Nasa isang KTV kami ngayon para sa send off dinner namin sa journalism club. Kung anu-ano ang mga gifts nila sa para sa aming mga seniors. Nakatanggap ako ng isang kulay pink na t-shirt at may naka-drawing dito na kalahating puso. Medyo hindi ko pa nga naintindihan 'yung drawing dahil mukhang abstract ito. Pero ang cute kasi pink.
Sobrang ingay dahil sa kulitan ng mga ka-members ko at dahil na rin sa lakas ng karaoke. Masayang masaya ang lahat pero at the same time somewhere inside our hearts, nalulungkot kami dahil ito na siguro ang last bonding namin as journalism club members. Siguradong mami-miss ko ito. They've became my second family sa campus, we shared a lot of experiences, downfalls and victories, ngunit sama-sama pa rin kami sa pag-achieve ng aming mga pangarap bilang tagapag-hatid ng balita para sa aming paaralan. Hindi matatawaran ang mga sandaling ginugol ko kasama sila. I'll surely miss them in the future.
"Hayyy alam mo ate Yan, ga-graduate na lang kayo sa high school, hindi pa rin nagiging totoo ang E-Yan love team!" Lessie, our literary editor just burst, out of the blue.
"Oo nga! Sayang ang fandom natin!" Sang-ayon pa ni Sophie.
I gave them a what-are-you-talking-about look. Pero pinagtawanan lang nila ako na para bang wala akong alam sa mga sinasabi nila. Ano'ng E-Yan pinagsasabe nyo?
"Kaloka ka teh! Kayo 'yun ni kuya Ethan. E for Ethan, Yan for Yani, equals E-Yan!" Pagkaklaro pa ni Sophie.
"E-wan ko sa inyo!" Nasabi ko na lang.
Hindi talaga ako mananalo sa mga batang ito. Ang dami nilang nalalaman! Namumula na ako sa kahihiyan. Mabuti na lamang at wala dito si Ethan sa tabi ko. Busy siya kumanta kaya hindi niya naman siguro kami makikinig. Nang matapos siya ay kaagad namang inagaw ni Genel sa kanya 'yung mic dahil kanya naman daw ang susunod na song.
Kinikilig ako, etong epekto mo
Kulang na lang tumakbo ako sa banyo
Nakakatakot ka, sumosobra ka
Nakatatak sa isip ko ngiti sayong mukha
Hindi ko alam kung bakit 'yan na naman ang naisipan nilang kantahin, bukod sa umay na umay na ako ay hindi rin matawaran ang mga ngiting nakakaloko at tuksuhan ng ang aming mga ka-pub sa amin ni Ethan. Talagang sinasadya nila 'to. Ano ba'ng pumasok sa isip nila at palagi kaming pinagpa-partner ng mokong na 'to? Pero ito namang si Ethan ay patay-malisya lang na para bang walang nangyayari sa paligid. Ako lang 'yong sumasalo sa lahat ng kahihiyan.
Nako ano ba yan? Puro ganyan na lang
Wala ka ng alam gawin kundi magparamdam,
Hindi ko na alam, ano ba dapat ang
Iisipin ko o dapat ba na wag na langTuwing gabi ka lang nagtetext, umaga message ko'y walang effect, oh oh, oh oh
Nag aantay kung ano ng next,
Upang aking utak ay ma-set
Nang dumating ang adviser namin ay pinaalis nito si Ethan sa pwesto niya at pinalipat sa tabi ko. Para naman akong na-paralyze nang maramdaman ko siya sa tabi ko. Pakiramdam ko ay nagwawala lahat ng internal organs ko sa katawan. Hindi ko na talaga kaya 'to.
Oh ano ba ang nadarama?
Hwag ng paliguy-ligoy, paliguy-ligoy pa
Pwede ba, hwag ka ng magdrama,
Hwag ng paliguy-ligoy, paliguy-ligoy pa
Natapos na ang dinner namin pero hindi pa rin tapos ang tuksuhan para sa amin. Nang mag-offer si Ethan na ihatid ako ay lalong nagkagulo ang mga pasaway kong ka-pub at walang patid na pang-aasar na naman ang inabot namin. Hindi ko na alam ang ire-react ko. Naubos na yata lahat ng expressions ko sa kanila.
