng hangin dahil friends na kami. Para himala raw. Ang OA nila.
"Ahem! Magkabati na sila ni Ethan ayieee!" Bati sakin ni Julie habang naglalakad kami pauwi.
"Oh eh ano naman? Masama ba na magkaroon ng bagong friend?" I told her in a defensive tone.
"Hindi naman, kaso himala sa masungit na kagaya mo hahaha!"
Kaibigan ko ba talaga ang isang 'to?
"Ang kulit kasi kaya pumayag na ako."
"Alam mo friend, bagay talaga kayo."
**
Kinabukasan, nagkaroon kami ng meeting sa Journalism club tungkol sa mga ipapublish na articles. I was surprised when I saw Ethan joined the meeting. Kasali pala itong unggoy na 'to dito?! Kailan pa?
"Hoy madam baby ano 'yang nilalaro mo? Patingin!" At bigla niyang kinuha ng sapilitan sa'kin yung cellphone ko.
"Hoy! Nakakainis ka! Makaka-high score na ako sa Space Impact eh!"
"Hahaha! Luma na 'to!" He teased me.
"Akin na nga 'yan!" Pero hindi niya ibinigay sa'kin. Pinagtitripan na naman niya ako!
"Abutin mo muna hahaha!" At saka niya itinaas ang kanyang kamay hawak ang cellphone ko. Alam naman niyang hindi ko maaabot 'yon dahil ang tangkad niya duh! Kainis!
Nagpaikot ikot muna ako sa kanya bago ko nakuha ang phone ko. Peste talaga! Ang awkward na ng position namin dahil ang lapit ko na sa kanya at malapit ko na syang mayakap.
"Aray!" I bumped into his chin.
"Sorry Yani! Hindi ko sinasadya," He felt alarmed. Hinawakan niya ang noo ko at hinaplos haplos. "Alin ba masakit?"
Nakaramdam ako sobrang pagka awkward kaya sinabi ko na lang na okay na ako.
He looked at me with a pair of worried eyes. And when he suddenly smiled, parang nawala yong sakit sa noo ko. I feel like floating and flushing at the same time.
"Uyyy.. May namumuong love team dito! Ayieee!" Some junior members in our club noticed us.
I quickly turned away from him. Tinamaan ako ng kahihiyan.
Teka ano ba 'to? This is really not good to feel. Napaka-OA ko na yata.
BINABASA MO ANG
The Manhid & The Torpe (Complete)
Novela JuvenilSubaybayan ang story ni Yani at Ethan, the one playing safe and the one na hindi kayang sabihin ang nararamdaman niya. Magiging sila pa kaya hanggang dulo? Or will they just spend lifetime turning secrets into regrets? Manhid ka, torpe naman siya. A...