Nasa school gymnasium ako ngayon para sa general rehearsals ng graduation rites namin at para na rin kuhain ang cap and gown ko. Bukas na kasi ang graduation day. Hindi ko ma-explain sa sarili ko kung gaano ako excited, kinakabahan, and at the same time ay nalulungkot. Mixed emotions dahil at last, matatapos na rin 'yung isang chapter ng buhay ko. I am so ready to face the new level of my endeavors pero sa kabilang dako ay hindi ko maiwasan na maramdaman ang kalungkutan. I don't want to leave this campus yet. This is where I mustered myself into an independent teenager of this generation. This is where I met different persons who taught me different emotions. I've got so many memories to cherish here. This separation anxiety and graduation jitters are all bittersweet to feel.
"Yani," mula sa aking likuran ay may tumawag sa pangalan ko.
I knew where that voice came from. Bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko. Tss. Bakit sya lang ba ang nakakagawa sa'kin ng ganito? Nilingon ko siya at nginitian.
"Uy Ethan," Bati ko sa kanya at umupo naman siya sa tabi ko. Break time ng dry run namin ngayon kaya nakalipat siya ng pwesto.
"Excited ka na ba?" Tanong niya.
"Oo naman! Nakakatuwa, college na tayo next school year. Hindi ba exciting 'yon?" I excitedly looked at him.
Wala sa mukha niya ang inaasahan kong saya na gusto kong makita mula sa kanya. He looked sad and at the same time, his eyes are longing for something I can't explain. I know this sepanx is getting in all of our heads lately. Baka nalulungkot rin siya na umalis sa school na ito.
"Ahm.. Tungkol pala dun sa kagabi. 'Yung sasabihin ko," he paused.
"Ano 'yun?"
"A-ano.. Ahm--"
"YANI! Nariyan ka lang pala, kanina pa kita hinahanap! Kuhain na raw natin 'yung cap and gown nasa room na." Biglang sumulpot si Jamy sa harap namin.
"Oh, lika na pala Ethan kuhain na natin." Tumayo ako at sumunod na kami kay Jamy papunta sa classroom.
**
"Yani." Narinig kong tawag sa akin ni Jen.
We were inside the locker room. Kinukuha ko lang ang ilang gamit na natira ko dito, pagkatapos ay uuwi na rin ako since tapos na ang rehearsals.
"Hi Jen, nakuha mo na ba 'yung cap and gown mo? Nasa room na natin." Bati ko sa kanya.
"Oo nakuha ko na." Malamig ang tono ng pagsasalita niya.
"Uuwi ka na ba? Sabay--"
"Bakit hindi mo kaagad sinabi sa'kin?!" Tumaas 'yung boses niya na ikinagulat ko naman.
Naguluhan ako sa inaakto niya. Tila may malaki akong kasalanan sa nakikita ko sa kanyang mga mata na puno ng hinanakit at pagtatampo.
"H-ha? Ang alin?"
"Si Ethan. Gusto mo rin sya 'di ba?! Bakit 'di mo sinabi sa'kin? Akala ko ba susuportahan mo ako? Pero bakit niloko mo 'ko? Akala ko kaibigan kita. Nagkamali ako. Wala kang kwentang kaibigan. Gusto ko si Ethan. Pero inaagaw mo siya sa'kin. Ayaw niya akong pansinin dahil sa'yo! Palagi na lang ikaw! Palagi ka na lang nasa eksena! Nakakainis ka, alam mo ba 'yon? Palagi kayo 'yung magkasama. At sa tingin ko, gustong gusto mo naman. Feeling ko pinagtatawanan mo ako dahil hindi ako napapansin ni Ethan kahit konti dahil laging ikaw na lang ang kasama nya!"
"J-Jen... What are you talking about? Hindi kita maintindihan, me and Ethan are just--"
"Hindi mo talaga ako maiintindihan dahil wala ka sa kalagayan ko! Hindi mo maiintindihan 'yung sakit na nararamdaman ko sa tuwing magkasama kayo ni Ethan at ang saya saya nyo. Palaging na sa'yo 'yung atensyon nya. 'Yung tingin nya sa'yo iba. Ibang-iba sa binibigay niyang tingin sa iba. Hindi mo maiintindihan kung gaano ka-sakit makita 'yung taong gusto mo na may ibang gusto. Pero alam 'yung pinaka-masakit? Bakit ikaw pa na kaibigan ko?" Her voiced cracked and tears started fall down her face.
I was dumbfounded. Pakiramdam ko ngayon ay para bang sinampal niya ako ng ilang beses. I don't know that this is what she's thinking all this time na magkakasama kami.
"N-No Jen, it's not what you thought--"
"Manhid ka, Yani. Don't ever talk to me again."
And without a word, she stormed out of the locker room leaving me in chaos.
![](https://img.wattpad.com/cover/37885676-288-k702642.jpg)
BINABASA MO ANG
The Manhid & The Torpe (Complete)
Novela JuvenilSubaybayan ang story ni Yani at Ethan, the one playing safe and the one na hindi kayang sabihin ang nararamdaman niya. Magiging sila pa kaya hanggang dulo? Or will they just spend lifetime turning secrets into regrets? Manhid ka, torpe naman siya. A...