"So, Ethan, Yani, mauna na kami ah. Hoy Ethan, ihatid mo si Yani ha? Saka, may sasabihin ka pa sa kanya 'di ba? Sabihin mo na at gabi na. Hahaha!" Paalala naman ni Carl sa kanya bago ito tuluyang umalis, isa siya sa mga contributors namin.
"Ano 'yon?" Tanong ko. Medyo na-curious naman ako sa sasabihin niya.
"H-ha? Ah- eh- w-wala! Hahaha." Na-uutal niya sagot habang kumakamot sa kanyang batok at parang tinamaan ng matinding hiya.
Nag-isip na lang ako ng topic namin para mawala ang awkward atmosphere sa pagitan namin habang naglalakad kami papunta sa bahay.
"Hayy. Ilang araw na lang, gagraduate na tayo. Ano'ng kukuhain mo na course sa college?" Tanong ko sa kanya.
"Gusto ko mag-civil engineering, pero titingnan ko rin 'yung accountancy," He said. "tingin mo, ano'ng maganda?"
"Hmm, maganda naman pareho. Pero mas bagay sa lalaki ang CE. Pero ikaw, nasa iyo 'yan kung ano talaga ang gusto mo."
"Ikaw..." He paused.
"Ha?" Natataranta kong tanong.
"Ano'ng course ang kukuhain mo?" He continued his question. Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig. What are you thinking Yani??
"Gusto ko maging isang doctor. Parang exciting pag-aralan 'yun 'di ba?"
"Hindi ka ba natatakot mag-dissect ng patay? Saka paano 'yun, may Physics don, wala ng Ethan na magtuturo sa'yo." He jokingly said.
"Hahaha! Hindi siguro. Lakasan lang ng loob 'yun! Gagalingan ko na lang. Pakinggan mo, bagay sa'kin, Dra. Yani Rose Rivera M.D. Oh 'di baaa? Tapos sa'yo naman, Engr. Ethan Concepcion, o kaya, Mr. Ethan Concepcion, CPA. Bagay!"
Nakita ko na naman 'yung saya niya at para bang aabot na sa tainga ang kanyang mga ngiti.
Dugdug. Dugdug.
Haaayy. Kailan mo ba sasabihin na gusto mo rin ako Ethan? Kasi feeling ko talaga nagugustuhan na kita. Kahit hindi pwede. Baka sakali, baka sakaling may pag-asa. Kahit kaunti. Alam ko na naging manhid ako noon sa nararamdaman ko. Ayaw ko kasi na i-entertain kung ano man ang feeling na mayroon ako para sa'yo. Masyado ba akong playing safe? Ayaw kong masaktan, masyado pa akong bata para sa ganito. I don't know if this is just the so-called teenage hormones or what. Ayaw ko rin mag-assume. Pero mas lalo lang yata akong napo-fall sa'yo. Idagdag mo pa 'yang over caring moves mo para sa akin. Yung sinabi mo noong senior's ball, hindi ko pa rin makalimutan. Pero natatakot akong umasa alam mo 'yun? Kasi hindi ko alam kung ganoon din ba ang nararamdaman mo o ang lahat ng iyon ay friendly gestures mo lang. Ayaw kong bigyan ng ibang meaning ang mga ginagawa mo sa'kin kasi kaunti na lang, baka tuluyan na akong umasa na pwede tayo.
Kwento kwento ka, tungkol sa bagay-bagay
Pag-usapan naman natin tayo'y medyo bagay
Pero mabagal ka di mo maisip yon sabay
Konting tiis na lang malapit na akong magbabye.Ano ka ba naman, ganyan ganyan na lang
Wala ka ng alam gawin kundi magparamdam
Hindi ko na alam, ano ba dapat ang
Iisipin ko o dapat ba na hwag na lang
O sige Nadine, umepal ka lang palagi. >.<
BINABASA MO ANG
The Manhid & The Torpe (Complete)
Novela JuvenilSubaybayan ang story ni Yani at Ethan, the one playing safe and the one na hindi kayang sabihin ang nararamdaman niya. Magiging sila pa kaya hanggang dulo? Or will they just spend lifetime turning secrets into regrets? Manhid ka, torpe naman siya. A...